Paunang Echos

715 17 0
                                    

Ako si Jose Marie Viceral kilala ako sa tawag na Vice dahil daw sa Apilyido kong Viceral. Ako ay isang architect di ako kagwapuhan tulad ng iba di rin makinis ang mukha ko. Na bu-bully din ako dahil ang baduy daw ng fashion statement ko.

Kimpi hair, Naka salamin, May braces, Madaming pimples at black heads, Laging naka long sleeves,Straight cut na pantalon, At leather shoes. Yan ang palaging porma ko kaya nasasabihan akong baduy. Pero wala akong pake kasi sabi ni nanay pogi daw ako.

Pero sa kabila ng mga ito ay may mga kaibigan pa rin ako na di ako iniiwan kahit na ganto ako.

Sila si Buern Rodriguez, Archie Valencia, Matt Gozun, Jake Galvez,Vhong Navarro, Aaron Mangsat, Billy Crawford.

Sila talaga ang matatawag kong tunay na kaibigan Mag kakakilala na kami simula ng elementary. Kaya kilalang-kilala na namin ang isat isa.

Meron nga pala akong crush Fan niya din ako. Magaling kasi siyang artista, host at singer. Gandang ganda ako sakanya kasi mabait siya kahit di ko pa siya kilalang-kilala.

Alam din to ng mga kaibigan ko. Lagi akong pumupunta sa mga mall shows niya. Nanonood din ako ng concerts niya. Binibili ko mga album niya. Kase taga hanga niya ako.Humahanga ako sa kanya. Siya si KARYLLE TATLONGHARI

Lagi kong pinag dadasal na sana mapansin niya ako. Pero sabi ng mga kaibigan ko malabo daw mangyare yun. Pero di ako maniniwala sa kanila mapapansin niya ko sa tamang panahon tiwala lang.

Nasa bahay ako nga yon nag la-laptop ako tinitignan ko facebook niya, Tweets niya sa twitter at bagong picture niya sa instagram.

Scroll scroll scroll

"Pano kaya niya ko mapapansin?" Sabi ko sa sarili ko

Nakita ko ang bagong post ni Jan Stephen na Dubsmash niya ng 'twerk it like miley'. Ang gwapo niya "Siguro kung ganito ako ka gwapo hindi na ko maiinsicure sa kanya.Pero gwapo naman ako e, Sabi ni nanay." sabi ko sa sarili ko. Habang naka ngiti.

Nag post ako ng picture ni Karylle sa Facebook ko. Ang nilagay kong caption "Goodnight @anakarylle Sweet dreams ♡"

"Sana mabasa niya yung tweet ko. Matutulog na ko kasi pupunta pa ko bukas sa mall show niya sa Trinoma, may album signing kase siya dun" parang baliw kong sabi sa sarili ko sabay ngiti na parang kinikilig. Lakas talaga ng tama neto pshh.

Kinuha ko muna ang album niya na kakabili ko pa lang kanina at hinalikan. Tas sinabi ko "I love you K." Yhieee Owmaygad kinikilig ako. Tss harot mo Vice promise.

Tulog na ko.

ZZzzz..

KARYLLE

Kauuwi ko lang galing sa Taping. Pag ka pasok ko sa kwarto ng condo ko humiga ako ng pabagsak dahil sa pagod.

"Haaaay kapagod. Pero masaya." Sabi ko

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko tinignan ko ang notifications ang dami. Sa facebook twitter at Ig.Tinignan ko sa facebook halos puro likes at shares lang naman ang notif ko.

Pero nakita ko na nag post nanaman si Jose Marie Viceral ng picture ko dahil naka tag ako. Napangiti ako dahil nag post nanaman siya ng picture ko at napangiti ako sa caption niya.

Actually lagi ko siyang napapansin pero di ko pa nakikita picture niya.Wala akong nakitang picture niya sa facebook niya. Nakakapagtaka pero Nag popost siya ng pictures ko pero di niya ko minemessage katulad ng iba kong fans na sobrang kulit. Pero nakakatuwa naman. Gusto ko siyang makilala parang ang ganda ng personality niya. Tinignan ko ang timeline niya.

LIKE TOTALLY (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon