Chapter 3
Monday.
“Teeeh! Ano brand ng Sanitary Napkin mo?”
“Wow, Ang gandang panimula ng chapter 3 ha.”
“Kasi naman dinudugo yung ilong ko. Ask ko lang baka pwede kong gamitin sa ilong ko. Baka kasi hindi hiyang sa akin.”
At iyan na naman po si Anj. Sasabihin ko pa ba? Syempre nakakakita nanaman sya ng mga gwapo “daw” at iba pa nyang crush. Ewan ko din dito sa babaeng ‘to basta gwapo crush agad. Agad-agad?
“Tara na nga pumunta na tayo sa gym malate pa tayo sa morning assembly. Masermonan nanaman tayo ni Sir.”
“Pa-GOOD girl ka?”
“Bahala ka na nga jan.” tumalikod ako at iniwan si Anj. May sariling mundo e.
“Oyy wait lang.”
“Halika na kasi!” baliw ‘to.
Nang nasa pila na kami. Ang ingay-ingay nila. Hay nako mga babaeng ‘to talaga.
“Ay oo! Grabe ang gwapo talaga ni Mario Maurer no?” sabi ni Anj.
“OO NGAAAAA!” sagot ko naman.
“Parang naka-ON ata yang landi mode mo.”
“Mahirap na. Baka sumabog na lang ako bigla”
“HAHAHAH!”
Nagsimula na ang morning assembly. At nakapila na kami. Pilit ko syang hinahanap. Badtreep lang di ko sya Makita. Pero masisi nyo ba ako? E, ang dami naming dito.
Mission Failed. Natapos na ang assembly. WALEY di ko sya nahanap.
Bumalik na kami sa classroom. Haaay. Pano ko naman daw ‘to mababalik?
Matatapos na ang araw wala pa rin. Where in the world can I find him?
*LightBulb!*
“Tara, punta tayong canteen!”
“At bakit mo gusto pumunta din aber?”
Huuuh?
Ano kaya pwede sabihin ko?
“Bibili ako shake. Libre kita?”
“Libre? SIGE SIGE!”
“Anong libre ang naririnig ko dito?”
“Kaya nga sama kami.”
Mga lecheng kaibigan narinig pa kasi nila. Mawawalan pa ako ng datuung.
Pumunta na kaming canteen. Sakto may practice ang mga basketball players. Dinala ko na rin yung jacket. Oyy wag kayong echosero. Hindi ko yun suot ha.
“Salamat talaga Jam. Ano nakain mo?”
“Wala. Trip ko lang. Bawal bang bumait?”
“Mabait o may gusto Makita?”
“Gusto mo mapektusan? Ikaw na nga ‘tong nilibre e.”
“Okay.”
Nganga sya. Ang dami kasing alam nitong mga kaibigan ko. Sarap nila paguuntugin sabay-sabay back and forth.
Nakaka30-minutes na rin kami dito ha. Wala pa rin. Sheet lang.
Hanggang sa mag-uwian na.
K. Hindi ko talaga siya nakita.
Sumakay na ako ng jeep papuntang bahay.
Bumaba na ako ng jeep. And guess whut? Natalsikan pa akong lintek na PUTEK! Wait rhyme yun. XD
PWEEE! KADIRI. ANG PANGIT NG LASA. CHOCOLATE FLAVORED TAE . WOO YUMMY. NUTELLA. SHETTT. LIBRE LIGO.
AFSAJKHDHDNSFBPSIHD!!
PAKKK.
“LINTEK NA! HOOY BUMALIK KAYO DITO!” t(-o-)t
“Jam, okay ka lang?” tumalikod ako para Makita kung sino ang nagsasalita.
“HUUUUUUH?”
Sino ang lalaking ito?