CHAPTER 16

34 4 0
                                    

DALIA POV.

Nagising ako dahil sa pagkulo ng tyan ko

Kanina pa pala ako di kumakain

Bumangon na'ko tsaka lumabas ng kwarto ko para pumunta ng kusina at maghanap ng makakain.

Pagbaba ko ay nadatnan ko silang lahat sa sala na tila hindi sila mapakali

"Anong meron?"taka kong tanong sa kanila na ikinakuha ko ng atensyon nila

Nanginginig na tumayo si lola at lumapit sakin na ikinakunot ng noo ko

"Bakit la? May problema po ba?"nagaalala kong tanong dito dahil parang hindi nito alam ang gagawin

"A-apo, wag ka sanang magagalit"sabi nito na ikinataka ko

"Bakit la? May ginawa po ba kayo na hindi ko gusto?"taka kong tanong pero umiling naman ito

"Oh bakit ako magagalit la kung wala naman kayong ginawang ikakagalit ko?"tanong ko uli dito, kita kong nagaalin-langan ito kung sasabihin niya o hindi sakin ang nangyayare

"K-kasi apo"bitin nitong sabi na ikinakunot lang ng noo ko habang hinihintay ang sasabihin nito

"La ano ba, sabihin mo na binibitin mo pa e"sabat ni ate linda na ikinalingon ko dito, halata sa mukha nito ang galit at pagtitimpi

"S-si r-randy bumalik na, pumunta siya dito kanina at gusto ka niyang kunin samin apo"naluluhang sabi ni lola, natigilan naman ako dahil don.

"Umalis na kayo dito dalia, ayokong masaktan ka na naman non"seryoso nitong sabi pero hindi ko ito pinansin

"P-panong"nanginginig kong sabi, hinawakan ni lola ang kamay ko at hinila ako papasok uli sa kwarto

"Kailangan mo ng umalis dito dalia, hindi ka pwedeng maabutan ng lalaking iyon"sabi ni lola sabay impake ng mga gamit ko

"La, tama na po, sasama po kayong lahat sakin. Ayokong ako lang ang nakaligtas, alam ko pong sinasaktan din po niya kayo kapag hindi niyo po ako ibinibigay sa kanya"sabi ko na ikinatigil nito sa pagiimpake, gulat itong humarap sakin habang nanginginig pa din

"P-pano mo nalaman iyan lahat apo?"utal nitong tanong ngumiti naman ako ng tipid dito.

"Alam ko lahat ng nangyayare dito la, wala kayong maitatago sakin"sabi ko dito, hinampas naman ako nito

"Ikaw na bata ka, alam mo na palang mga kasinungalingan lang sinasabi ko kapag tinatanong mo samin na kung okay lang kami dito o hindi kami ginugulo ng kapatid ni randy"sabi nito habang hinahampas ako

"Aray la, tama na po, sorry na po"pagpapatigil ko dito, tumigil naman ito sa paghahampas sakin

Hinawakan ko ang kamay nito tsaka niyakap ng mahigpit

"La, sumama na po kayo samin ni doni, para po gumaan ang loob ko"pagkukumbinsi ko dito

"Pero apo, ito ang tahanan na ayokong iwan"pagtanggi nito, aalis na sana ito sa pagkakayakap ko ng higpitan ko pa iyon, na para bang miss na miss ko ang yakap niya

"Sige na la, gusto ko po kayong makasama at iparanas po sa inyo ang masayang mundong ginagalawan ko. Ayokong ako lang po ang masaya"pagkukumbinsi ko dito narinig ko naman itong bumuntong hininga tsaka yumakap din sakin

"S-sige, sasama kami sayo apo ko"pagsang ayon nito na ikinangiti ko

Bumitaw na ito sa pagkakayakap kaya bumitaw na din ako, nakangiti akong nakatingin dito

"Oh sya, tara na't mag impake. mag impake ka na at pagiimpake ko na din sila"sabi nito, mabilis akong tumango agad naman itong lumabas ng kwarto ko.

Paglabas nito ay nagimpake na'ko ng mga gamit ko, unti lang naman inilabas kong gamit kaya unti lang inimpake ko.

Humiga ako sa kama dahil sa nadadama kong gutom, kaninang umaga pa'ko walang kain kaya hindi ko masyado makakilos ngayon dahil sa gutom e

Hindi na'ko mapakali sa kwarto ko dahil sa pag tunog-tunog ng tyan ko dahil sa gutom kaya naisipan ko ng bumaba.

Pero pagbaba ko ay may narinig akong kaguluhan kaya nagmamadali akong bumaba.

Pagkababa ko ay natigilan ako dahil sa nakikita ko

Si ate linda na kanina ay nakaupo ngayon ay nakahandusay na sa sahig.

Si lola na may ngiti sa labi bago bumaba ay ngayon luha't at takot na ang nakikita sa kanya habang nakaluhod sa sahig na animoy nagmamakaawa

Si doni naman ay wala dito at hindi ko alam kung saan nagpunta iyon

"Oh, you're here my wife"sabi nito habang nakangisi na ikinanginig ng buong sistema ko

"B-bakit ka pa bumalik?"nanginginig kong tanong dito pero ngumiti lang ito ng malawak

"Because I miss my wife, I gave you a chance to be free so it's time for you to go back to where you really belong"nakangisi nitong sabi na ikinatayo ng balahibo ko sa takot.

Naglakad ito palapit sakin at ako naman naglakad paatras

"W-wag kang lalapit"nanginginig kong pagpigil dito pero hindi ito nakinig at todo pa din ang lapit

Ng hahawakan na sana ako nito ay biglang may nagbato sa ulo nito ng isang bote na ikinatigil nito maski ako ay natigilan at nagulat dahil don.

Nilingon nito kung sino iyon at nakita kong si doni iyon

"D-doni"tawag ko sa pangalan nito habang naluluha, tumingin naman ito sakin na may pagaalala

"Lumapit ka dito kupal ka, labanan mo"paghamon nito, tinignan ko naman si randy na nakatingin kay doni habang nagtatagis ang bagang nito

"You!"galit nitong sabi sabay lapit kay doni at sinapak iyon dahilan para maupo ito sa sahig

Lalapitan ko na sana sila ng biglang kunin ni ate linda ang baril at itinutok iyon sakin na ikinatigil ko sa pag lapit

"Tumakbo ka na dalia, ayokong gawin 'to pero ito nalang ang paraan para tumakbo ka palayo. UMALIS KA NA!"sigaw nito naluluha ko naman itong tinignan

"A-ate sasama kayo sakin"pakikiusap ko dito umiling naman ito, lalapit na sana ako dito ng paputukin nito ang baril tinamaan naman ako sa hita na ikinatigil ko

Natigilan din ito tsaka patapong binitawan ang baril napaupo naman ito sa sahig

"T-TUMAKBO KA NA DALIA PLEASEE LANGG!!"sigaw nito na agad kong sinunod

Kahit nasugatan ako ay tumakbo pa din ako palabas sa bahay na iyon hanggang sa kaya ko.

Gusto kong lumayo na kasama sila, gusto ko tumakas sa mundong ginagalawan ko noon na kasama sila.

Sila ang pamilya kong isasama ko kahit saan ako magpunta.

THE BILLIONAIRE IS MY STALKER(OBSESSION: HEINO RAZKIEL TRAYNOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon