CHAPTER 1

5 0 0
                                    

        FLORY MAE POV

Naghahanda ako ngayon ng mga gamit na dadalhin ko. Labag man sa loob ko ang magbakasyon dahil madali lang akong mapagod.

"Anak saan ba kayo magbabakasyon?" Tanong ni mama bakas sa mukha ni mama na nagaalala ito sa akin.

"Iwan korin sabi po kasi nila, mamaya nalang daw sasabihin," sambit ko kay mama.

"Pwede ba kaming sumama?" Pagalala sa boses nito.

"Hindi e." Tanging sagot ko.

"Wag kanalang kaya pumunta." Ramdam ko nag aalala sila mama saakin.

Ayaw ko nga e kaso para sa grade.

"Ma sa grade ko'to, Ma don't probs kakaratehon ko ang mangbastos saakin." Niyakap niya naman ako.

"Sige, mag-ingat ka don,"

"Sige!"

"Nandon yung pagkain mo sa baba!" Sambit ni mama.

"Sila na daw ang bahala." Wika ko.

"Basta dalhin mo para mawala ng kaunti ang pagalala ko." Usal nito sabay talikod saakin.

Ito talagang si mama napaka alalahanin. Kala niya isang buwan kami don.

Pero ilang araw kaya kami don?

"Flor!" Pagtawag sa pangalan ko. Nandito na sila?

"Flor, bilisan mo!" Sigawan nila sa labas.

"Wait lang," sigaw ko at binilisan ang pagiimpake ng gamit ko. Napa excited din ng dalawang to.

Pagkatapos kong mag impake ay agad akong bumaba. Pagkababa ko ay bumungad naman saakin ang dalawang mukha ng mga kurdapya.

Joke!

"Flor tapos kana?" Masayang tanong ni Engel saakin. Masaya ata ang babaeng to.

"Yan lang suot mo?" Takang tanong ni Lyn tumango naman ako. Bakasyon nga bakit magpapasexy pa.

"Yes, bakit may problema?" Tanong ko tinaas ang isa kong kilay.

"Nag text si ma'am sa gc susundian lang daw tayo dito sa school bus." Ani ni Engel. Wow! Sila na pati bahala sa sasakyan namin.

Sana maganda ang view doon.

"Masaya to!" Sambit ni Lyn at ngumiti ng malawak.

Sana nga!

May tumonog naman kaya na alerto kaming tatlo.

"Yun nayong bus." Sambit ng dalawa. May bus patalaga fantastic!

"Mama una na ako," paalam ko kay mama nandito kasi siya kasama namin naghihintay sa bus na sasakyan namin.

"Mag ingat kayo don." Yakap saakin ni mama.

"Wag kang magaalala ante, kami na bahala kay Flor!" Hila nila saakin kumaway naman si mama kaya kinawayan ko ito pabalik.

"Bilisan niyo!" Excited sa boses nila. Wow hah! Excited pa talaga ang mga bruhang to.

Kapagod.

Sure ako tatlo o apat na bus ang rami ng lahat ng grade 12 level.

"Hoy Flor!" Tapik ni Engel at ni Lyn saakin.

"Hah?" Naisambit ko. Excited ba dapat ako?

"Hoy kurdapya pumsok kana marami pa ang papasok!" Sambit ni Lyn tumngin naman ako sa likod ko bago napayuko.

"Sorry!" Pagyuko ko. Hinila naman nila ako. Pagkarating namin sa loob ay may tatlong upuan kaya madali kaming pumunta doon.

"Ako yung sa may bintana," sambit ko. Pinauna naman nila ako kaya napangiti nalang ako.

WRONG PLACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon