Katsumi's POV..
Hay! Masyadong dine-deny ni Daniel na hindi nya na ulit GF si Zharm! HALER! Halata sa kilos ni Zharm na sila na ulit.
Masyadong indenial si Daniel! Sobra-sobra. (-_-) Tatanong ko na lang ulit. ^_^
"Ala mo Daniel! Kung hindi mo talaga gf si Zharm? Bakit kung makasunod sa iyo eh parang wala ng bukas? Yung tipong parang mamatay pag hindi naka-sunod sa iyo? Aminin mo! Kayo na ulit ano? Yiee!!!"
Sisikuhin ko sana si Daniel kaso,
.
.
.
WALA SYA DUN?!
Ibig sabihin kanina pa akong salita ng salita dito pero wala sya? Humanada ka sa akin Daniel! >.<
Daniel's POV
Hahaha! Epic mukha ni Katsumi! Nagsasalita ng walang kausap!
Ito po sya ngayon! Kinakausap ako pero hindi ako nakikinig sa kanya. Bahala sya dyan. >:)
"Bakit mo ba kasi ako iniwan kanina? Trip mo ba ako ngayon Daniel?" tanong ni Katsumi tapos poker face.
"Hahaha! Eh bakit ba kasi salita ng salita dun kanina? Muntanga ka talaga! BWAHAHA!" sabi ko. Kapit na nga ako sa tyan ko sa sobrang kakatawa.
"EWAN KO SA YO!" sabi ni Katsumi sabay upo dun sa upuan nya? Alangang sa sahig? HAHAHA! Galit na ata sa akin? Hayaan nyo na yan! Siguradong bati na kami nyan mamaya.
Kathryn's POV
Nandito na kami ngayon ng aking BesJuls sa classroom namin.
Hay! Bakit ba kami Math ang subject namin ngayon? Do you know how I hate Math?
Kung sino man ang nag-imbento ng Math Subject! Ipapapatay ko na!
Pero patay nanaman sila eh? Ipapa-double kill ko na lang sila para masaya! >:)
Grabe! ang ingay ah! Parang wala kami sa classroom! Dinaig pa yung palengke at Divisoria sa ingay. WORST! Magkaklase kami nung Daniel. Alala nyo yun? Yung nakabangga ko? Yung naka-headset na feeling gwapo? May kabangayan pa si Daniel ngayon at si...
.
.
.
Wait? Naduduling na ba ako ngayon?
O sadyang malabo ang mata ko?
"Kats?!" ay! Sorry po!!! Napasigaw ata ako kaya napatingin sa akin ang mga kaklase ko.
(^_^)V
"You know me?" tanong ni Kats.
Hindi ako maaring magkamali. Si Katsumi Kabe ang nakikita ko ngayon! Sigurado ako dun! Ano?! Suntukan na lang!
"Hindi mo na ako naalala? Kats? Bespwein?" tanong ko kay Kats. Tiningnan nya naman ako.
"KATH!!!" sigaw ni Katsumi.
"Kilala mo sya? You know her? Paano? Kelan? Saan? Bakit?" sunod-sunod na tanong ni Daniel.
"Daniel! Kalma ka nga! Ang dami mong tanong! Kasasabi ko nga lang ng pangalan nya diba? KATH KATH KATH! Kaya kilala ko? Okay na?" sabi ni Kats.
Ay walang pinagbago itong taong to. :D
Lumapit sa akin si Kats..
BINABASA MO ANG
Basta na lang (KathNiel Fanfic) (Editing) (Completed)
FanfictionIsang babaeng Kathryn Bernardo ang nakakilala sa isang lalaking nagngangalang Daniel Padilla ng BASTA NA LANG. Do you think there is a possibility na mahulog sila sa isa't isa? Pero how if pag nahulog na sila sa isa't isa eh may mga humadlang? Malal...