。*゚+
IT IS said that children grow up into good and promising individuals when their parents are always present in every phase of their lives.
During the time that they start to move their limbs on their own, learn to speak, to communicate and even have emotions. During the time that they start to go to school and socialize, learn things that aren’t usually being taught in school. And most importantly, present during their adolescence where they are prone to do the shittiest things.
Pero dahil lumaki akong hindi physically present ang tatay ko’t busy gumapang sa iba’t ibang kuweba, hindi siguro ako kabilang sa mga promising individuals.
Nandyan naman si Mama para sa ‘kin, pero mas anak niya pa ang mga manggagawa niyang napapakain niya sa tamang oras para maayos ang daloy ng negosyo namin. Mas mukha pa nga ‘kong delivery lang dahil pumupunta lang ako sa bahay kapag may kailangan akong kunin.
But I know that she’s doing her best to secure my future, na hindi ko naman hiniling. Pero bilang magulang, gusto niyang gawin ‘yon para mabigyan ako ng maayos na buhay.
Pero hindi ito ang buhay na gusto ko. Pakiramdam ko, wala akong magulang.
“Tsk, gaano ba kahirap ang once a week na day off para ilaan sa anak niyang nababaliw na?” asik ko, nagpatuloy sa paglalakad sa eskinitang dinaraanan ko.
Kanina pa ako naglalakad sa letseng eskinitang ‘to pero hindi pa rin ako nakakarating sa pupuntahan ko. Tsk, tama ba ‘yong tinuro ng lola kanina? Parang jinojoke time lang ako no’n, e. Hindi ba niya naamoy na problemado akong tao? Baka akala niya, nakikipagbiruan ako.
Sabi kasi sa ‘kin ay paniwalaan ang daang sasabihin ng mga may edad na dahil matagal na sila sa lugar na ‘to. Parang dapat ay mas iwasan ko sila dahil mukhang maliligaw lang ako.
Kumunot ang noo ko nang makitang may gumagalaw sa gilid ng pose. Naningkit ang mga mata ko ng marinig ang tunog naghahalikan.
Napahinto ako. “Uhaw na uhaw, ah?” bulong ko sa aking sarili, binabagalan ang paglalakad upang ‘di makaistorbo. Pero sa totoo lang, nakakarindi. Broken family na nga ako, wala pa akong katukaan.
G na nga ako sa eskinita, basta mayroon lang.
Napairap ako.
Malandi ka. Hindi ‘yan ang pakay mo kung bakit ka dumaraan sa eskinitang ‘to.
Pero... ayos lang namang humiling ng ganiyan, ‘no? Sa sobrang stress ng buhay ngayon, ide-deny ko pa ba ‘tong kagustuhan ko? Pero like, it’s okay lang naman. Not that I’m thirsty for it, pero baka lang naman.
Tumingala ako. Boss G, ano na?
Mas lalo akong narindi ng lumakas ang paghahalikan ng dalawang engkanto sa gilid ng poste. Muling umikot ang mata ko, ngumisi nang may naisip na kalokohan.
Pinigilan ko ang sariling tumawa at seryosong naglakad palapit sa kanila. I cleared my throat and stopped when they’re just few steps away from me.
Pinagdikit ko ang mga palad ko. ‘Yong pormang nagdarasal.
Huminga ako ng malalim. “Oh, mahabaging Emre... patawarin nawa ang mga ligaw na kaluluwa ng mga engkantong ito. Patuluyin mo sila sa ‘yong kaharian kasama ng ibang mga diwat—”
A forced laughter came out of my mouth when a solid thing hit my shoulder. Nag-echo ang tawa ko sa maliit na eskina habang kumakaripas ang takbo dahil hindi ko naman gustong mahuli. Wala ‘yon sa plano ko. ‘Yan kasi, mga hindi marunong maghanap ng tamang lugar para sa halikan.
YOU ARE READING
"Knock, Knock: Can I Come In?"
RomansaGrowing up without receiving the love that should have been freely given by those who were expected to provide it is a challenging experience. It's never easy to restrain yourself from asking for something you're reluctant to request in the first pl...