Chapter 2

49 11 0
                                    

"Are you okay sir? Bakit parang nakakita ka ng multo?"tanong ko dito habang kinakaway ang kamay sa tapat ng mukha nito

Ilang minuto na siyang nakatulala habang nakatingin sakin kaya inalalayaan ko na ito para maalis na ang bala nito sa loob niya baka mawalan pa siya ng dugo dito, ako pa sisihin

Habang inaalayan ko ito ay nakita ko ang isang doctor na papalapit samin

"Doc sandro"banggit ko sa pangalan nito, nginitian ako nito tsaka tinulungan umalalay sa lalaking 'to

"Let me in doc mondrian, kuhanin mo nalang ang first aid kit at dalhin sa o.r"sabi nito tumango ako at ngumiti dito pabalik

Kinuha nito ang lalaki at siya ang nag alalay dito inalis ko na din ang pagkakahawak ko dito at naglakad na palayo, ramdam ko ang titig nito sakin pero binalewala ko nalang.

Kinuha ko ang first aid kit at pumunta na sa o.r kung nasaan sila.

Ng makapasok ako ay napasinghap ako ng makita ang posisyon nila

Kinuwelyuhan niya si sandro na ikinaangat nito sa ere, matalim ang titigan ng dalawa na parang magkakilala sila, napansin ko din na may pasa sa mukha si sandro

Akmang sasapakin uli ng lalaki si sandro ng sumigaw ako

"WAG!"sigaw ko dito na ikinahinto nito, nilingon ako nito na may gulat agad naman niyang binitawan si sandro kaya napaupo ito sa sahig

Agad akong tumakbo palapit dito at inalalayan itong tumayo

"Are you okay doc?"tanong ko dito tinignan ako nito at ngumiti ito ng pilit

"I'm fine don't worry"nakangiti nitong sabi

"May pasa ka? Ganyan ba itsura ng okay?"sakarsmo kong sabi na ikinatawa nito, tinaasan ko naman ito ng kilay"Anong nakakatawa sandro? May pasa ka na nga tuwang-tuwa ka pa"iritable kong sabi dito napahinto naman ito sa pagtawa pero this time pinipigilan niya ilabas

Iniupo ko ito sa upuan na kaharap nito ay kama, nilingon ko ang pasyente namin na mukha namang malakas. Nakasapak pa nga e.

"Humiga ka na sa kama mister ng magamot na ang sugat mo, ako na ang gagamot sayo binugbog mo yung kasama ko"seryoso kong sabi dito pero nakatitig lang ito kay sandro ng matalim

"Hoy mister humiga ka na, may mga pasyente pang naghihintay sakin"mataray kong sabi dito kaya nasa akin na ang tingin nito

Pero yung tingin nito ay matalim, para bang may ginawa akong hindi niya nagustuhan

"Mister?.. Tatawag nalang ako ng ibang doctor na gagamot sayo, may mga pasyente pa'kong naghihintay sakin"naiinis kong sabi dito pero hindi ito umimik, nakatitig lang ito sakin

"Doc sandro, tawagin mo nga si doc marcia-"naputol ang sasabihin ko ng hawakan nito ng kamay ko at hinila ako papunta sa kama.

Humiga ito doon ng walang imik kaya huminga ako ng malalim tsaka kinuha ang mga gagamitin ko panggamot dito at sinimulan ko na din gamotin ito.

Tinurukan ko ito ng anesthesia para hindi niya maramdaman ang sakit, hiniwa ko ang sugat nito para makuha ko ang bala sa loob nito. Ng natanggal ko na ang bala nito sa balikat ay itinahi ko na iyon at nilagyan ng gauze. Sa bewang naman ay nililinis ko ang sugat nito doon dahil nadaplisan.

Habang nililinis ko ang sugat nito ay nagsalita ito

"What's your name?"tanong nito na ikinahinto ko sa paggamot sa bewang nito

Nilingon ko ito na may pagtataka

"Bakit mo tinanong?"tanong ko dito pabalik at ibinalik na uli ang atensyon sa ginagawa

"I just want to know"he said in a cold tone nilingon ko ito at ilang minutong hindi umimik.

"Dalia"maikli kong sabi na ikinataas ng kilay nito

"Is that your full name?"taas kilay nitong tanong na ikinairap ko

"Dalia Isabella Mondrian"sabi ko sa buo kong pangalan na ikinatango nito at umiwas na ng tingin kaya ipinagpatuloy ko na ang aking ginagawa.

Tahimik lang kami habang ginagamot ko ang sugat nito, walang nagbalak magsalita samin, si sandro naman ay kanina pa umalis kasi may pasyente siyang aasikasuhin.

"I'm done, rest there, don't move too much and your shoulder wound might bleed. I'll tell you if you can leave, so hanggang dito nalang ako may mga pasyente pa'kong aasikasuhin"I said and he nodded while staring at me

Umalis na'ko sa kwarto niya at pumunta muna sa opisina para kunin ang mga kailangan ko sa next patient ko.

THE BILLIONAIRE IS MY STALKER(OBSESSION: HEINO RAZKIEL TRAYNOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon