CHAPTER 6

1 0 0
                                    

                     FLORY MAE POV
  
Nakaupo ako sa sahig habang nakikita ang dalawang lalaki na may sout ng maskara at nakatabon lahat ng katawan nila ng itim. Hinila nila ang dalawang babae na naliligo sa sariling dugo. Hindi ba sila marunong maawa? Wala bang mga puso ang mga tao dito?

Tinignan ko ang mga tao, umiling-iling lang sila na parang sanay na sila sa nangyayari. Ganito ba talaga ang lugar na ito? Patay kong patay? Ayaw kong tignan ang dalawang babae dahil naaawa lang ako sa kinahantungan nila ngayon. Ayaw ko ng ganitong buhay gusto ko lang ang tahimik, at walang gulo. Pero bakit nahantong kami sa ganito?

"Ayaw ko na dito!" Pag-iiyak ni Engel. Nawawala na ito sa kanyang sarili.
May lumapit na nakamaskara kay Engel kaya naalerto ako ng tayo at humarang ako sa gitna sa dalawang lalaki na walang ka paki-pakialam sa ginagawa nila.

"Rules is rules!" Diin na sambit ko at pinaglisikan sila ng mata, ang ayaw ko yung hindi sumusunod ngunit pay tuloy parin sila. Ang ayaw ko sa lahat yung pinapakiaalaman ang pag-mamay-ari ko.

"Ayaw ko!!! Flor, Lyn tulungan niyo ako!!" Pagsisigaw ni Engel ng hilain siya ng lalaki. Mabilis akong pumunta sa harapan ng malaking camera habang hawak ang isang kamay  ni Engel. Hindi nila makukuha saakin si Engel, magkakamatayan ang lahat walang pwedeng mag pahamak sa mga pinsan ko.

"Madam Pinky! Sabi sa rules isang bala sa isang ulo, pero ano tong ginagawa niyo?" Galit na tanong ko, takot ako pero nangingibabaw parin saakin ang galit sa nakikita ko ngayon. Napatawa naman ito ng pagak. Ayaw ko talaga sa pangalan niya nakakababaeng pakinggan. I hate her name!

Wala akong emosyong binagay sa kanila bagkos seryoso lamang ako sa aking kausap, nakikita ko ang sarili ko sa malaking camera nandito sa malapit saakin. Lahat ba ng kilos ay dapat alam nila? Wala ba kaming free dito? Lagi nalang ba kami susunod sa litsing utos ng mga demonyo nayon?

"HAHAHA! Miss wala rin nakalagay sa rules na pwedeng mangialam ang hamak na estudyante lang," pag-papaalala nito, napasinghap naman ako bago tinignan si Engel na takot na takot sa mga lalaki kaya mas lalong tumibay ang loob ko.

"May pinanghahawakan tayong rules, madam Pinky. One shoot, one head! Yun ang nakasulat sa list of rules. At isa pa wala sa rules na pwede kang magpadakip ng taong kadadating lang." Seryoso sa boses ko napatawa naman ito ng pagak. Rinig na rinig ko ang pagtawa niya.

"Tinanggal niya ang tali ng buhok niya kaya dapat managot siya! Ang unfair kasi sa namatay!" May roon pa pala siyang fair?

"Pero, wala ka paring magagawa dahil ang nakasulat sa papel ay 'one shoot, one head' hindi namin yun kasalanan kong sa iba tumama." Depensa ko sa sasarili ko. napalunok naman ako sa sarili kong laway.

"Wala kang magagawa sa kasama mo, dahil pinili niya ito." Salita nito.

"Dakpin Nayan!!" Pagsasalita naalerto naman ang dalawang lalaki kaya hinila ko ng malakas si Engel para di nila iyon makuha.

"Hindi ako hamak na estudyante lang," pagyuko at ngumiti sa malaking camera ng nakakamatay na ngiti. Hinila ko si Engel ng pagkalakas lakas kaya napunta ito saakin.

"Miss, bakit sinisira mo ang rules," irita sa kanyang boses agad naman akong napangiti sa harapan nito. Hindi ko dapat ipakita ang takot ko.

"Madam Pinky! Ikaw ang sumisira ng rules, wala sa rules na basta ka lang mangdakip ng estudyante ng walang pahintulot ng mga SSG ng academy na ito o, ang dating SSG sa dati nilang school." Wika ko napahalakhak naman ito ng tawa bago nag seryoso sa kanyang sasabihin.

"Kahanga-hanga!" Pagkamangha sa kanyang boses.

"At wala sa nakasulot sa rules, na pwede kang mangialam. Ang pwede lang humawak nito ay ang school SSG namin! Hindi ka pwedeng mangialam!" Sambit ko at pinipilit na hindi ma utal.

"Ang yung galing ay ka hanga-hanga, kay bago mo pang dating may nalalaman kana sa rules." Ako pa? Nagbabasa rin ako sa mga rules dito ako nga kasi ang vice president ng SSG officers sa amin kaya may karapatan ako.

"Ngunit ang pwedeng magdesisyon ay ang president o vice president. Nakakaawa paano mo maliligtas ang pinakamamahal mong kaibigan?"

"At ang president ng inyong paaralan ay wala na, kaya hanapin mo ang isa mong alas para ma buhay ang kaibigan mo. May dalawang minuto nalang!" Tanga ako yun.

"Bilisan mo lang kong gusto mo pang mabuhay ang kaibigan mo,"

"Pano kong wala?" Tanong ni Lyn. Alam kong may plano ang babaeng ito, halata sa kanya postora ng mukha.

"One minutes more!" Agad naman akong napangiti ng kaunti bago naging seryoso. Swerte ko talaga, buti nalang naging parte ako ng SSG ng school namin kong hindi pa may mabibiktima sa rules ng madam Pinky nayon. Kahit wala sa papel ginagawa parin ang nasa-isip. Hindi bagay sa kanya ang madam Pinky, ang bagay sa kanya madam demonous. Kasing tunog ng demonyo na kasing ugali niya.

Ayaw ko ng patayan, ngunit kong hindi kami lalaban ay mamatay rin kami kaya wala kaming choice kundi pumatay sa kapwa. Kong ito ang rules ng lugar na ito. Kong kinakaylangan maging demonyo para lang hindi kami mapahamak ay gagawin ko, gagawin ko para sa kaligtasan namin. Ayaw ko mang maging masama, malabo na dahil kung dito ka sa lugar na ito ay lalabas talaga ang pagkademonyo mo.  Kaya no need to hide kaylangan ng lumaban ng patas. Patay sa patay, buhay sa buhay.

Yan ang batas dito sa academy na ito Wala sino man ang makakatigil doon.

"I'm here to your front....."

"And that's me!"

"Ako yun!" Sambit ko.

"I'm the vice president of our school, madam Pinky!" Diin na saad ko. Kaylangan kong maging malakas para mabuhay kami sa empernong lugar na ito. Hindi dapat pa iralin ang takot.

"So ako ang hahawak sa mga student na dating nag-aaral sa scholl ko. Kaya bitawan mo siya!" Pagtataboy ko sa kamay na nakahawak kang Engel.

"Bitawan niyo at iwan!" Sigaw nito bago nawala ang boses na nandoon sa speaker. Nanlabo ang paningin ko.

"Flor!!" Rinig ko sa boses ni Lyn bago ako nawalan ng malay.

Sana okay lang ang lahat!!

WRONG PLACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon