Chapter 2
Hanggang sa naguwian na kami, at alamang sa malamang suot-suot ko pa rin yung jacket. Naisip ko na lang sa huli pano ko isasauli yung jacket?
E hindi ko nga sya, kilala.. I mean hindi ko alam pangalan nya anong level sya. Haay bahala na si Batman, Daniel Padilla. Charaught!
Friday kasi, pano ko ibibigay bukas e sabado nga? HAY ANG LAKI NG PROBLEMA KO!
“Gusto nyo manuod ng movie?” tanong ni Anj.
“Wait..wait..wait. Anong Movie yang tinutukoy mo Aiyana Nyree Jupps. Kung wala kang magawang mabuti, wag mo na lang gawin.”
“Oo nga baka puro SPG lang yan.”
“Sa mukha mo pa lang!. TSKTSK Mahirap na, baka mawala ang virginity ng mga mata namin!”
“Mga CHAROTERA KAYO!” sabay pektus sa aming lahat.
“Sa mga pinagsasabi nyo para namang over over ako. Aaaaraaay! Aaaaray! The way na sinabi nyo ng lahat yan sa akin MASAKIT!” pagdadrama nitong si Anj.
“Makinig muna kasi kayo sa akin. Yung ate ko kasi may biniling CD. Alam nyo yung A Crazy Little Thing Called Love?”
“Huuh, Ano yung kanta?”
“Teeh, SHUNGA KA? Thai Movie yun.”
“Aah. Okay. So ano naman yun?”
“Basta over-over nakakakilig sya!! Di ako makaget-oveer. Ang gwapo ni Marioooo!”
“Hmmm, mukang maganda yan ha. Sama ako!”
“Sige.. sige sama ako!”
Ano bay an imbes na uumuwi na lang sana ako ang dami pa nilang alam gawin.
“Pssh, di muna ako sasama. Gusto ko tapusin ‘tong report.” tumingin sila lahat sa akin ng masama.
“ANO BA? Ba’t ang KJ mo ha? E Friday naman ngayon, wala namang pasok bukas.”
“Wala kasi ako sa mood e.” sagot ko.
“Chix ka? Sasama ka samin.”
“Baka naman gusto mo lang singhot-singhotin yang jacket kaya ayaw mo sumama samin. kadiri kaa!” sabi ni Anj.
“Langya ka! Hindi noh!”
“Baka kukulamin mo yung guy na nagbigay sayo nyan.”
“Take note hindi nya binigay sakin ‘to pinahiram nya PO. Tsaka, over kukulamin AGAD-AGAD? Di ko pa nga alam yung pangalan ng tao e.”
“Wushuu~” sabay kuha ng jacket at itatapon na sana sa basurahan.
“Hoooy! Anong gagawin nyo jan? Ba’t nyo itatapon? Mga loka-loka! Amin na!!”
“Sasama ka o sasama ka?”
“PAKYU!”
“ANO?”
“Waiiiiit!” pababa na ng pababa.
“Sige na nga mga PUNYETANG KAIBIGAN!”
“Good!”
Takte, nahila pa ako sa mga kalokohan nila. Yan tuloy. Tsk. Ang bango talaga ng jacket. Haaay Ay shet na dulas utak ko. Sorry.