Chapter 4: Franco Pumberton

56 7 1
                                    

Jane

"Janey!!! Lika na dali. Malelate na tayo!" Halos maging kabayo na kami dito sa kakatakbo dahil nga alas otso na at malelate na kami.

"Ikaw naman kasi Yuri eh. Kung sana pinakopya mo kami ng assignment sa Math edi sana di tayo malelate ngayon"

"Alangan naman puro kopya nalang kayo. Paano kayo matututo niyan?"

"Pero kahit na.."

"Pwede ba tumigil na kayo mas mabuti pang bilisan na lamang natin ang pagtakbo"

"Sorry ma'am we're late" si Yuri na ang nagsorry sa prof namin dahil hinihingal talaga kami at walang makapagsalita sa amin.

"Its okay you may now go to your proper places" nagsipuntahan na kami sa kaniya-kaniyang upuan at kung minamalas ka nga naman. Katabi ko pa si Mr. Emo
Emo short for Emotionless

Dumaan ako sa harapan niya dahil wala ng ibany daanan para makaupo ako. Bastusan na kunt bastusan basta ako walang pakialam. Akala niya nakalimutan ko ang ginawa niya kahapon sa akin huh. Peste siya.

Napagisip isip ko na hindi matakot sa kaniya. Kasi ano nga ba talagang kakatakutan ko sa kaniya? Isa lang naman siyang emotionless guy na walang ginawa kung hindi bwisitin ang araw ko.

Matapos ang eksena namin nung isang araw sa canteen eh hindi niya na tinantanan ang araw ko. Parang hindi kumpleto yung araw niya kung hindi niya sisirain ang araw ko.

Ang unfair naman ata nun diba? Sira araw ko habang siya naman buong buo at ang saya saya. Kainis!

Nang makaupo na ako sa upuan ko ay nagsimula na rin ang akong makinig sa prof namin na nagtuturo.

Himala lang ha dahil tahimik na nakikinig lamang ang katabi ko. Nasaniban ata ng demonyo ito kaya himalang bumait siya ng kaunti. Hmm.. Sino kayang demonyo ang sumapi dito at mag aalay ako para 'wag na siyang umalis sa katawan ng gagong 'to.

Natapos ang buong umaga ng wala talagang nangyayari na hindi maganda sa akin. Nakakapagtaka talaga ang araw na ito.

Pati mga kaibigan niya ay pansin kong hindi ginugulo ang mga kaibigan ko. Simula kasi ng magkita kami ni Dave sa School eh di na rin nila tinantanan sila Kate.

"Guys may napapansin ba kayo?" Tanong ni Yuri habang sinisipsip ang kaniyang coke float. Sosyal ng canteen namin noh? May cokefloat?

"Ano naman yun Yuri?" Balik na tanong ni Demi habang nag se-selfie

"Hindi tayo ginugulo ng mga gago ngayon. Lalong lalo na si Janey?" Sagot naman ni Yuri

"Oo nga ano? Siguro nagsawa na rin ang mga iyon. Narealize din nila na ang mga katulad natin ay hindi dapat inaapi" pagmamayabang ni Kate

"Mabuti na nga rin ang ganun para hindi masira ang araw natin. Oh ano tara na sa next class natin?" Saad ni Henna. Sumang-ayon rin naman kami at nagsimula ng maglakad palabas ng canteen

..........

"Ma'am may I excuse myself to the restroom I just need to pee" paalam ko sa prof namin

"It's alright Ms. Azrael" lumabas na ako ng cr at nagmamadaling tumakbo. Ihing ihi na kasi talaga ako.

Pagkatapos kong iflush ang kubeta ay lumabas na ako sa cubicle. Tinignan ko ang reflica ko sa salamin at nag retouch.

ekkkkkkkkkk.....

Nagulat ako ng tumunog ang pintuan. Walang pag aalinlangan akong sumilip doon pero dahil lampa ako nadulas ako at

SPLASH!

Natapunan ako ng mabaho at nakakadiring likido. Hindi ko alaln kung ano ito basta ang alam ko kulay green ito na buo-buo at ang baho-baho.

Napatingin ako sa paligid at kitang-kita ko ang mga schoolmates ko na tuwang tuwa sa sinapit ko.

"Good job bro" napalingon ako sa pamilyar na boses na narinig ko. Kitang kita ko kung paano tumawa ang mga kaibigan niya.

Pero tinuon ko lamang ang pansin ko sa lalaking nandidiri sa akin at naka smirk

Argh! Akala ko pa naman wala ng mangyayaring ganito. Binabawi ko na lahat ng sinabi ko kanina.

Lumapit ako sa kaniya at wala akong pakialan kong mabaho ako. Basta ang alam ko di makatarungan 'tong ginawa niya at sisiguraduhin kong hindi rin makatarungan ang gagawin ko sa kaniya.

Argh! Lintik lang ang walang ganti!

Paglapit ko sa kaniya agad agad kong sinipa yung 'ano' niya. As in yung ano niya kaya ngayon para siyang tanga kakatalon

"Fuckshit! That hurts. Argh!" Sigaw niya

"Inisip mo muna sana iyan bago mo ginawa sa akin to. Alam mo naman ako. Magaling gumanti" natatawang tungo ko sa kaniya bago ko siya talikuran.

Argh! No choice pa ata ako. Mukhang mag di-ditch ako ng class dahil kailangan kong unmuwi ng bahay para magpalit. Ang baho ko potek!

.......

"Manang, manang si ate?" Bungad ko pagpasok ko ng bahay.

"Ma'am Jane. Bakit po ganiyan ang itsura niyo? Wait lang po kukuhunan ko kayo ng towel" nagmamadaling saad ng katulong

"Ah. Wag na po pakihanda nalang po ang panligo ko" pagpipigil ko.

"Sige po"

Umakyat na ako sa kuwarto ko para ihanda ang tuwalya ko. Sira kasi ang heater sa banyo ko kaya dun ako sa main bathroom maliligo. Di kasi ako sanay pag hindi mainit ang panligo ko.

Paglabas ko ay nakarinig ako ng mahinang paghikbi na nangagaling sa kuwarto ni ate. Bahagyang nakabukas ito kaya sumilip ako.

Doon ko nakita ang magulong kuwarto nito at siya ay nasa may bintana niya iyak ng iyak. Gusto ko sanang kausapin siya kaso mabaho pa ako kaya maliligo muna ako. Mamaya nalang kami magtutuos ni ate.

...

"Ate, ate?" Dahan dahan kong binuksan ang pinto ni ate at tumambad sa akin si ate na nakatulala sa bintana. Hay.. Ano bang nangyari sa ate ko?

"Ate may dala akong pagkain para sayo. Di ka pa daw kumakain sabi ni manang. Makakasama sa iyo yan eh" lumapit ako sa side table niya at inayos iyon. Nilagay ko ang tray ng pagkain na hawak ko.

"J-Jane" lumingon ako kay ate. Nilapitan ko siya at hinaplos ang kamay niya

"Ate ano po bang problema mo at nagkakaganiyan ka?"

"Diba mahal mo naman si ate?"

"Oo naman ate"

"Jane. Nakita ko na siya. Nakita ko na ang lalaking sumira sa akin." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni ate. Imposible. Dahil sa pagkakaalam ko patay na ito. Kaya pala nagkakaganito si ate. D-dahil nanaman sa kaniya.

"Ate ano pong sinasabi niyo?" Kahit alam ko na kung sino iyon ay gusto ko pa ring manigurado

Nagulat ako ng malaglag mula sa kamay niya ang isang litrato.

"Nakita ko na si Franco. Franco Pumberton" literak na napanganga ako sa sinabi ni ate. Oh My Gosh! Ang alam ko patay na ito.!

"Please. Jane ngayon lang ako hihiling sayo. Ipaghiganti mo ako. Ipaghiganti mo Ipaghiganti mo ako ." paulit ulit na saad niya habang humahagulgol ito.

"Please Jane"

Pati ako napaiyak na. Bakit ba nangyayari kay ate to? Napakabait niya pero bakit ganito?

"Ipangako mo sa akin Jane"

"Oo ate. Ipaghihigante kita."

Pangako ate. Pangako.

----------------
Author's note: Next update. Malalaman kung sino si Franco at anong papel niya sa buhay ni Carlisle. Malapit ng magsimula ang 1st Mistake. Comment your reaction and vote if you love it. Bye Maffies. Abangan ang next update ko!

30 Days of Mistakes[on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon