Chapter 1: Anong pake ko?

94 9 1
                                    

-Silly Jane Azrael-

"Miss Jane bumangon na daw po kayo. Sabayan niyo daw pong kumain ang ate niyo" tinakpan ko ng unan ang dalawang tenga ko. Psh. Istorbo naman si manang. Inaantok pa ako eh. Di ba nila alam na puyat ako kaka- sayaw kagabi? He- he ^_^

"Manang give me more time to sleep. Puyat ako kagabi eh. Pakisabi nalang kay ate" pinikit ko muli ang mga mata ko at nararamdaman ko na ang dreamland ko ng magsalita ulit si manang -_-

"Ma'am kanina pa po kasi nag iintay ang ate niyo. Panglimang akyat ko na rin po dito sa kuwarto niyo" hayyy.. Inaantok pa kasi talaga ako eh.

"Manang naman eh *pout*" umupo ako sa kama ko at sumandal sa headboard. Nasisilaw ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko kaya nakapikit pa rin ang mga mata ko.

"Ma'am parang awa niyo na po baka masesante po kasi ako ng ate niyo"

Hayyy... No choice baka nga kasi tanggalan siya ng trabaho ni ate. Nakakaawa naman siya kung ganon. Pero kasi inaantok pa ako eh. Bahala na nga.

"Sige po manang. Bababa na rin po ako. Aayusin ko lang ang sarili ko" kinuha ko sa cabinet ko ang susuotin ko ngayong araw. Napansin ko ang simple dress at heels na nasa tabi nito na may nametag na 'Sunday'. Hayyy. Ang strict niya talaga sa mga damit na isusuot ko. Bawat damit ko sa cabinet ko eh nakalabel ang mga araw kung kailan ko sila susuotin. Kaya wala akong magawa kahit di ko type ang damit eh baka kasi mawalan ako ng allowance the whole month. Hehe

Oo nga pala magpapakilala pa pala ako sa inyo. Ako nga pala si Silly Jane Azrael, 15 years old grade 10 sa Pumbs insitute. Kilala ako sa school dahil kay ate. Si ate ay isang kilalang Doktor at the same time siya rin ang mayor sa bayan namin. Isa rin siyang lawyer before. Marami ng accomplishments si ate kaya talaga namang hinahangaan siya ng nakararami. Plus the fact na boyfriend niya ngayon ang kilalang holliwood actor na si James Kinju.
Si ate rin ang isa sa mga investor nang school na pinapasukan ko. Dahil dun talga namang iniingatan ko ang pangalan ko. Dahil as much as possible ayaw kong mainvolve si ate sa mga kalokohang ginagawa ko.

Simula kasi ng mawala na ang mga magulang namin. Si ate lang ang nag ahon sa amin kaya tingnan mo naman professional na siya. Namatay ang nanay ko sa isang car accident ng sinundan niya ang ama kong taksil at ang babae niya. 8 years old palang ako nun and I remember the days that my mom is crying 15 palang si ate that time pero napakabuti niya. Siya lang ang tanging nakakapagpigil kay mom nuon tuwing magtatangka siyang magpakamatay. And we were so angry at our dad that time na dumating na sa puntong hiniling ko na sana namatay na siya pero hind nangyari yun dahil si mom ang namatay ng dahil sa kaniya

1 week after nung nalibing si mom may dinalang babae si Dad name: Hera. Ay jusko sino ba namang hindi magagalit that time eh wala pang 40 days ng namatay si mom tapos may bago na siyang asawa. Kaya isang gabi napagisipan naming lumayas and now look at we. Successful na ang life ni ate. Nakapagaral ako sa isang prestigious school without the help of our father. Nice isnt' it? I didn't even know kung paano kami nakarating sa buhay na ganito eh. Basta ang alam ko mula nung nagsisimula palang kaming maging independent nariyan na si kuya Kinju. Hayyy. How I wish I have a boyfriend as kind as his. Pero aral muna bago yung lovelife na yan kahit yun man lang ang paraan ko para mapasalamatan si ate.

Pagbaba ko sinalubong agad ako ng bunganga ni ate na parang armalite na walang tigil. Jusko! Lagot ako nito.

In the count of three

One.......

Two.......

Three......

"SILLY JANE AZRAEL! BAKIT ANG TAGAL MONG BUMANGON? ALAM MO BANG KANINA PA AKONG NAGHIHINTAY SAYO? NAPUYAT KA NANAMAN KAGABI NOH? SABI KO NAMAN SAYONG---" I cut her words dahil paulit ulit nalang naman niyang sinasabi iyon.

30 Days of Mistakes[on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon