Chapter 2: Emotionless Prince

50 9 1
                                    

Dedicated sa'yo. Thanks for following me. Hope you can support my story ^_^

Enjoy!

Nakapangalumbaba lamang sa isang mesa si Jane. Kakatapos lang ng klase niya sa Filipino pero hanggang ngayon wala pa ring pumapasok sa isip niya. Naaalala niya kasi ang nangyari sa park kahapon. Nagsisisi siya dahil gumanta pa siya sa lalaking iyon. Ayan tuloy binalutan siya ng matinding takot sa mga katagang Humanda ka sa aking babae ka. Papatayin talaga kita! hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa mga sinasabi ng lalaking iyon o babalewalain na lamang niya iyun. Parang sobrang o.a naman kasi. Gumanti lamang siya tapos buhay na agad ang kapalit?

She took a deep breath. Nanjan na ang mga kaibigan niya at nag iingay na pero parang wala siyang pakialam. Ang sakaniya lamang kung dapat nga ba siyang matakot.
"Wahhh... Is it true na nag de-date kayo ni Kian?" Tili ni Demi. Ang charming princess ng grupo. She loves to dance like Jane. Napakapalangiti nito kahit siya ay petite woman masasabi mo pa ring napaka-cute nito.

"So natanggap mo na pala yung balita? OMO!! Ang sarap niyang kasama grabe! Napakagalante!" Pagmamalaki naman ni Kate ang queen of hearts ng barkada. Lahat ng lalaki pinapatulan niya yung tipong kahit nerd ay walang kawala. Matangkad ito at napakaputi. Magaling siyang sumayaw pero profession niya ang pagkanta.

"Pwede ba tumahimik kayo? May natutulog dito oh" Ay siya si Yuri. Ang sleeping princess. Mahilig itong matulog at ayaw na ayaw niyanh ginagambala siya dahil nababadtrip ito. Sumasayaw ito pero hindi niya gaano ine-expose mas gusto niya pa daw kasing matulog kesa magpawis kasasayaw. Marunong rin itong kumanta kahit papaano

"Sus. Puro ka naman tulog diyan kaya wala kang lovelife eh" Henna the kikay princess. Mahilig siya sa kahit anong girly stuffs. Napakakikay niyo yung tipong damit niya ay pang kikay talaga. Mahilg siya sa musics but ayaw niyang kumanta mas bale pasayawin mo na lamang siya.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Yuri at muling nag rest.

Dahil wala pa ring imik si Jane ay napatingin sa kaniya ang tatlo (liban si Yuri kasi tulog siya). Hindi alam ni Jane na nakatitig na pala ang mga kaibigan niya sa kaniya. At dahil dala ng curiosity hindi na napigilang magtanong ni Henna

"Jane. Bakit nakatulala ka? May problema ba?" Nagtataka ang barkada ng hindi tumugon ang kaibigan, bagkus nanatili itong nakapangalumbaba

"Silly Jane!! Let's go shopping together!" Sigaw ni Demi. Pero katulad ng kanina wala pa ring nangyari.

"Ayy. Oo nga pala may practice daw tayo mamaya sabi ni coach!" Sigunda mano ni Kate. Pero tulad ng dalawa kanina hindi pa rin ito sumagot.

"Ayy..tulaley talaga?" Komento ni Demi

"Baka naman may problema?" Kikay na saad ni Henna

"Love problem?" Komento ni Kate na naging dahilan ng paggising bigla ni Yuri at tumingin na rin kay Jane. Pero tulad ng kanina wala pa ring pakialam si Jane sa kanila.

"Ayy. May problema nga talaga"

"Baka naman napagalitan nanaman ng ate niya?"

"Hindi naman siguro."

"Ah. Alam ko na baka naman namimiss niya na si Cr-- Oppsss!!"

*****
Jane

"Ah. Alam ko na baka naman namimiss niya na si Cr---Oppssss!!" Bumalik ako sa wisyo at sinamaan ng tingin si Henna. Naririnig ko naman ang pag uusap nila pero wala ako sa mood makipag usap pero ang nakakainis pa muntik nanaman nilang banggitin ang pangalan na iyon. Ayoko. Ayoko munang marinig iyon. Di pa ako handa.

30 Days of Mistakes[on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon