*chimes*
*chimes*
*chimes*
*chimes*
*chimes*
*chimes*
Binuksan ni Penelope ang mata niya nang marinig ang paulit-ulit na ingay mula sa notification sound ng phone niya. Nababalot ng dilim ang buong paligid, at walang ni-isang ingay ang umabot sa pandinig niya maliban sa mabagal niyang paghinga.
'Nasaan ako?'
Agad siyang napabalikwas ng bangon, puno ng pagtataka. Iginala niya ang mga mata niya sa paligid, sinusubukang makahanap ng pamilyar na bagay sa kabila ng kakaibang nararamdaman niya sa lugar na ito.
Isang buntong hininga ang pinakawalan niya nang makita ang ilaw mula sa isang orasan na hugis buwan na nasa kabilang bahagi ng silid, isa iyon sa mga gawa ni Penelope. Kinapa niya ang nasa paligid niya at agad na naramdaman ng mga palad niya ang malambot na kama.
Tumitig siya sa kawalan, inaantay ang paningin niya na makiayon sa dilim ng paligid. Magaan sa pakiramdam niyang malaman na nandito siya sa kwarto niya.
*chimes*
*chimes*
Ayon na naman ang notification sound. Agad niyang hinanap kung nasaan nanggagaling ang ingay at natagpuan niya ang phone sa ibabaw ng bedside table. Kung saan lagi itong nakalagay.
Walang pag-aatubili niyang dinampot iyon, at binasa ang nasa screen.
'Meraki has been updated'
'Meraki has been updated'
'Meraki has been updated'
'Meraki has been updated'
'You have unread message'
'You have unread message'
'You have unread message'
Hindi siya sigurado kung anong nangyari, kung ano ang Meraki, kung sino ang maaaring nagpadalala sa kanya ng mensahe, at kung bakit ang dami nito na para bang pilit kinukuha ang atensyon niya.
Pinindot ni Penelope ang kanyang 'unread messages', galing ito sa isang unknown number.
"Flaire", wala sa sarili niyang pagbabasa. Misteryo pa rin sa kanya ang pangalan na iyon, maging ang tawag na nakuha niya mula sa isang unknow number.
Sinimulan niyang tipain ang screen, 'Wrong number po.'. Bago pa man niya mapindot ang 'send', ilang mensahe na naman ang dumating.
'Nahanap na kita, mahal ko.'
May kakaiba sa mga salitang iyon na nagdala ng kilabot sa buong katawan niya. Hindi pa man siya nagsisimulang pumindot muli, isang mensahe na naman ang pinadala, mali, sa pagkakataong ito, maraming mensahe, pauli-ulit na pangalan.
'Flaire'
'Flaire'
BINABASA MO ANG
I am His Book
Mystery / ThrillerAfter an accident, Penelope lost her memory. For 4 years, she's been running away from her forgotten past. And as she was about to move on, it began hunting her. In a written form.