Chapter 6: Riot part 1

51 6 1
                                    

Demi's POV

(First time)

"Miss Demi may tawag po kayo!" Napahinto ako sa pagkuskos ng kuko ng tinawag ako ng katulong namin. Lumapit ako sa intercom at pinindot ito.

"Who is my caller?" I asked

"Si ma'am Kate daw po"

Oh my God! May lakad nga pala kami ngayon.  Dali dali akong pumanhik pababa at inabot ang telepono kay manang Linda.

Pagkaabot ko nito agad kong itinapat ang telepono sa tenga ko at pinagsisihan ko ring ginawa iyon dahil nabasag ang eardrums ko sa tiling narinig ko

"Ahhhhhhhh!!!"

"Kate! Bakit ka ba tumili. Nasira ata ang eardrum ko sayo eh" reklmo ko sa kaniya

"He-he. Wala lang. Na e-excite kasi ako mamaya sa lakad natin eh"

Napatampal ako sa noo ako. 'Huwag niyang sabihing yun lang ang itinawag niya? Talaga naman oh

"Asan ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Kinuha ko ang telepono at umupo sa sofa. In-open ko rin ang tv at nilipat ito sa MTV

"Nandito na ako sa mall." Malumanay niyang tugon. Pero ano daw?

"Ano?!" All this time, ngayon lang nag sink-in sa akin ang sinabi niya. Jusmeyo! Alas otso palang ng umaga pero nandun na siya.? Di naman siya masyadong excited ano?!

"Paulit-ulit? Nandito na ako sa mall."

Narinig ko naman eh perp hindi talaga ako makapaniwala eh. Sadyang excited ba siya kaya nandun na siya sa mall agad o may iba pa tong pinagkakaabalahan?

"Kate. Ikaw nga umamin sa akin ano ba talagang dahilan at ang aga mo jan ha?!" Alam ko eh. Hindi talaga to pumunta dahil sa sobrang excited eh. Alam ko to. Sa tatlonh taon ko silang kasama alam ko kung anong nangyayari sa kanila

"Demi," malumanay na tugon niya. Napabuntong-hininga nalang ako. Sabi na nga ba eh. Iba ang pinunta nito sa mall eh. Imposible namang ganun kaaga eh nasa mall na siya.

"Sinundan mo nanaman ba siya?" Ito kasing babaeng to eh. Tanga na nga manhid pa. Ang sarap ingudngod ang nguso.

"Demi naman kasi. Nagbabakasakali lang na may dahilan lang siya kung bakit bigla siyang naging ganun" napairap ako. Dahilan daw. Ano nanamang dahilan iyon?

"Dahilan pang pinagsasabi mo jan? Di pa ba sapat ng nakita mo siyang may kasamang iba at pinahiya ka pa niya sa harap ng maraming tao nang nakipagbreak siya sa iyo?" Nakakainis rin tong si Kate minsan eh. Akala mo naman kung sinong santo na  may kapangyarihan para sanggain ang sakit sa puso. Jusko! Kung kasama niya lang si Jane mag aaway nanama sila.

"Malay mo nga naman diba? Parang sa pekikula yung ginagawa niya lang iyon para ipagtanggol ang babae at protektahan ito" Aba potek! Ano bang nilalang ang sumapi sa kaibigan ko? Protekahan ba kamo? Sige nga kung protekta ba ang tawag sa pagpapahiya sa kaniya. Wow. May bago na palang paraan ng pagprotekta ngayon. Bakit di ata ako nainform?

"Ewan ko sa iyo. Basta kami di nagkulang sa pagpapaalala sa iyo ha. Teka, natawagan mo na ba si Jane?" Pagiiba ko sa usapan. Masyado na kasi akong naiinis sa kaniya at baka wala sa oras akong pumunta sa mall at sabunutan si Kate sa ka-engotan niya.

"Oo kanina pa. Siya pa nga una kong tinawagan eh pero di niua sinasagot alam mo naman yun masyadong tulog mantika. Nahiya naman ako meeting time na sinet niya diba?" Nataw na rin ako. Oo nga naman. Hiyang hiya naman daw sa meeting time na 9:30. I'm sure tulog pa rin hanggang ngayon.

"Sira ka talaga. Teka wait lang ha. Tatawagan nalang ulit kita." Pagpapaalam ko. Malapit na rin kasing mag alas nueve. Mag aayos pa ako ng sarili ko eh

"Sige. Hihintayin ko nalang kayo-- AY WAIT! BAKIT KA NANDITO?" Hala. Ano daw? Sinong nandito?

