This chapter is dedicated to you. Salamat sa pag-gawa mo sa akin ng isang one shot story! :))
--------------------
Kathryn’s POV
Bakit ganun?!
Ang bilis lumipas ng araw? Biruin nyo, NGAYON na yung araw ng kasal ng pinakamamahal kong si Daniel Padilla sa ibang babae?
OUCH lang ah!
At sa araw ring ito, aalis ako para kalimutan ang lahat.
“Anak, 7:30am ang flight mo.” sabi ni Mama. Tumingin ako sa orasan ko. 5:00 am na pala.
Nag-beep yung cellphone ko.
From: BesJuls.
Oi Kath! Baka hindi na kami makapag-hatid sa iyo. Sabi nina Tita Karla eh pumunta daw kami sa Wedding ni Daniel. Labag talaga sa kalooban naming lahat bes pero wala kaming magagawa. Yung parents na ni Daniel yung naki-usap eh. SORRY TALAGA!
--
Ah ganun? Pag magulang yung naki-usap pwedeng-pwede na agad?!
ABA’T! Haay, pababayaan ko na lang sila. AYOS lang naman eh. Tanggap ko na po.
Naligo na ako, nag-ayos, nagbihis.
“Ma! Ano po oras na?” sigaw ko.
“Its already 6:30. Tara na anak! Baka malate ka pa sa flight mo!” sabi ni mama.
Nagmadali ako pababa.
“Tara na po ma.” sabi ko at sumakay na ako sa van.
Daniel’s POV
“Daniel! Magbihis ka na!” pakinig kong sigaw ni papa.
Ito ako ngayon, malungkot sa mga nangyayari.
Sino ba naman ang hindi matutuwa?
Ang ikasal ka sa ibang babae? Ang ikasal ka sa taong hidi mo mahal?
“Anak? Ayos ka na?” sabi ni mama sabay pasok sa kwarto ko.
“Actually, hindi pa ma.” sabi ko.
“Anong hindi? Eh tingnan mo nga oh! Bihis na bihis ka na!” sabi ni mama. (-_-)
“Yung totoo ma? Magtatanung-tanong ka tapos hindi ka maniniwala?”
“Haha. joke lang anak. Bumaba ka na para maaga kang makarating sa simbahan! Kailangang maaga ka dun!” sabi ni Mama.
Umalis si mama at naiwan akong mag-isa sa kwarto ko.
Tiningnan ko yung phone ko.
Nakita ko yung mga happy moments namin ni Kath ko. Ang taong mahal na mahal ko.
Kath? Wag kang pumunta sa kasal ko? PLEASE? Ayaw kong makita kang nasasaktan.
“BWISIT!!!” sabi ko sabay tapon ng aking cellphone.
WALA ng silbi ang buhay ko kung kay Zharm lang din ako maiipakasal?!!
“KUYAA!!! ANO NANGYAYARE??!” sabi ni Jc na bigla-bigla na lang napasok sa kwarto ko.
“Wag kang magpapakamatay Daniel!!!” sabi ni Katsumi.
“Mahal na mahal ka namin! KAILANGAN ka namin!” sabi ni Lester.
“Ano ang problema Daniel? Magsabi ka lang.” sabi ni Seth.
Tumahimik ako. Tumingin ako sa kanila. Umubob na ako.
BINABASA MO ANG
Basta na lang (KathNiel Fanfic) (Editing) (Completed)
Fiksi PenggemarIsang babaeng Kathryn Bernardo ang nakakilala sa isang lalaking nagngangalang Daniel Padilla ng BASTA NA LANG. Do you think there is a possibility na mahulog sila sa isa't isa? Pero how if pag nahulog na sila sa isa't isa eh may mga humadlang? Malal...