Hay... Ano kaya? Group kasi ang nasa isip ko eh... pero paano to? Eh halos lahat naman mag sosolo and duo....
Wow ah??? Masyado makapal ang face nila doon... good luck nalang sa kanila =_=
Pero... paano ako? Group yung akin eh... =_=
“Kim... Mag sosolo ka ba?”
Tanong ng kaklase kong babae na si Clarisse... siya ang top 2 namin sa klase..
“Uhm.. Hindi eh.. balak ko kasing mag group yun nga lang halos lahat mag sosolo or duo... =_=”
“Hm? Bakit group ang gusto mo Kim? Diba mas maganda kung magso-solo ka Kim? Kasi magaling ka naman kumanta at sumayaw..”
“Ayaw mo nun kung mag-group ako madami akong makakasama and mas mataas ang points na maibibigay and if ever na manalo, at least hindi lang ako ang makikinabang dun... pati ang members ko din.. o diba?”
“Oo nga no...”
Ngumiti nalang ako at tumalikod na.. pero bigla niya ulit akong kinausap...
“Uhm.. Kim g-g-gusto kong s-sumali sa group mo.. p-please matagal ko na kasing gustong makasama sa Music Company”
“It’s not a problem.. pasok ka na.. :)”
“Thank you talaga Kim!!”
“Haha.. Ayos lang... o ano? Proceed na tayo?”
“Uhm okay.. Ano na nga ba ang gagawin natin?”
“Ang mag recruit ng iba pang members”
“Sure Kim! Pwede ba ako mag sali ng lalaki? Alam kong ayaw mo sa lalaki pero mas maganda kasi kung meron tayo nun... hindi kasi gaano presentable tignan kung puro babae tayo lalo ng dance and singing project to..”
May point siya doon.. pero ayaw ko talaga sa lalaki eh.. =_=
“Eh Clarisse—“
Teka nga muna Kim!! Wag kang padalos-dalos! Masyado naman akong ma-pride pag dating doon.. =_= Sige na nga, alang-alang sa Music Company..
“S-sige..”
“Thank you Kim! Promise di ka magsisisi sa mga lalaking kukunin ko!”
Sana nga... T_T
Maya-maya naman dumating na si Clarisse kasama yung mga ni-recruit niya...
Buti naman at matitino yung kinuha niya pero si Lanceeeeeeeeeee =_______=
“Clarisse?”
“Hmm?”
“Halika muna sandal dito..”
Bigla ko naman hinatak si Clarisse at kinausap ko siya sa sulok..
“B-bakit K-kim? A-ayam m-m-mo ba sa mga kinuha ko? K-k-konti lang naman yung mga lalaki..”
“Don’t stutter Clariss di naman kita sasaktan eh... alam ko... konti lang ang mga lalaki... at natutuwa naman ako dahil maga madadali turuan yung kinuha mo... pero yang Lance na yan......”
She stares into my eyes na parang curious na curious...
“Ayaw ko sa kanya..”
Nakita ko naman yung gulat sa mukha niya at bigla niyang hinawakan yung kamay ko..
“Bakit siya pa? Eh.. Magaling siya in dancing and singing.. alam mo nag aral yun sa music school para maimprove yung skills niya... please wag siya magaling siya Kim I swear!”
“Papaano mo naman nalaman yun?”
“W-wala.. Nadinig dinig ko lang sa iba..”
Ang bilis naman kumalat nun?
Nvm...
“Okay... sige na ngaaaa.... pero make sure about what you’re saying... wala nang tanggalan ng members and wala na ding dadagdag okay? Pakiramdam ko magaling tong grupo natin..”
“I WILL KIM!!”
Nung sinasabi niya yun, nararamdaman ko sa kanya yung effort... nararamadaman ko na gustong gusto niya talaga makapasok sa Music Company katulad ko..

BINABASA MO ANG
My Lover Next Door [ONGOING]
Любовные романыPag in-love ka, kailangan mo ng pasensya para mag work out ang mga plano mong main-love din siya sayo.. katulad ni Lance Chua.. ang lalaking in-love na in-love sa kapit bahay niyang babae na saksakan ng sungit sa mga lalaki na si Kim.. At dahil napa...