I K A P I T O

2 0 0
                                    


Masaya ako na sinamahan ako ni Jared maglakad. Sa tuwing nagbi-birthday ako, pumupunta kami sa isang parke malapit dito, kakain ng ice cream, tutulala o magke-kwentuhan. 


"Kailan kaya uuwi si Mama?", tanong ko kay Jared habang deretsong nakatingin sa daan. 

"Alam kong sa susunod na linggo na rin. May kailangan lang siyang asikasuhin.", sagot naman niya sa akin. 

Iginala ko ang mata ko sa paligid. Tahimik ang gabi, at kami lang ni Jared ang tao sa kalsada. Nakakatuwang makita ang iilang malalaking puno at mga halaman sa iba't ibang bahay na nadaraanan namin. Maliban sa mga streetlights, nagbibigay liwanag din ang bilog na buwan  at mga nagkalat na bituin sa langit. 

'Ang daming nangyari sa araw na 'to.'


Pinilit kong kalimutan ang tawag na natanggap ko kagabi ngunit paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang pangalang 'Flaire'. I tried not to pay attention but it bothers me. Simula kagabi, pakiramdam ko palagi akong binabangungot pero hindi ko maaalala ang laman ng panaginip ko. 


Kahit papaano masaya akong nabawi namin ang sigla ng gabing ito after kong nahimatay kanina dahil sa Pyrophobia, nagsimula ito  four years ago, noong nadatnan naming nasusunog ang luma naming bahay at kagagaling lang namin sa hospital noon matapos kong magpagamot mula sa aksidenteng nangyari sa akin. Pakiramdam ko, ninakaw ng sunog na iyon ang lahat ng pagkatao ko, kasabay ng pag-upos niya sa bahay namin at sa mga ala-ala ng nakaraan ko. Wala akong larawan, dokumento, o kahit anong memorabilya. Lahat natupok ng apoy. 


"Mukhang malalim ang iniisip mo a."


Napatingin ako kay Jared na nakatingin din sa akin. "Nag-iisip lang ako kung anong flavor ng ice cream ang bibilhin ko.", pabirong sagot  ko naman at mahinang tumawa. Malaking ngiti naman ang tinugon niya sa akin. 


Isang buntong hininga ang pinakawalan ko, at muling itinuon ang atensyon ko sa daan. 


Malapit na kaming makalabas sa subdivision at nakapako ang paningin ko sa tahimik na kalsada. Walang sasakyan na dumadaan. 

Maya-maya pa ay isang jeep ang huminto sa harapan namin, at isang babaeng may maiksi at makintab na bistida  ang  bumaba mula roon. Pinagmasdan ko ang galaw niya at napansin kong pagewang-gewang siya kung maglakad,  sabayan pa noon ang mataas na sapatos na suot niya, about 3-inches heel. She looks drunk and disoriented. Tuloy-tuloy lang ang lakad niya and she's paying no attention to her surroundings. Few feet away from the subdivision kung nasaan kami ni Jared, ay bigla naman siyang natumba. 

Kahit pa walang sasakyan na dumadaan, delikado pa rin siya sa puwesto niya ron. 

Natataranta kong nilingon ko ang kapatid ko para tignan kung nakita niya ang nakita ko ngunit abala siya sa telepono at parang may kausap. Muli kong tinuon ang atensyon ko sa kalsada at nag-aalala kong tinignan ang babae.   Nasa gitna pa rin siya at hirap sa pagtayo, bakas din sa mukha niya ang sakit na nararamdaman. 

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong dumudugo ang bukong-bukong niya, hindi ako sigurado pero parang nakausli na ang buto niya.

Hindi ako nakaiwas ng tingin nang sa unang pagkakataon ay tinitigan ako ng malalamlam niyang mga mata. Walang tinig niyang binitawan ang salitang 'tulong' at nagmamakaawa niya akong pinagmamasdan.


'Kailangan ko siyang tulungan!'


Muli kong tinignan ang kapatid ko at nakatalikod na siya sa akin. Wala na akong oras para kunin pa ang atensyon niya.  Agad ko ibinalik ang tingin ko sa kalsada at natataranta kong inihakbang ang mga paa ko papunta sa kinasasadlakan ng kawawang babae. Ilang hakbang na lamang ang layo sa kalsada nang biglang isang puting sasakyan ang parang kidlat na dumaan sa harapan ko!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I am His BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon