CHAPTER 4

3 0 0
                                    

            FLORY MAE POV

Tahimik kong sinusundan ang nauna saakin, nandito kasi ako sa likod tumitingin sa paligid ng kabouhan ng school na ito. Aaminin ko na ang tahimik ng lugar wala man lang isang ingay ang naririnig ko. Naiisip ko nga kong school ba'to o ano? Iwan ko ba bakit ang sagrado naman ng lugar na ito, hindi ko naman ito nababasa sa internet na may ganitong school sa masukal na kagubatan.

Napahinto ako ng huminto ang nasa harap.

"Classs," tahimik naman akong tumingin sa harap. Bakit ba huminto?

"Ang mga kwarto niyo ay sa inyo lang hindi pwedeng magtabi, kahit magkapatid pa kayo o magpinsan, walang pwedeng magtabi dahil yan ang rules dito!" Agad namang napa arko ang kilay ko sa sinabi ng principal. Bakit naman hindi pwede?

"Bakit naman sir?" Tanong ng iBang estudyante may gumuhit naman na ngiti sa labi ng principal.

"Dahil yan ang patakaran dito miss shon," agad namang napayuko si Lea.

"So my own room kami?"

"Yes, may sarili kayong kwarto!" Agad namang naghiyawan ang iba naman ay hindi nagustuhan ang patakaran ng lugar na to. Ang oa hah! May patakaran pa talaga!

"May mga papel ang ibibigay sa inyo at doon niyo makikita kong saan floor kayo!" May papel pa talaga?

"Flor, di tayo pwedeng magtabing tatlo!" Pagyuko nito agad ko naman tinapik ang balikat niya.

"Okay lang," wika ko. Kahit mag pinsan hindi pwede? Nakaka wow na talaga sa putang school na to hah! Pati pinsan bawal parin, hindi na nga pwede yung cp bawal parin ba magtabi ang kakilala.

Mga minuto ang nagdaan ay may inabot na isang papel kaya napalunok ako sa sarili kong laway bago ito binuksan. Bakit ba ako kinakabaha? Wala naman seguro mawawala saakin pag binuksan ko to. Papel lang naman to.

Dahan dahan kong binuksan ang papel na kulay pula, wow ang socialyn ng scholl. May pa ganito pang nalalaman kala mo naman kay yaman. Luma rin naman ng school.
Pagkabukas ko ay bumungad saakin ang kwarto kong saan ako matutulog ng isang taon. Naghiyawan naman ang dalawa at nag aper pa talaga sa harapan ko.

"Yehhh, pareho tayo ng floor!" Masayang sabi ni Engel. Buti pa nga kayo magkasama lang pano naman ako? Pano ako?

"Ikaw ba Flor?" Ipinakita ko ang papel ko nawala naman ang ngiti nila ng makita ang nakasulot doon.

"4 floor ka?" Dimakapaniwalang tanong ni Lyn agad naman akong tumango.

"Ehh kayo ba?" Tanong ko.

"First floor lang at magkatabi kami ni Engel," wow hah? Ako lang pala ang nilayo?

"Pano niyo naman Nalaman?" Takang tanong ko. E pano nga ba nila nalaman na tabi lang yung kwarto nila, e hindi panga sila nakakapunta dito.

"012 yung room ko kang Lyn naman ay 013. Di magkatabi nga kami?" Masaya sa boses nito.

"Di congrats!" Agad ko namang kinuha ang papel na hawak ni Lyn.

"Ikaw ano bang number mo?" Napabontong hininga naman ako bago sila tinignan.

"050,"

"Omg! Nasa huli ka Flor sa bawat pala pag!" Dimakapaniwala sa boses nito. So malayo layo pa yung tatahakin ko?

"Bakit mo naman alam?" Pagtaas ng kilay ko.

"Di mo ba narinig ang usap-usapan dito?" Agad namang akong napailing.

"Ang nar---------"....

"Okay class, may si tayo na kayo! Tandaan niyo may Isang oras lang kayo para hanapin ang kwarto niyo." Pag bibigay babala ni teacher Cruz.

"Bakit po teacher Cruz? Pag lumampas ba kami may masama bang mangyayari?"

"Basta class, malalaman niyo lang kong nandon na kayo sa sitwaston na iyon!" Seryoso na wika ni teacher Cruz.

"Dapat hindi kayo lumampas sa tamang oras. Pag sapit ng 6:00 ng gabi ay dapat ay nandoon na kayo sa kwarto niyo at hindi nag iingay!" Agad naman nag si tayuan ang balihibo ko.

"Sige. Pumunta na kayo sa mga kwarto niyo!" Kahit labag sa loob ko ay lumakad ako at sumunod sa iba pa. Bawat na dadaanan ko ay may nakasabit dito na malaking orasan. Kaya kitang-kita ko ang bawat pagtakbo ng oras. Nasa second floor palang ako ay giniginaw na ako sa hangin na tumatama sa balat ko. Kaylanga ko na talaga bilisan!

Malapit na mag 6 am ng gabi mga 20 minutes nalang ay mag aalasis na ng gabi, bawat taong kasama kong umakyat sa 4 floor ay nakita ang ang mga kwarto nila maliban nalang saakin na kanina pa hinahanap.

"Saan ba ang kwarto ko?" Tanong ko habang pinupunasan ang pawis sa noo ko. Tinignan ko ulit ang malaking orasan na nasa taas. 5 minutes nalang at mag gagabi na.

Kabado akong napalunok sa laway ko siyaka nagmadaling naglakad sa ibat ibang kwarto bawat hakbang ko ay pabigat na pabigat ang hakbang ng mga paa ko. Parang tinatali ako na pilit na kumakawala.

Sa hindi ka layuan ay nakita ko ang number na nasa papel ko, kaya agad akong napangiti ng walang dahilan. Ngunit nabawi lamang iyon ng tumunog ang malaking orasan. Kabado akong tumakbo. Hindi ko alam kong bakit ako tako, at kinakabaha ang alam ko lang ay takot ako ngayon.

Takbo lang ako ng takbo at hindi man lang nagawang tignan ang nadadaanan ko. Bigla naman akong napahandusay ng may sumapid sa paa ko.

"Putang ina!" Pagmumura ko at nagmadaling tumayo, napadaing naman ako sa sakit ng subukan kong igalaw ang paa ko.

Kahit masakit ay pinagpatuloy ko lang. Hanggang sa bawat pag hakbang ko ay parang may nakamasid. Napahinto ako at napatingin sa likod ngunit Wala naman akong nakita kahit isang tao. Ngunit sa dikalayuan may mga kakaibang tao na nakatingin sa dereksyon ko kaya dali-dali akong kumilos.

Sino sila?

Pagdating ko sa harap sa kwarto ko ay hinanap ko pa ang susi ko. Saan na yun? Nasan na ang susi ko?  Sa kakahaloghog ko sa bag ko ay nahulog ito sa sasahig aksedente ko namang nakita ang mga tao na kanina pang sunod ng sunod saakin, at palapit ng palapit sila. Kaya madali kong kinuha ang susi siyaka binuksan ang pinto.

"Puta bumukas ka!!" Pilit na pagsisigaw ko at tumingin sa likod. At sa wakas ay bumukas na ito kaya nagmadali akong pumusak ngunit hindi parin sila tumigil at pinipilit parin nilang buksan ang pintoan.

Napaiyak nalang ako habang nakaharang sa pinto hindi kasi mawawala ang ingay sa labas.

"Umalis na kayo!" Pagsisigaw ko habang tumutulo ang mga luha ko. Takot at kaba ang nararamdan ko. Ilang Segundo pa ay nawala ang ingay kaya napaluhod ako sa sahig, at napahagulgul ng iyak habang yakap yakap ang mga tuhod ko na nanginginig.

Ayaw ko na dito!

WRONG PLACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon