Ayoko nang magpa tumpik tumpik pa, lalo na ngayong may evidence na ako sa kabalbalang ginagawa ni Clarisse.
Pero kailangan ko muna mag control ng temper ko. I’d kill her slowly.
De joke lang. Haha. Gagawin ko lang yung tatakutin ko siya, para siya mismo ang umamin.
Pauwi na ako ng bahay nang may makita akong sari-sari store. Bigla namang may pumasok sa isip ko. Eh kung magpanggap kaya ako na ibang tao tas tatakutin ko siya via text.
WAHAHAHA. Ang evil ko. Eh mas evil siya eh, magagawa natin?
Bumili ako ng sim at umuwi na sa bahay, dumeretso kagad ako sa kwarto ko at ininsert ang bago kong sim sa cellphone ko.
Tinext ko na siya...
“Hi Clarisse”
At sa kabutihang palad, karakaraka naman siyang nag reply.
“Hi. Sino to?”
“Ka’batch mate mo ako.”

BINABASA MO ANG
My Lover Next Door [ONGOING]
RomancePag in-love ka, kailangan mo ng pasensya para mag work out ang mga plano mong main-love din siya sayo.. katulad ni Lance Chua.. ang lalaking in-love na in-love sa kapit bahay niyang babae na saksakan ng sungit sa mga lalaki na si Kim.. At dahil napa...