CHAPTER 18

54 4 0
                                    

DALIA POV.

Nagising ako dahil sa ingay ng paligid, iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nasa loob ako ng kwarto ko.

Puro mga sigaw ng mga tao ang naririnig ko sa labas

Bumangon ako at pumunta sa pinto ng kwarto ko para buksan yun, pero pagka bukas ko ay napaupo ako sa gulat.

Puno ng nagliliyab ng apoy ang bahay namin.

Nakita ko si papa. si papa na tumatakbo palapit sakin at puno ng pagaalala ang makikita sa mga mata nito.

"A-anak, halika na, lalabas tayo dito"sabi nito sabay lapit nito sakin at inalalayan ako sa pagtayo, kumuha ito ng isang twalya na basa at niyakap nito sakin iyon

Nanginginig akong naglakad palabas ng bahay namin, may mga ibang kahoy na ang nahuhulog sa lupa. Iniiwasan naming mahulugan kami.

Malapit na kami makalabas ng biglang may pumutok na baril, nasa likod namin iyon ng galing na tunog

Nagulat ako ng biglang napaluhod si papa sa sahig

Agad ko itong pinantayan tsaka inalalayan palabas

"P-pa kumapit ka, w-wag kang susuko, w-wag mo'ko iiwan papa"nanginginig kong sabi, buong lakas kong binuhat ito

"U-umalis ka na, h-hindi mo na dapat ako binuhat pa"sabi nito habang naka hawak sa tagiliran nito kung saan natamaan siya ng baril

Ng makalabas na kami at nakalayo na medjo sa bahay ay bigla itong bumagsak sa lupa na ikinatigil ko

Nanginginig buong katawan ko habang nakatingin sa kanya na nag-aagaw buhay, umupo ako sa lupa at niyugyog ito

"P-pa, wag mo'ko iiwan please"pakikiusap ko dito habang papikit-pikit ang mata nito

Do something dalia!
You are a good doctor!
Pero bakit hindi ako makakilos?
Bakit pinapanood ko lang siyang nag aagaw buhay?

"F-find your mom"sabi nito habang naghihingalo tumango naman ako dito

"T-tayo ang hahanap kay mama, kaya wag niyo po akong iiwan"umiiyak kong pakiusap dito

"L-lagi mong tatandaan anak na l-lagi akong nasa tabi mo k-kahit w-wala na ako"nanghihina nitong sabi na ikinaiyak ko lalo

"P-pero mas gusto ko kung nakikita ko kayong n-nasa tabi ko lang"humihikbi kong sabi ngumiti lang ito ng pilit

"G-go and leave me here"utos nito pero umiling lang ako

"No, sasama ka sakin papa. Tayo ang hahanap kay mama"matigas kong sabi hindi na ito pumalag

Nagulat ako ng biglang may isang lalaking nakaitim na hoodie, nakasuot ito ng sumbrero at nakamask.

Nakatitig lang ito sakin, tinitigan ko din ito ng mabuti

Nakita ko ang mata nito at ang ganda ng mga mata niya, his eyes like a ocean.

"T-TULONG!!"pasigaw kong paghingi ng tulong dito pero umiwas lang ito ng tingin at nagmamadaling naglakad paalis

"W-WAG KANG UMALIS! WAG MO KAMING IWAN! S-SI PAPA m-may tama siya ng baril"pahina na pahina kong sabi ng sobrang layo na nito samin, sumakay ito sa itim na van at umalis na iyon.

Napunta ang atensyon ko kay papa na hahawakan sana ang mukha ko pero bigla nalang iyon bumagsak na ikinatigil ng mundo ko.

"P-pa"tawag ko dito pero hindi na ito nakapagsalita, hindi ko din ramdam ang heartbeat niya ng mailagay ko ang kamay ko sa dibdib nito

"P-pa, a-akala ko ba w-walang iwanan... A-ang daya mo p-pa"humihikbi kong sabi dito kahit alam kong hindi na ito magsasalita pa

Natigilan ako ng biglang may isang lalaking tumatakbo papalapit samin, nang makalapit ito ay agad ako nitong pinantayan at hinawakan ang mukha ko.

Puno ng pagsisisi ang makikita sa mata nito, sinaksak ako nito na ikinaubo ko ng dugo

"Wake up dalia"bulong nito sa tenga ko at parang familiar ang boses nito...

"PAPA!"sigaw ko na ikinabangon ko bigla sa pagkakahiga

Habol hininga kong inilibot ang tingin ko sa silid at puro puti ito, may isang lalaking nakaupo at nakatitig lang sakin

Seryoso ang mga mata nito at doon ko lang napansin na mala ocean ang mata nito.

"You look pale, did you have a bad dream?"tanong nito pero di ko iyon pinansin

"Aalis na'ko"sabi ko at akmang tatayo na ng pigilan ako nito

"You can't get up yet, you still have a wound on your leg"seryoso nitong sabi tinitigan ko ito sa mga mata niya at wala akong makita ni kahit isang emosyon doon

"Maayos na ang sugat ko kaya tabi, aalis na'ko"sabi ko dito, tinulak ko ito at naglakad ng dahan-dahan

Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla ako nitong binuhat na parang sako na ikinatili ko

"ANO BA BITAWAN MO NGA'KO!"sigaw ko dito habang pinaghahampas ito

Ng maibalik niya'ko sa kama ay tinitigan ako nito ng masama

"Just stay here, I'll call the doctor"seryoso niyang sabi tsaka naglakad na paalis

"L-lagi mong tandaan anak na l-lagi akong nasa tabi mo k-kahit w-wala na ako"

Laging nakatatak na sa utak ko ang salitang sinabi niya.

Si papa.. si papa na pumoprotekta sakin.
Kasama ko pa siya, nasa tabi ko lang siya..

THE BILLIONAIRE IS MY STALKER(OBSESSION: HEINO RAZKIEL TRAYNOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon