Daniel's POV
"Anak, gising na." - Mama.
"Daniel, anak. Bangon na dyan! - Mama.
"ABA DANIEL JOHN FORD PADILLA! HINDI KA PA GIGISING DYAN!"
Napabalikwas naman ako sa lakas ng sigaw ni Mama.
"Ano ba mama?! Ang aga-aga pa oh!" sabi ko kay Mama.
"Aba Daniel. Uso ding tumingin sa orasan? 7:30 na!" sabi ni Mama.
"Ano naman ngayon kung 7:30 na?" tanong ko kay Mama.
"Ikaw talagang bata ka! Nakakalimutan mo atang mamayang gabi ang engagement party nyo ni Zharm!!" ANO?!
"NGAYON NA?!" sabi ko.
"Daniel naman, kahapon ko pa sinabi sa iyo." sabi ni mama.
"Ma naman, hindi na talaga mapipigilan yan?" tanong ko.
"Hindi talaga anak eh." sabi ni Mama.
"Ma, paano si kath?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam Anak eh. mas mabuti pang kausapin mo si Kath." sabi ni Mama.
"Eh ano naman ang sasabihin ko?" tanong ko.
Ayun!
Binatukan pa ako ni Mama!
"Ma! Masakit yun ah!" sabi ko kay mama.
"Hindi mo talaga ginagamit ang utak mo Daniel." sabi ni Mama.
"Bakit ba?" tanong ko.
"Hindi mo ba naiisip, ikakasal ka na Next Month Daniel at may girlfiriend ka." sabi ni mama.
"Ano ang gusto nyong palabasin ma?! Na hiwalayan ko si Kath! HINDING-HINDI KO HIHIWALAYAN SI KATH! MAMATAY MUNA AKO BAGO MANGYARE YON!" sigaw ko.
"Daniel!!! Hindi ka ba talaga nag-iisip?!" Bulyaw ni Mama sa akin
"MA NAMAN! ALAM NYO NAMANG MAHAL NA MAHAL KO SI KATH! BAKIT KO SYA HIHIWALAYAN?! MA NAMAN! ANG HIRAP NAMAN NG PINAGAGAWA NYO EH!" sabi ko kay Mama.
"Pero anak."
"Walang pero-pero ma. Hindi ko hihiwalayan si Kath." sabi ko kay Mama.
Biglang pumapasok si Papa sa loob ng kwarto ko.
"Gusto mo pa bang makitang buhay si Kathryn Bernardo Daniel?" sabi ni Papa. Tumango naman ako.
"Pwes, hiwalayan mo sya. Ikakasal ka kay Zharm Arriola ng hindi mo na kasintahan si Kathryn Bernardo. Tapos ang usapan." sabi ni papa sabay labas.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.
Sabihin nyong nanaginip lang ako.
Kinurot ko ang sarili ko.
"Aray.." sabi ko.
Hindi ako nanaginip.
Totoo ang lahat.
Ibig sabihin kailangan kong hiwalayan ko si Kath?
Hindi pwede.
Mahal ko si Kath.
Mahal na mahal.
"Daniel, tama na anak." sabi ni mama.
"Ma naman, ang hirap ng pinapagawa ni papa." sabi ni Mama.
"Anak..." - mama.
"Ma, kung hindi lang buhay ni Kath ang kapalit, handa po akong makipagpatayan sa lahat. Handa akong sumugod kahit isang batalyon ang kalaban, Ganun ko kamahal si Kath ma."
BINABASA MO ANG
Basta na lang (KathNiel Fanfic) (Editing) (Completed)
FanfictionIsang babaeng Kathryn Bernardo ang nakakilala sa isang lalaking nagngangalang Daniel Padilla ng BASTA NA LANG. Do you think there is a possibility na mahulog sila sa isa't isa? Pero how if pag nahulog na sila sa isa't isa eh may mga humadlang? Malal...