CHAPTER 14

24 7 0
                                    

Sa kakaisip ko ay muntik na'kong mahulog sa hagdan dahilan ng pagkabitaw ko sa maleta ko, gumulong ito pababa at nagdala iyon ng malakas na ingay.

Napahawak ako sa puso ko dahil sa kaba, malakas ang kapit ko sa kahoy na hagdanan habang nakaupo na.

"JUSKO DALIA ANONG NANGYARE SAYO?"panic na sigaw ni lola nilingon ko ito at nakita ko itong nagaalalang nakatingin sakin

"W-wala po la, muntik lang po ako mahulog kanina, sorry po kung pinagaalala ko pa kayo"sabi ko narinig ko ang pagbukas ng pinto sa likod ko

"What's going on here? I heard a crash so I ran over here"sabi nito, naluluha ko naman itong nilingon

"D-doni"naluluha kong tawag dito, agad naman itong lumapit sakin

"Anong nangyare hermosa?"nagaalala nitong tanong, umiling lang ako dito

"La ano pong nangyare?"tanong niya kay lola sabay yakap samin

"Hindi ko din alam apo, basta narinig ko nalang na may nahulog na bagay pag tingin ko ay maleta pala niya, akala ko ay siya na yung nahulog. jusko, kinabahan ako sayong bata ka akala ko kung napano ka na"sabi ni lola na ikinahikbi ko

"Shhh, tahan na dapat tinawag mo'ko para ako na magbuhat non paakyat"sabi nito yumakap naman ako dito ng mahigpit at doon umiiyak

"A-akala ko g-galit ka s-sakin e"humihikbi kong sabi dito

"No, I will not be angry with you. I will only get angry with you when something bad happens to you, so please, be careful with your every move"he said to which I just nodded

"Pumasok ka na sa kwarto mo, kukunin ko lang yung maleta mong nahulog"sabi nito agad naman akong tumayo tsaka naglakad na papuntang kwarto habang humihikbi pa din

Pumasok ako sa kwarto at isinirado ang pinto, hindi ko iyon nilock para makapasok si doni dala ang maleta ko

Pinunasan ko ang luha ko na nagsisimula na namang tumulo

Habang pinupunasan ko ang luha ko ay nakarinig ako ng katok sa bintana na agad kong ikinalingon, taka akong lumapit doon at may nakita akong sulat na naman na nakaipit sa bintana. Binuksan ko iyon at binasa

From: Mon épouse

Good afternoon épouse, be careful next time, while I'm not by your side take care of yourself. I miss you épouse, just wait, you will meet me too

to: R

Napatigil ako dahil sa sulat nito, anong kalokohan na naman ito?

Agad kong pinunit yung papel ng at itinapon iyon sa bintana ng biglang may kumatok sa pinto

"Come in"sigaw ko sa pinto, agad naman itong pumasok dala-dala ang maleta ko

"How are you?"nagaalala nitong tanong ngumiti naman ako

"I'm fine, don't worry about me"sabi ko dito, pinitik naman nito ang noo ko

"Ikaw ah, mag ingat ka pinag-alala mo'ko, akala ko ikaw na yung nahulog nagulat ako sa sigaw ni lola"sabi nito na ikinatawa ko ng mahina

"Bati na tayo ah"sabi ko tinaasan naman ako nito ng kilay

"Kailan ba tayo nag away?"taas kilay nitong tanong na ikinataka ko

"Kanina lang diba?"taka kong tanong dito

"Hindi tayo magkaaway, hindi lang tayo nagusap. Hindi na kita kinausap buong byahe baka kasi pagod ka, ayoko namang dumagdag pero ito pala yung mangyayare, sorry kung dinala ko na sana agad yung bag mo sa kwarto mo ay hindi ka na magkakaganon"sabi nito hinampas ko naman ito ng mahina

"Bwesit ka, akala ko galit ka sakin kasi ipinagtanggol ko yung waiter kanina"inis kong sabi dito na ikinatawa nito

"Oh sige na, magpahinga ka na muna alam kong pagod ka"sabi nito na ikinatango ko

"Doon muna ako sa kwarto ko, hindi pa'ko tapos magaayos ng mga gamit ko e"sabi nito na ikinatango ko nalang tsaka humiga sa kama

Iidlip muna ako saglit dahil inaantok pa'ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa lamunin na'ko ng antok.

THE BILLIONAIRE IS MY STALKER(OBSESSION: HEINO RAZKIEL TRAYNOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon