Gusto kita...
Pero may gusto muna akong abutin,
uunahin na muna ang sarili,
kailangan ko munang patunayan
na kaya ko-magpapatuloy na muna
sa hakbang na aking sinimulan.Gusto kong manatili na muna rito,
na katulad ng pagtanaw ko
sa papalubog na araw,
na balang araw ay magaganap din.Oo,
gusto kita...Pero kailangan kong unahin
ang aking mga pangarap;
pangarap din kita,
ikaw ang pinakamaganda sa lahat-
hayaan mong ika'y tignan sa malayo,
na gaya ng nakasanayan kong
paghagilap sa buwan sa tuwing
dumidilim ang paligid ko.Hayaan mong parati kang masilayan,
ika'y natatangi sa kalawakan,
ikaw ang aking buwan.Sigurado akong
gusto kita...Kaya paglalaanan ko ng oras
itong paghahanda, hindi pa yata
ito ang tamang panahon;
ngunit habang tumatakbo ang oras,
batid kong sa 'yo ako patutungo.Ikaw ang dulo nitong daang
tinatahak ko;Kaya sana pagdating ng araw,
sana'y masilayan pa.Sana kapag naabot ko na ang lahat,
ay nariyan ka pa.Ngunit walang problema kung hindi man,
tatanggaping buo kahit hindi na.
batid ko ang pagbabago ng oras,
hindi lang naman ako ang mundo
na iyong madadanas.Pero kung sa dilim na siyang
aking nilalakaran ay siya naman
ikaw ang nasa liwanag,
ngunit ibang liwanag na taglay na
hindi nagmumula sa akin.Batid ko ang pagbabago ng
panahon, na hindi lamang ako
ang liwanag na kailangan mo.Gusto kita...
Ngunit mas nararapat ang
pinakamabuti para sa iyo..
YOU ARE READING
Mga Tula at Akala
Poetrydumating at nagsilipas ang mga panahon. mga salita't pariralang bumabagabag sa isip, hanggang kailan mamumutawi. huwag nawang pakinggan, mga sigaw ng pagkikimkim.