Chapter 4
TOTOO BA ‘TONG NAKIKITA KO?!
*choinks!* Sinampal ko sarili ko upang malaman kung gising ba ako o hindi?
“Gusto mo sampalin din kita?HAHHAHAHAHAHAH Jam nakita mo na ba yang pagmumukha mo?”
*PAK!*
AT OPO, SINAMPAL AKO NG LECHUGAS NA LALAKING ‘TO. Literalan ang peg eh.
WAITawat, sino sa tingin nyo itong nilalang na ‘to? Si kwek-kwek?
Bumaba lang ng Jeep at natalsikan ng putek, pagkatalikod na, si kwek-kwek agad? E diba hindi pa nga niya alam pangalan ko? Tapos magkakainlaban kami, mag aaway, babalik ang ex, magkakabalikan, malalamang magkapatid pala kami tas may shunga-shungang kontrabidang sumulpot pagkatapos nun dinakip kami at nagkaroon ng action sa walang kwentang istorya na 'to tas nabaril sa kanang braso si kwek-kwek, umutot at namatay tas sa huli na laman na magkaiba pala kami ng DNA tas may bagong lalaking susulpot at ANO?! happy ending? Malay niyo epal lang character niya dito at ang lalaking nasa harap ko talaga ang bida? Pero di mangyayari yun. (A/N: SABOG PO KAMI SALAMAT)
AYY PUTEK!!
Teleserye na inextend ng 500 times ang peg?! El Charaughteras de Amigos! ‘di ba pwedeng old friend muna ang nakita?
Matagal ko na sya ‘di nakikita o nakakausap eh. Si Joshin, mukhang Hapon na tinae ng kalabaw na tinibuan ng mukha na may sugat na may nana sa ilong. Dejk. Bitter ako eh. First lababo ko yun eh, kaso may bumunot ng landi sa katawan ko kaya ‘di na. Nagayuma ata ako eh nakaapak ako ng limang litro ng tae noon eh tas hindi ako nagtabi-tabi po. LMAO
“HOY MUD MAN. Ang pangit mo talaga. Magbihis ka nga. Punta ka sa bahay mamaya!”
MUD MAN? AKO? SDFGHJ.Ay hindi siya?! Siya yung natalsikan ng putek siya yung bidang kanina pagnake-kwento dito. *Pektus sa sarili*
“HOY HENTAI. Bakit ako pupuntang bahay nyo, ok? Ano ka, chics? Mag aaral pa akooo~ Sino ka ba ha?” Sabay walk out. Pero deep inside nagwawala na ang internal organs ko na dati'y natutulog dahil nakita ko nanaman siya. Wag niyong sabihin meron pa rin !?HINDI WALA! WALA NA! Hindi ko na siya krass.
Alam ko na eh, natatae lang talaga ako. Ganto pakiramdam ko sa tuwing natatae ako eh. Pasinsya? Pero pupunta talaga ako noh, sayang chibog~
Aju. Aju.
Bweset. ‘di ganito ang ineexpect kong pagkikita namin. CHURA KO NAMAN OHH!!
Naglalakad na putekk.Potapeteng jeepney driver.ISUMBONG SA DEPED.
KJSDHJKBSDBVJ. Ay wait? Bakit DepEd? *facepalm*
Imagine, 2 years kong hindi nakita tapos ganun batian namin at ganito 'fashion' ko?
Suwiiiit!
Wala man lang hug? Hawahawaan din ng kamalasaaan.
O kahit “Binilhan kita ng muraming Hershey’s.” blablabla? Shemays.
Hayyy. Keribels langs~ It’s normal sa amin po. xDD
Uwi muna aketch sa bahay~ NATATE NA AKO. ANG DAMI KO INIISIP.
*Skemberluuush*
"ANG BAHO!" Napatingin siya sakin. Oo ganito (OoO) dahil sa lakas at bagsik ng utot ko.
Ngumiti na lang ako at nagblinkblink na parang nagpapacute.
----------
“MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!”
SA WAKAS ANAK NG TINAPANG JIASHUAI NASA BAHAY NA AKO. MALALABAS KO NA ANG DAPAT ILABAS.
