DAHIL matagal nakatulog kagabi ay tanghali na nang magising si Zarina. Nang makapang wala sa tabi si Siri ay agad na tumayo siya at napapraning na hinanap sa buong kwarto pero wala si Siri.
Agad na lumabas siya ng kwarto.
“Siri?!”
Hindi niya alam kung saan maglalakad. Parang nababaliw na siya sa kaba. Sa sobrang laki ng pangalawang palapag ay hindi niya alam kung aling daan ang tatahakin.
Naglakad siya papunta sa katabing kwarto at binuksan 'yon.
“Siri?!”
Madilim at walang tao. Marahas na isinara niya 'yon. Mabilis ang paghinga niya. Napahilamos siya ng mukha.
“Kalma, Ina. Isip. Isip.”
Kailangan niyang kumalma para makapag-isip ng tama. Napatingin siya sa malaking pinto na tinutukoy ni Siri kagabi. Doon niya lang din napagtuonan ng pansin ang dalawang painting na nasa makabilang gilid ng pinto na iyon. Tumakbo siya palapit doon.
“Siri?!”
Malakas ang bawat lapat ng kamay niya sa pinto. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya. Sobrang desperada na siya.
“Siri?! Nand'yan ka ba?!”
Paano kung kinuha ng mga ito si Siri habang natutulog siya? Bakit ba kasi hinayaan niya ang sarili na makatulog nang mahimbing kahit na walang kasiguraduhan ang seguridad sa bahay na ito? Alam niya lang ang mga pangalan ng ilan, ano pa? Wala na siyang ibang alam.
Biglang bumukas ang pinto kaya ang kamay niyang dapat sa pinto ay tumama sa dibdib ng nagbukas ng nito.
“What are you shouting for?”
Hindi niya pinansin ang tanong nito at gamit ang kamay na nakalapat sa dibdib ni Montevon ay tinulak niya ito at akmang papasok siya nang tuluyan sa kwarto ay hinila ni Montevon ang kamay niya pero nagpumilit siya.
“Siri?!” malakas na sigaw niya. Pero sa madilim na kwarto ay wala nang kahit anong ingay o kahit paggalaw man lang.
Walang ibang tao sa kwartong 'to.
Nauubos ang pasensiya na humarap siya kay Montevon at marahas na hinila ang braso mula sa pagkakahawak niya. “Nasa'n si Siri?! Anong ginawa niyo sa kaniya?”
Kumunot ang noo ni Montevon.
“Madaming investors ang nagtitiwala saakin, tapos papasok ka rito't aakusahan ako? Kung hanap mo ay ang batang Lebrilla, nasa eskwelahan siya. Makakaalis ka na.” Pagpapaalis nito sa kaniya at hinawakan ang pinto.
Napahinga siya nang maluwag dahil sa sinabi nito. Napasandig siya sa pinto para hindi tuluyang matumba dahil sa biglaang mga galaw at sobrang emosyong naramdaman na bumigla sa kagigising lang niyang katawan.
“What else do you want?”
Napa-angat siya ng tingin kay Montevon. Salubong na naman ang kilay pero hindi niya maintindihan ang tono ng boses nito kung naiinip ba o talagang nagtatanong kung may kailangan siya.
“Ha?” tanging naituran niya.
“You're wasting my precious time when you can just go waste your time with Evo.”
Hindi niya pinansin ang sinabi nito dahil ngayong kalmado na siya ay ngayon niya lang din napagtuonan ng pansin ang itsura ni Montevon. Naka-roba ito at lantad ang kaunting parte ng dibdib. Halatang kagagaling pa lang nito sa pagligo. May ilang butil ng tubig mula sa buhok ang tumutulo. Hindi niya napigilang mapalunok sa nakikita.
“Eyes up here, Lebrilla.”
Napa-angat siya ng tingin. Seryoso ang mukha nito at kita niya ang paggalaw ng panga nito. Parang nagpipigil . . . ng inis? Nanlaki ang mga mata niya. Baka kung anong isipin nito dahil sa pagtitig niya?
YOU ARE READING
Montevon's Bride
General FictionZarina is a breadwinner, a graduating student, and unstable. Drunk and broken, running away from their schools' wedding booth wearing the long white dress that her best friend lend to her, ended up in a church and mistaken as a bride who was about t...