CHAPTER 3

48 11 0
                                    

DALIA POV.

"I'M HOME DONI"sigaw ko habang tinatanggal ang sapatos ko, nakarinig naman ako ng yabag palapit sakin

"you're back, hermosa"sabi nito at yumakap sakin

"I miss you, how's your day?"tanong nito na ikinangiti ko

"I'm fine hermoso, I miss you so much. nga pala kamusta pag-aaral?"tanong ko dito ngumiti naman ito

"It's fine, katulad pa din ng dati mataas pa din grades ko"sabi nito na ikinangiti ko

"Ang galing talaga ng baby boy ko, oh halika na magluluto na'ko para makakain na tayo"aya ko dito na ikinatango nito

kumapit ito sa braso ko at hinila ako papunta sa kusina.

"Next time, Hermosa, I'll cook for you"sabi nito na ikinangiti ko ng natamis

"Sige ah, aasahan ko iyan"sabi ko dito na ikinatango nito at ngumiti ng malapad

Umupo na ito sa upuan na kita ako Kaya sinimulan ko ng magluto ng uulamin namin.

Ang uulamin ngayon ay adobong manok, habang hinihiwa ko na nag mga ingredients ay nilingon ko ito at kita ko ang pagkamangha nito sakin na ikinangiti ok dito tsaka ibinalik na uli ang atensyon sa ginagawa..

"Ito na, charann"nakangiti kong inilapag ang ulam namin at kita sa itsura nito na natatakam na ito

"Oh sige na, kumain na tayo"sabi ko dito kaya agad itong nagsandok ng kanin tsaka nagsandok na din ng ulam, pati ako ay sinandokan nito ng kanin at ulam na ikinasaya ng puso ko

He's 19 years old at ang masasabi ko lang ay lumaki itong mabait sakin, 19 years old pa lang ako ay ako na ang nagaalaga dito, ako na din nagpapaaral dito, nong 17 pa lang ako ay ang magulang nito ang kumupkop at umampon sakin. pinag-aral, binihisan, at pinakain ako ng mga magulang nito, hanggang sa namatay sila kaya ako na ang nag presinta na magaalaga sa kanya. 19 na siya ngayon at 24 na'ko, pag grumaduate ito doon ko lang masasabi na maayos ang pagpapalaki ko sa kanya.

"Ang sarap mo talaga magluto hermosa"papuri nito na ikinangiti ko

"Sus, lagi mo namang sinasabi iyan. Baka hindi talaga masarap ah"biro ko dito na ikinatawa nito tsaka itinuloy na ang pag kain.

Ng matapos na kami kumain ay siya na ang nagpresinta na maghugas kaya hindi na'ko umangal pa at umakyat nalang sa kwarto ko para maligo at magbihis.

Ng makapasok ako sa kwarto ay inilapag ko na ang bag ko tsaka kinuha ang twalya at dumiretso na sa banyo para fresh, nilock ko ang pinto at sinimulan ko ng maghubad ng saplot na halos wala na'kong itira, ibinabad ko ang aking katawan sa bathub.

"Ang sarap talaga sa pakiramdam"nasabi ko nalang habang dinadama ang tubig sa aking balat, isinandal ko muna ang aking ulo at pumikit para mag relax.

Habang nakababad ako ay may biglang kumatok sa pinto na ikinadilat ng mata ko, nilingon ko naman ang pinto

"Hermosa are you done? We need to sleep na po"sigaw nito sa harap ng pinto na ikinailing ko

"Still can't sleep alone?"sigaw kong tanong dito na ikinatahimik nito doon

Ilang minutong tumahimik ang pinto ko kakakatok kaya nagsabon na'ko at nagshampoo tsaka nagbanlaw na din, kinuha ko ang twalya at ipinalibot sa katawan ko tsaka lumabas ng banyo.

Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sakin ang itsura niya na magulo

"Anong nangyare sayo?"nagaalala kong tanong dito at hinawakan ang mukha nito, ng makita ako nito ay agad itong yumakap ng mahigpit sakin at doon humikbi

"shhh, tahan na it's alright, hmm."pagpapatahan ko dito at hinimas-himas ko ang buhok nito

Ilang minutong kaming nasa ganong posisyon ng bumigat ang kamay nito, hudyat na nakatulog na ito dahil sa pag iyak kaya iniayos ko ito ng higa at ako naman ay naglakad na papuntang closet para magbihis.

Pagkatapos ko magbihis ay dinryer ko ang buhok ko tsaka tumabi na dito sa pag higa

Naalala ko naman bigla ang lalaking iyon

Bakit ganon siya makatingin sakin?
Mukha ba'kong multo?
Bakit niya tinanong ang pangalan ko?
Bakit parang may something sa kanya?
Bakit parang familiar siya sakin?
Kilala ko ba siya dati?

Maraming katanongan na bumabagabag sakin dahil sa lalaking iyon.

Habang nagmumuni-muni ay hindi ko na namalayan na nakatulog na'ko.

THE BILLIONAIRE IS MY STALKER(OBSESSION: HEINO RAZKIEL TRAYNOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon