I K A T L O

5 0 0
                                    


"Tama na!"


Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga ko. Kasunod ng sigaw na iyon ay ang paghahabol ko ng hininga, ganoon na rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang matinding takot na 'to. 


"Masyado ba 'kong maingay?", naramdaman ko ang pagkalma ng katawan ko nang marinig ko ang boses na iyon.

Isa itong mala-anghel na tinig, at agad nitong kinuha ng atensyon ko. I really like hearing his voice every morning, for the past four years, ang presensya niya ang nagpapaalala ng bagong buhay na mayroon ako. 

Nilingon ko siya at pinagmasdan habang ni-re-refill-an niya ng tubig ang basong nasa bedside table ko. Kahit pa madilim sa kwarto ko, naaaninag ko ang pigura niya, ang matangkad at matipuno niyang katawan. I can see that he's taking care of himself, and I'm happy to know that.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. "Hindi, okay lang. I just had a bad dream." , sambit ko kasunod ang isang pilit na ngiti. Isang matipid na ngiti rin ang gumuhit sa mga mapupula niyang labi. His amber brown eyes are looking at me with concern. 

"Hindi pa rin nawawala 'yang mga panaginip mo, no?" tanong niya sabay abot sa akin ng gamot at isang baso ng tubig.

"Yeah. I was just hoping to get a good night sleep kagabi. Well, mawawala rin 'to...",  I calmly said, at kinuha ang gamot mula sa kanya. I blankly stared at my anti-depressant pill. "Eventually.", kasunod ng isang buntong hininga ay tuluyan ko nang ininom ang tableta. 

"Salamat.", mahina kong sambit. 

"Walang kaso basta ikaw.", isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin, and I smiled co'z of that.  Kinuha niya mula sa kamay ko ang baso at inayos iyon sa tray na nakapatong sa bedside table ko. "Baka gusto mong dalhin iyang buhok mo sa salon mamaya, papaayos lang natin.", pabiro niyang sabi and then he chuckled.  

Bigla naman akong na-concious at kinapa ang dulo ng buhok ko. Sobrang iksi pala ng ginupit ko. Well, this could be for the better. "I would love to go there basta sasamahan mo 'ko.", nakangiting sagot ko sa kanya. Isang tango naman ang sinagot niya sa akin. 

"Happy Birthday.", he calmly but happily said, kasunod ng isang yakap. 

"Thank you.", I replied, at naramdaman ko ang unti-unti pagkalas ng yakap niya. Pinanood ko siyang ayusin ang mga bagay na nakalagay sa tray at bitbitin iyon palabas ng kwarto. 


"I know na gusto mong nandito lang sa kwarto mo kapag birthday mo, but I hope you can go out for a little. I prepared something.", he said as he slowly walks toward the door. 


"Jared.", tawag ko sa kanya. Nakita ko naman siyang huminto. "Can you open the blinds for me? This room could use some sunlight.", pakisuyo ko.


Masigla namang lumingon sa akin si Jared, at nanlalaki ang mga mata na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Isang malaking ngiti ang  gumuhit sa mga labi niya. 

For the past years, I have kept this room locked away. Hindi ko gustong binubuksan ang bintana ko, I feel strange, and I don't know the reason for that. I am used to the dark na hindi ko na kinailangan at ginustong maliwanagan ang silid na 'to. 


"Owemji, ate, of course I'll do it!", he said excitedly, at agad-agad niyang ipinatong ang tray na bitbit niya, sabay lakad sa may bintana. "You never let me or mom open this. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo."

 I watched him as he slowly lift the blinds, at unti-unting hinalikan ng liwanag ang buong kwarto ko. For a moment, it felt magical. I can see the green lily color of my bedroom wall, nandito rin ang moon-shaped clock na ginawa ko. Ang mga polaroid na isinabit namin si Jared sa kwarto ko, kasama si mama at mga friends ko, just some of the memories that we created and I treasured. Looking at how many pictures there are, pakiramdam ko, ang tanga-tanga ko for not appreciating this life, and for chasing after my past. 

Hindi naman masama ang bago kong buhay, kung ano man ang nasa nakaraan ko, it is probably forgotten for a reason. I have decided na, simula sa oras na 'to, I'll pay more attention sa bagong buhay na nabuo ko kasama ang little brother ko at si mama, ganoon na rin ang pagkakaibigang nabuo ko at nanatili sa loob ng apat na taon. I guess, I'm not that unfortunate.


"I'm happy to see you smiling, ate.", dinig kong sambit ni Jared na nakapag pabalik naman sa akin sa reyalidad. I turn to him. "Ako rin.", I softly said. 

Inunat ko ang katawan ko. "I guess you should leave para I can get ready na.", pabiro kong sabi. 

"Ito naman, pinalayas ako. I'll see you outside.", sagot naman niya at tuluyan nang umalis sa kwarto ko. 


"Moew.", nilingon ko naman ang pusang nasa tabi ko. I didn't realize that he's there since earlier. 

"Hello, Shadow.", tawag ko sa pangalan niya at tsaka hinimas ang ulo at katawan niya. Ang lambot ng balahibo niya. He's a black Persian cat, at I'm so glad that Jared is with me, siya ang nag-alaga kay Shadow sa mga araw na hindi ko kayang bumangon sa higaan ko. Siya rin ang palaging naglilinis ng kwarto ko. He keeps my life in order. 

'I might be too much to handle'


*chimes*


Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng tunog na iyon. Natagpuan ko ang cellphone ko sa bedside table, at dinampot 'yon. I pressed the button at the side of the device, and it lit up, bumungad sa akin ang isang notification. 


'Installation Complete'







I am His BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon