*Monday morning*
HAY TALAGA!
Isang linggo palang nakakalipas halos mapatay ko na yung Lance na yan.. =_=
Paano na kaya pag isang school year pa?!
Ewan nalang talaga ah.
“Class meron tayong project ngayon.”
Ano daw project na kagad? Di ba pwedeng activity muna? Eh kakasimula palang ng school year ah? Talaga nga naman.. ibang klase talaga tong si Miss Batongbacal..
“Eh.. Uhm.. Miss Batong Batongbacal... Kakasimula pa lang po ng 1st quarter na to.”
Sabi ng isa kong kaklaseng babae.. Hay buti naman naisipan niyang sabihin yun.. ayoko pa kasi tumulo yung pawis sa mukha ko eh.. =_=...
“Wag kayong magaalala class.. madali lang to.. kung iisipin pang-activity lang to.. pero hindi class.. ang grade na makukuha ninyo dito ay 30% sa grade ninyo. Yun nga lang kailangan ninyo mag exert ng bonggang effort.”
Ngek... 30% daw?! Hala!
Ang daming nagulat sa room namin... 30% ba naman ang makuha?
“Uhm.. Miss Batongbacal tungkol saan po ba yung project na yan?”
Tanong ko kay Miss Batongbacal with a sincere voice..
“Ang project nyo na ito ay isang dance and singing project..”
A-ano daw? Dance and singing project? Eh.. di naman sa pagmamayabang pero... sa ganung kadaling project na yun.. 30% na kagad ang maibibigay? Kaloka din tong school na to ah..
“Pero class di ganun kadali yang dance and singing project ninyo..” ang gulo ah.. kanina sabi madali ngayon di gaano.. ano ba talaga? =_= gusto ba nilang sumabog yung utak ko? “Alam ko yung iba siguro naguguluhan ngayon.. kasi kanina sabi ko madali ngayon di gaano..” Aba.. marunong din pala magbasa ng utak tong si Miss Batongbacal... hanga to the max naman ako.. xD “Depende kasi yun eh..” Uhm okay eto na naman ako.. naguguluhan na naman O_O “Madali lang to, ‘syempre’, sa mga marunong kumanta at sumayaw and of course medyo mahirap naman para sa hindi... kaya nga kailangan ninyo talaga mag exert ng effort... At class wag ninyo akong sisihin kung maaga ang project ninyo dahil.. mismong school ang nag utos nun.. ang makakakuha ng 30% na yun, sigurado na sa college nila, mayroong ibibigay kaagad sa kanilang opportunity para makapasok sa Music Company kung saan, sure na ang pag sikat ninyo..”
T-teka.. M-music C-company ba talaga?!
SHRETTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT! GUSTO KONG MAKAPASOK DOON!!!!!!
Bata pa lang kasi ako gusto ko nang kumanta kaya nga nag practice ako, hanggang sa lumaki ako sumali ako sa mga singing competition at happy naman kasi kadalasan 1st or 2nd placer... kaya nga napaka laking achievement sa akin kung makakasali ako sa Music Company na yun..
“Miss Batongbacal individual po ba yun?”
I asked.
“It depends on you.. pwede kang gumawa ng grupo.. or kung gusto mo solo performance.. pero kung ako ang tatanungin class I prefer a group.. kasi class kung magso-solo kayo medyo mahirap yun.. all-eyes-on-you kung baga... kaya nga kapag group.. di gaano mapapansin na may mali ang iba at mas maganda din ang group kasi mas gaganda ang performance.. well, it’s only may suggestion class.. it all depends on you.. btw class, di ko nasabi sa inyo kanina.. na itong project niyo ay project ng buong highschool.. it means it’s like a competition pero lahat kase mabibigyan ng points depende kung maganda o hindi ang performance ninyo.. mahigpit ang mga judges.. kasi galing sila mismo sa Music Company and itong project ninyo mahe-held sa gymnasium.. binibigyan din kayo ng school magkaroon ng 2 months practice...”
“2 months?!”
I said na medyo shock.. 2 months lang ba naman daw kase ang ibigay.... =_= sabi nila bongga.. eh para sa akin 2 months isn’t enough.. baka nga yung middle pa lang ng dance and singing yung napra-practice ko with matching mali-mali =_____= I want to be in Music Company soooo bad!
“Why Miss Perez? Ayaw mo ba ng 2 months?”
“Hindi naman po sa ayaw mam p-pero... 2 months isn’t enough..”
“Hm.?”
“Miss Batongbacal.. we have also our studies.. di po namin pwedeng pabayaan yun.. assignments, activities, projects, and other curricular activities... don’t the school think na sa loob ng two months na yun ay may naka-prepare na ng ‘bongga’ na sinasabi niyo po?”
“Hmm.. your right Miss Perez.. well then I will consult that to the Principal right away..”

BINABASA MO ANG
My Lover Next Door [ONGOING]
RomancePag in-love ka, kailangan mo ng pasensya para mag work out ang mga plano mong main-love din siya sayo.. katulad ni Lance Chua.. ang lalaking in-love na in-love sa kapit bahay niyang babae na saksakan ng sungit sa mga lalaki na si Kim.. At dahil napa...