Tumakbo si mama para salubungin ko. Mukhang natataranta, “Oh. Bakit? Bakit? Ok ka laaang? Nangyare sayoo?”
“Wait MA, kalma please. Ok lang ako. Ligo ligo lang.” Sabay tawa. Eeeeh. Nakakahyper lang tologo si Joshin.
“Ma, dali!! Fast moves. Prepare ka pangAdoboooo! Dali.” Inakbayan ko si mama papuntang kusina, mabilis ang paglakad ko kaya hirap na hirap sya sumabay. HAHA. Ang kyot ni mamay. Rorsh.
“Hoy bata ka. Bakit biglang Adobo ang naisipan mo? Buntis ka? Naglilihi ka? Pogi ba ang ama? Ang landi mong bata ka. Anu sasabihin ng mga amiga ko? Ako na yata ang pinakafresh na lola.”
*bleeeeeeeeeeeeeeeergh*
*blaaaaaaagghhh*
“MA!! LAST NA JOKE NA YAN AH? OMYGAWWWWD. KADIRI. MA!! BAKIT KA GANYAN? ASaDaFaGaHaJaKaLaa!!”
“At mas malala pa ang nangyari!! Andyan si Joshin, ma! Andyan na syaaa!” Pagpapatuloy ko. xD Hyper much tologo~
“Alam ko. Kami nga sumundo dyan kahapon eh. Huli ka na sa balita!”
Ah? Eh? Ih? Oh? Uh?
HANUUUDAW?
“Why oh why mother? Why didn’t you tell me?!” BAKIIIT? Nasaan ako nun?
“Sinabi ko.”
“Kailan?’
“Kahapon.”
“Hindi kaya.” Ako pa lolokohin mo. -.-
“OO. Kaso nakaearphones ka!”
“Bakit hindi mo tinanggal?” Eehh. Pwede naman kasi eh.
“Tinanggal ko. Ayy apo, juskolord!! Kaso lutang utak mo nung kinakausap kita. Pasok sa kanan na tenga, labas sa kaliwa. Tango ka lang ng tango.”
OWSSS? Imposible. Ngunit wait, may naaalala akong ganun na scenario.
Totoo ring lutang utak ko nun, ganyan talaga pagnakahigh sa music. Eish.
“Hindi mo tinry uli? ]:” Sabi ko na pabebe voice. Saang planeta ba kasi ako galing at 24 hours delay ang narereceive kong info. Jujuju. :’( Sana nasalubong ko man lang si bestfriend sa airport.
“Umakyat ako sa kwarto mo kaso napakalaking sign na ‘DO NOT DISTURB. THE GENIUS IS BUSY’.”
ASDFGHJK. Trulala again. Bakit ganun? Yung signboard ko naging korny nung si mama ang nagsabi. Wagas naman kasi makaemphasis.
"Ambaho mo. Saang imburnal ka ba naligo, ha bata ka?!" AHFSGKBCIU. Love you ma! -.-
"Sigi ma, tatae na rin ako para double combo." (^.^)v V-sign ko sabay takbo papuntang CR.
*BOOM*
*BOOM*
*EKLAVU*
*SHERVALERS*
Nangyari na ang dapat mangyari. Naligo na ako. Kuskos dito, kuskos dun. Kuskos everywhere. Kadiri talaga. Ok lang sana kung paa ko lang natalsikan eh, head to toe ba naman. ADKSJJBSDJ. Whyyy. 'tas nakipagchikahan pa ako kay mother dear, mas malagkit na ang dumi dumi ng feeling. Ughh. Imburnal ngaaa.
Binalikan ko siya sa kusina, nakaluto na pala sya ng Adobo dahil ipinagpaalam na ako ni Joshin kanina pa.
Peborit nya yun ehh.
Kinuha ko na ang Adobo at naglakad papunta sa kanila. Parang 7 na bahay ata ang layo namin. Hindi ko sure. Busta, malapit lungs~
Sa tapat ng pinto nila~
*KNOCK KNOCK*