Chapter 9: The Plans

23 5 2
                                    

Short update. Lame ito dahil sabaw ang author (broken hearted kasi siya) Chos! Enjoy Reading. Uso Comments and Votes mga baby! Who wants dedication? Tell me lang. Byiess~~

(picture po ni Jane sa Multi-media)

-------------

Third peron's POV

"Liam! Akina na nga iyang tinapay. Hindi yung puro ikaw lang ang kumakain jan!" bulyaw ni Kate kay Liam na busy sa pagkain ng tinapay na binili nilang mga boys kanina. Nasa sala silang lahat ngayon at may kaniya-kaniyang hawak na laptop. Sinisimulan na kasi nila ang thesis na dapat kanina pa nila ginagawa kung hindi lang makukupad gumalaw ang boys

"Hoy Kate! Kanina ka pa nga kain ng kain jan eh! Wala ka pa ngang natatapos ni-isang reaction paper jan tapos inuubos mo na itong mga pagkain. Wag patay gutom Kate!" nagpintig naman ang tenga ni Kate nang marinig niya ang salitang 'patay gutom' wala pang nagsabi nun sa kaniya dahil hindi naman siya patay gutom. Sadyang gusto niya lang asarin si Liam dahil mula kanina pa siya nito kinukulit.

"Anong sabi mo?! Walangyang hudas ka talaga!" tumayo si Kate at dinambahan ng suntok si Liam. Wala ng nagawa si Liam g pinagsusuntok siya nito sa mukha dahil naka-alalay ang isa niyang kamay sa tabi niya dahil napahiga na siya sa lakas ni Kate samantalang ang kabilang kamay ay hawak supot ng tinapay na kinakain niya kanina.

"Aray ko! Hoy Babaeng Amazona! Tigilan mo na nga ako!" naiinis na saad ni Liam ngunit mas lalong nagalit si Kate sa sinabi niyang 'amazona'

"Amazona pala ha!" ngayon naman ay sinasabunutan naman niya si Liam. Halos mapasigaw si Liam sa sakit na nadarama dahil halos matanggal na ang buhok niya sa anit niya.

'Kahit kailan talaga napaka-amazona nitong babaeng 'to' saad ni Demi habang pinagmamasdan ang dalawang nagpapatayan-este nagbabangayan. Ibinalik niyang muli ang tingin sa ginagawa niyo ngunit nadaanan ng kaniyang paningin si Jane na nakatitig kay Dave.

'Mukhang hindi pa ito naka recover sa nalaman niya kanina. Kawawa naman si Jane' saad muli niya sa kaniyang isip. Ngunit wala siyang maisip na paraan para matulungan ang kaibigan sa problema nito dahil kahit nga titigan niya si Jane eh hindi niya mabasa ang isip nito kung ano ba ang plano niya.

Jane's POV

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, pero heto ako ngayonparang baliw na tinititigan ang mukha ng kaharap kong lalaki... si Dave.

Pinag-aaralan ko ang mukha niya, hindi ko man lang napansin na may pagkahawig siya sa tatay niya. Kahit matagal na ang panahon alam ang nakalipas, hinding-hindi ko pa rin makakalimutan ang itsura ng lalaking nagnakaw sa anak ni ate... sa pamangkin ko.

Marahil kaya ako pinayagan ni ate na sumama kanina sa kaniya na usually hindi naman niya ginagawa ay dahil may alam na siya na tatay ni Dave sa Franco. May naiisip akong plano pero hindi ko alam kung kaya ko pa bang gawin. Kahit palagi kaming nag-aaway nito hindi pa rin maatim ng konsensiya ko na maghigante sa lalaking walang alam sa kalokohan ng tatay niya noon na dapat eh kay Franco ang gagawin kong paghihigante. Ayaw ko naman ng ganito eh, pero kailangan, kailangan kasi mas lalong hindi maatim ng konsensiya ko na ako ay masaya habang ang ate ko ay nag sa-suffer sa sakit ng pagkawalay niya sa ate niya.

"Do you know that staring to people is rude?" natigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano ng magsalita siya. Nakatitig siya sa akin habang naghihintay ng sagot o sasabihin ko sa kaniya. Kainis nahuli niya ba akong nakatitig sa kaniya? Nakakahiya kung ganoon.

Umiwas na lamang ako ng tingin sa kaniya habang siya ay nakatitig pa rin sa akin. Pansamantalang itinuon ko muna ang pansin ko sa ginagawa ko sa laptop. Nararamdaman ko pa rin ang titig niya sa akin. Ano bang problema nito?

30 Days of Mistakes[on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon