CHAPTER 5

2 0 0
                                    

              FLORY MAE POV

Naalimpungatan ako ng may narinig akong katok ng pinto, kaya agad akong napamulat ng mata at napalinga-linga sa paligid. Tinignan ko ang posisyon ko ngayon, wala paring magbabago ganoon parin nakayakap parin ako sa dalawa kong mga tuhod. I don't know kong bakit hindi man lang ako nakaramdam ng lamig.

Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. 'okay lang yan Flor' makakauwi karin ng ligatas. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad saakin ang manang na may dala-dalang balde at mop, ngumiti ako ng tipid bago ito tinanong.

"Ano po yun manang?" Tanong ko. Agad naman bumaba ang tingin niya kaya medyo nahiya ako. Hindi ko naman alam kong bakit niya kaylangan na pagmasdan ang kabouhan ng katawan ko.

"An--------

Natigil ang sasabihin ko ng may tumunog sa taas. Parang isa itong malaking speaker na rinig na rinig ng buong tao dito sa loob. May nagsalita sa speaker kaya ibinaling ko ang tingin sa speaker na nasa taas.

"My dear student, o should I say my new student!" Rinig kong boses ng babae na nasa malaking speaker. Ano ba ang balak nila saamin? Bakit ba nila kami dinala dito? Sino ba sila?

"Bawat locker niyo ay may lamang uniform na dapat gamitin niyo araw-araw. Di pwedeng ibahin ang style ng buhok, lahat ng estudyante dito ay pareho ang pagakakatali ng buhok bawal ang mag-iba, bawal ang mag reklamo." Rinig ko. Nakita ko naman ang ibat-ibang reaksyon ng mga mukha ng mga taong nakatingin dito, ang iba nga ay nagririklamo pa.

"Saan ba yung locker?" Tanong ko sa sarili ko. Nasa loob kaya ng kwarto ko?

Agad naman akong pumasok at sinira ang pintoan, pero bago ako pumasok pupunta mo na ako sa head ng school na ito, para maiklaro nila ang lahat saakin dito sa academy.

Sa paghahanap ko ay may nakita akong maliit na locker. Totoo ba'to may locker sa loob ng kwarto na ko? Binuksan ko ang locker at may nakalagay ditong uniform. Kulay pula siya at parang pang korean uniform, parang sa nakikita natin sa k-drama. Pero aalis parin ako dito. Dinala ko ang uniform at pumunta na sa banyo para makaligo na.

___________***********_______

Nakatingin ako sa sarili ko habang tali-tali ko ang buhok ko, sinabihan kasi ako na dapat ganito. Nasanay rin naman ako na dapat sundin ang patakaran dahil nga vice president ako saaming school kaya sanay na talaga ako sa pagsunod sa patakaran. Pagkatapos ko ay agad akong pumunta sa kwarto upang kunin ang bag ko, nandon kasi sa kwarto ko.

Tahimik akong naglakad hanggang sa nakakababa na ako sa ikatlong palapag, maraming mga estudyante ang nandito at lahat sila ay nakasout ng uniform. Pagkadating ko sa ikalawang palapag ay lahat ng tao ay nakatingin saakin na wari sinusuri nila lahat ng galaw ko. At sa wakas nandon na ako baba, naabutan ko naman ang dalawa na halata sa mukha na masarap ang tulog nila.

"Flor, ayus ba ang tulog?" Tanong agad saakin ni Engel tumango nalang ako. Kahit ang totoo ay hindi.

"Ang sarap ng tulog ko!" Paglanghap nito.

"Pwede ba punta mo na tayo sa principal office dito," pagaya ko sa dalawa. Hindi naman sila nagsalita at tumango-tango lang.

Sa kakalakad namin ay sa wakas ay nakarating na kami sa aming kinaroroonan. Nakita ko ang nakapaskil sa tabi ng pinto. Head master room. Agad akong kumatok sa pinto, may nagsalita naman kaya pumasok ako.

"Ohh! Miss ano ang iyong sinadya?" Maamo sa kanyang boses nakatalikud ito saakin.

"Ma'am ikaw ba ang principal ng school na'to?" Magalang na tanong ko.  Agad naman siyang napatawa ng mahina bago ito lumingon. Ang damit niya ay kulay pink at pati ang kulay ng labi niya ay pink, parang lahat nalang sa kanya ay makikita mo ay pink.

"Yes, I'm madam pinky!" Pag ngiti nito pero ramdam ko naman na peke. Hindi bagay ang name sa kanya.

"Ma'am, pwedeng umalis dito sa school?" Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa ay tinanong ko ito agad agad namang nag seryoso ang mukha nito.

"Miss, may rules dito! Ones your entire no turning back!"

"Pe-----

"Go to your room, nag hihintay na ang inyong mga bagong guro!" Hindi paman ako natatapos sa sasabihin ko ng pinaalis na kami. Tumayo ako kahit may gusto pa akong sabihin. Sa kakatingin kahit saan may nakita ako sa taas na may nakasabit na 'rules'

'One shoot, one head' ano yun?

Nandito kami sa cafeteria, tahimik akong sumusubo ng pagkain. Hindi ko nga alam bakit gusto ng mga bruhang sa school na'to? Hindi ko kasi mawala sa isip ko ang nangyari ka gabi, parang paulit-ulit lang bumabalik sa isipan ko.

"Behh! Alam mo ba may rules daw dito," rinig ko sa mga babae na nasa likod ko.

"Oo, dapat daw pareho ang hairstyle ng buhok!"

"Di naman yan totoo e. Tignan mo ako ngayon may mangyayari bah?" Ramdam kong tumayo ito at kinuha ang tali sa kanyang buhok kaya napalingon ang lahat sa kanya.

"Wala namang nangyari e!" Sabi ni Engel at agad na tinanggal ang tali sa kanyang buhok. Ng akmang uupo ang babae ay may pumutok na bala na ikanasigawan ng lahat.

"Ahhhhhhhhh!" Napahandusay naman ang babae kanina. Takot na takot akong napatingin sa babae na naliligo sa sariwa niyang dugo. Di ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko.

"Engel!!" Takot sa boses ni Lyn. Nakita ko naman ang maliit na bagay na papunta sa deresyon ni Engel. Kaya agad kong tinignan si Engel, bago paman pumutok ay pinadapa ko na ito kaya hindi sa kanya tumama ang bala.

Nanginginig ang mga tuhod ko na tumingin sa isang babae na si Engel dapat ang matatamaan ngunit nailagan niya ito, kaya sa isang babae tumama.

"Sorry!" Naguguluhan kong saan habang si Engel wala parin sa kanyang pag-iisip. Umiiyak lang ito habang yakap yakap siya ni Lyn. Kahit natatakot ay tumayo ako upang harangan ang kinauupuan ni Engel.

"Rules is  rules, miss Pinky! One shoot,  one head! Wala sa list of rules ang dalawang bala sa isang ulo!" Malakas sa boses ko at pilit na hindi mautal sa sinabi ko.

"Rules is rules, yun ang sinabi niyo!"

"One shoot, one head!" Diin sa boses ko. Agad namang nag-iba ang dereksyon ng nasa taas sa sinabi kong iyon. Dahil sa nangyari iyon ay nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at napaupo sa sahig habang tinitignan ang  dalawang babaeng naliligo sa sariwa nilang dugo.

Anong klaseng rules ito?

WRONG PLACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon