Chapter 1
"Haaay, ayan ka na naman. Ba't mo ba kasi inuubos yang oras mo para jan sa lalaking yan?" Tanong ko kay Anj.
"Masama bang magkainspirasyon?" sagot sa akin ni Anj na nakatingin pa rin sa mga nagbabasketball.
"Alam mo, kung sana yang inspirasyon na yan e hindi nakakasagabal sa report natin edi effective yan. Napupunta sa negative yan e. Imbes na nagcoconcentrate ka na lang sana dito sa ginagawa natin e NGANGA ka lang jan."
"Hmm~ Parang ito naman hindi nagkakacrush!"
"Nagkakacrush nga ako hindi kasing adik tulad ng iyo. Isulat mo nga 'tong part na 'to."
"Wushuu~ Charotera ka. Naging top 1 lang kinareer na, hindi ka naman ganyan dati. May landi ka rin sa katawan." Pangangasar nya sa akin, pero hindi ko na lang sya pinansin at tumuloy sa pagugupit ng visual aids.
"Alam ko na, hahanapan kita ng lalaki. Para may inspiration ka naman. Ang tagal mo ng hindi lumalandi e. Kaya ka ganyan magsalita." Tumawa sya at tumayo.
"Bahala ka." umiling ako at nagpatuloy sa pagupit.
"Ayun! Ayun feeling ko type mo yun." sabay turo sa lalaking bumibili ng C2.
"Yan? Di ko type yan masyadong maliit?" tinignan ko ang tinutukoy nya. Ayoko, di ko type.
Umiling sya at tumingin ulit sya sa paligid. May nakita na naman sya. "Hmmm, ayun kaya yung maputing singkit!"
"Bakla ata yan!" mabilis kong sagot. Nasasagap kasi sya ng gaydar ko e.
"Ang choosy naman nito. Yun na lang kaya yung may salamin." Turo nya.
"Ayoko jan, bad breath!" ang bad breath naman talaga nya e. Di sya gwapo. -.-
"Ang taas ng standards mo! E, ang aayos na nga ng matinuro ko e." Umupo sya ulit at sinipsip ang dutch mill na iniinom nya.
"Just give it up girl. Humanap ka ng lalaking may acronym na F.A.I.L. ang pangalan, ayun sureball!" sabay ngiting aso.
"Niloloko mo ba ako babae ka?" Tinaasan nya ako ng kilay.
"Malay mo!" sabi ko. Bahala sya, ayoko muna siguro makganun-ganun. Sana naman hindi nya seryosohin.
"Hmm, charotera ka lang."
"Bahala ka na nga tapusin na lang natin 'tong ginagawa natin" nagpatuloy ako sa pagupit ng visual aids. BTW nasa canteen po pala kami, at malapit lang ito sa gym. Kaya tanaw na tanaw naming dito ang mga nagbabasketball.
Oo nga pala nakalimutan ko bang sabihin ang pangalan ko? Ako pala si Jar Alexine Mardovio. Just call me JAM kahit di nyo tinatanong at kahit na wala kayong pakelam.