"Kate. Sino yan?" Pagtatanong ko.

"Ah.. Wala lang ito. HOY!! LIAM! IBALIK MO SA AKIN YAN PHONE KO!"
mas lalo naman akong naguluhan sa sinigaw niya. Magkasama sila ni Liam? Bakit? Paano? Ang gulo lang ah.

"Kate. Nanjan ka pa ba?" Bigla kasing puro sigaw ang naririnig ko.

"Hi Demi. Hindi na daw kayo tuloy sa lakad niyo. May date kami ngayon eh. Pasensiya na" huh? Meron nga si Liam. Pero ano? Hindi tuloy ang lakad? Bakit. Paano? Ay peste di mangyayari yun!

"Hoy Liam! Ibigay mo tong phone sa kaibigan ko kung ayaw mong-- AY POTEK!"

Napamura nalang ako ng bigla niya akong pinatayan ng tawag. Aba gago yun ah. Pag kami talaga nagkita makakatikim sa akin yun.

Wala na akong nagawa kaya naisipan kung umakyat na sa taas para mag ayos. Tuloy pa rin ang lakad kahit anong mangyari. Umakyat na ako sa kuwarto ko at nagsimula ng magayos sa sarili.

Pagkatapos kung mag ayos sa sarili ay bumaba na ako at lumabas ng bahay. Tinungo ko ang sports car ko na bagong bili ni Tito nung isang araw

Pasakay na sana ako sa kotse ko ng biglang may tumakip sa bunganga ko.

"HMM...!!!" yan lang ang tanging salita ang lumabas sa bibig ko.

Hindi ko siya magawang maitulak dahil sa lakas niya. Ilang beses pa akong nagpumiglas lalo ng makita kung isasakay niya akonsa isang Deluxed na Van.

"HMMMMMMM...!!" Pagpatuloy ako. Sino ba kasi ito? Aba infairness ah ang bango niya.

"Kapag hindi ka pa tumigil hahalikan talaga kita" nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses na iyon. Pamilyar kasi ang boses niya. Oh my God!

"J-JP?" Tsaka ko palang nasabi iyan ng bitawan na ako ni JP. Pero huli na rin ang lahat dahil naisara niya na ang pinto ng van.

"Nice one bro." Nagulat ako ng may magsalita. Nilingon ko sila. At pota! Bakit nandito ang mga gago?!

Binalik ko ang tingin ko kay JP na ngayon ay prenteng nakaupo. "Saan niyo ako dadalhin?"

"Sa bahay nila Dave" simpleng sagot nito

"At bakit niyo naman ako dadalhin doon?"

Tumingin siya sa akin at nagsmirk. "Para gumawa ng thesis" nagpantig ang teng ko sa sinabi niya. Akala ko ba nakatakas na kami?

Nagulay nalang ako ng biglang huminto ang van sa tapat ng MOA. Binuksan nila ang pintuan at bumungad sa akin si Liam na nay karga karga na para bang sako. Wait.... Si Kate yun ah.

"Ayan magtabi kayo ni Demi. Suaunduin pa natin yung iba" wika nito at pilit na pinapapasok si Kate sa loob ng Van. Nguniy dahil sadyang mas malakas ang mga lakaki. Wala ng nagawa pa si Kate kaya di nagtagal ay pumasok na rin siya.

Bumaling sa akin si Kate at bumulong "Naisahan tayo" tumango na lamang ako

"Kaya nga eh. Isusunod daw sila Jane" bulong ko rin. Bigla nalang nanlaki ang mata niya. Parehas pala kami ng iniisip.

"Wait! Si Jane? No way! Baka di na tayo makauwi ng buhay!"

Oo tama siya. Masyado kasing terror ang ate niya. Kahit mga kaibigan ni Jane eh sinusungiyan nun. Kaya nga bihira lang kami kila Jane eh. Well, good luck nalang sa boys kung paano nila paaamuhin ang mabangis na tigre. Hahaha....

.........
A/N: pasensiya na kung late update yung last chapter. Oo nga pala tong chapter na ito eh pahabol lang. Next time nalang yung part two ng chapter na ito pagkatapos ng exam namin. Pero kung gusto niyong mapaaga. Just give me 10 votes and 5 comments. Thanks sa mga nagbabasa. Sana tuloy tuloy niyo lang basahin ang story. Paki spread na rin. Ge thanks. See yah sa next update!

30 Days of Mistakes[on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon