Nakakaloka.. tong araw na to! Matapos kong makita yung answer thingy na papel na mukhang nahulog sa bag ni Clarisse..
Ewan ko ba..
Parang gusto kong mag ispiya sa kanya...
Hmm..
*Uwian time*
“Kim!”
Tawag sa akin ng epal kong kapitbahay na si Lance..
“Problema mo na naman ba?”
“Sabay tayo..”
“San?”
“Pauwi..”
“Ayoko.”
“Sige na please! Magkapit bahay naman tayo ah..”
“Yun nga yung malupit eh.. Naging kapitbahay pa kita.. epalogs..”
“Sige sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin basta sasabay ako sayo.. pleaseeee.”
“Ang tibay mo talaga sa akin eh no? Ikaw lang yung lalaking tumatagal sa akin.. lupet mo din no? Ano ba yung energy capsule na iniinom mo at parang hayok na hayok kang guluhin yung buhay ko?”
“Wala. Basta Makita lang kita sobrang saya ko na.. kaya na eenergize ako..”
“Hay buhay.”
“O ano? Uwi na tayo??”
“Bahala ka kung susundan mo pa ako.. eh may pupuntahan pa kasi ako eh..”
“Sige any where in the world ayos lang, basta ikaw ba yung kasama ko..”
“Ewan ko sayo..”
At ayun na nga ang nangyari sa buhay ko, kasama ko tong epalogs na si Lance.. di ko na sinabi sa kanya kung saan kami pupunta... and btw, nasa likod ko lang siya habang naglalakad kami.. baka kasi mapano tong Lance na to pag tumabi siya sa akin.. DUHHon!! Ayoko ngang malink sa kanya at sa kahit sino pang lalaki.. EW!
Habang naglalakad kami bigla ko ng nakita ang aking subject na si Clarisse at nagtago kami ni Lance sa likod ng pader.
“Oh Kimmy bakit ka tumigil?”
“Basta.”
“Bakit nga?”
“Tumahamik ka nga diyan stay put ka lang sa likod ko at wag kang magtatangkang bumati whenever na may makita ka na kaklase natin... “
“Uhm.. ok?”
Dahan-dahan naman akong sumilip, at nakita ko si Clarisse na may hawak na naka-stapler na mga papel sa likod niya. Maya-maya, tumigil siya para ilagay yung naka-stapler na mga papel sa bag niya.
Nilapag niya yung mga papel sa upuan sa harap ng tindahan. Kami naman ni Lance, nagtatago sa pader na medyo malapit lang din sa tindahan kung nasan si Clarisse kaya malinaw kong kitang kita yung mga ginagawa niya.
Isa pa, mahilig ako kumain ng kalabasa no, kaya malinaw mata ko.
Habang nagbubukas ng bag si Clarisse, napunta yung tingin ko dun sa papel. At basang-basa ko yung header, ang laki kasi ng size e. Yung nakalagay..
3RD Year H.S Students Answer Key
What the F?! Answer key yun?
So, imbis na magulat lang ako dun, kinuha ko na agad yung cellphone ko at pinicturan ko, yung iba naka’zoom in at yung iba kita pati siya. Para malinaw ang ebidensya.
“Uy Kimmy. Matagal pa ba yan? Nagugutom na ko eh.”
Panirang bulong ng epalogs na alien na si Lance.
Humarap ako sa kanya at tinapakan ko siya sa paa at bumulong ako sa kanya.
“Edi umuwi ka na. Diba sabi ko sayo may pupuntahan pa ko? Kung tinatamad ka na, lumayas ka sa harap ko. Wala ka namang tulong eh.”
“Grabe naman Kimmy. Joke lang, syempre gusto ko kasama ka.”
Sumilip na ulit ako at nakita kong papa’alis na si Clarisse.
Sinundan ko naman siya.
At nakarating kami sa school.
Ulit?
Bakit siya bumalik dito?
Nagpatuloy lang ako sa pag sunod sa kanya. Infairnes ah, ang galing kong espiya, di ako naki’kita. Galing ko talaga, pwede ng Charlie’s Angels. XD
At maya-maya, nakarating kami sa faculty, ano gagawin niya dito? Babalik yung answer key? Hanep yun ah.
Lumabas naman si Miss Batongbacal sa faculty at nag-usap sila ni Clarisse.
Teka ang layo ko masyado sa kanila di ko ma-rinig, kailangan kong lumapit. Pero paano?
Bigla namang may nabunggo sa likod ko, tumalikod ako para tignan.
Si Lance pala yun.
“Sorry Kimmy, ang bilis mo kasi mag lakad eh kaya ngayon lang kita nahabol.”
Napatingin ako kay Lance,
“O bakit? Ang pogi ko ba?”
Sabi niya. Ay epalogs, tumingin lang ako sa kanya, pogi na agad? Di ba pwedeng may nai’isip na kasi ako?
“Syempre.”
Sagot ko.
“Talaga Kimmy?”
“Syempre. Syempre hindi. Wag kang assuming. Di porket tumingin ako sayo pogi ka na agad. Tara nga dito.”
Hinatak ko naman si Lance papuntang cashier, yung cashier kasi katabi lang ng faculty namin.
“Kung ano man gagawin ko makisabay ka lang. Wag kang epalogs ok?”
Bulong ko sakanya, at tumango naman siya at ngumiti sa akin.
Tumalikod ako at tinalikod ko din siya, at nagkunwari akong inaayos ko yung bag niya.
Buti na lang at wala na ganong estudyante sa may bandang faculty, kasi panigurado issue to sa kin.
At narinig ko nang nagu’usap si Miss Batongbacal at Clarisse.
“Grabe Clarisse, naga-alala na talaga ako para sa answer key. Nawawala talaga siya, di ako nagaalala kung sa bahay ko lang nawala yun, eh dito eh. Paano pag may estudyanteng naka’kuha nun? Especially 3rd year. Alam na nila yung sagot para sa 1st Periodical ninyo.”
“Mahahanap nyo po yun Miss Batongbacal. Tutulong po ako”
“Wag na Clarisse. Kaya ko na to. Salamat nalang iha.”
“O sige po Miss Batongbacal, uuwi na po ako. Wag na po kayong malungkot.”
“O sige Miss Veda.”
At umalis na si Clarisse.
Betcha by carrot king! Huli kang ipis ka. Kunwari ka pa diyan ah.
BINABASA MO ANG
My Lover Next Door [ONGOING]
RomancePag in-love ka, kailangan mo ng pasensya para mag work out ang mga plano mong main-love din siya sayo.. katulad ni Lance Chua.. ang lalaking in-love na in-love sa kapit bahay niyang babae na saksakan ng sungit sa mga lalaki na si Kim.. At dahil napa...