Pan sampung Echos

297 14 4
                                    

Karylle

Nagising ako ng 8:36 A.M ang aga pa pala. WAIT WHAAAT!? Tinignan ko ulit ang orasan 8:37 A.M na, agad agad akong naligo dahil may calltime akong 10:30 A.M pagkatapos ko maligo naghanap kaagad ako ng isususot ko. Pinili ko nalang ay cocktail dress na light blue at simpleng heels. Wala na kasi akong oras para pumili pa ng iba dahil male-late na talaga ako, kinuha ko yung cellphone ko then ni lock ko na yung pinto ng condo ko at umalis na.

Pagkababa ko nakita ko ang driver ko na nag kakape at mukhang inaantay ako. Pagkakita niya sakin ay agad niya kong binati at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkapasok ko umupo na din siya sa driver seat.

"Mukhang na late kayo ng gising ma'am ah." Sabi sakin ng driver ko at pinaandar na ang kotse.

"Oo e, halos madaling araw na din kasi ako natulog kaya ayan na gahol ako. Kuya pabilisan na lang po ng onti late na talaga ko e." Sabi ko sa driver ko nakita ko namang tumango siya.

"Ah sige po."

Naalala ko si naman si Vice kaya ti-next ko muna siya.

To: Vice ♡

Goodmorning boyfie. Sorry ngayon lang ako nag text na late kasi ako ng gising e. Nasa office ka na ba? I love you :*

Pagkatapos ng 3 minuto ay nag reply na si Vice.

From: Vice ♡

Goodmorning din Karylle ko. Di ako makakapasok ngayon e masama kasi pakiramdam ko. Kumain ka na ba? Sorry di kita nadalhan ng breakfast :( I love you too.

To: Vice ♡

Di pa eh sobrang nagmamadali na kasi ako e. Masama pakiramdam mo? Puntahan kita mamaya diyan.Pahinga ka na lang muna.

From: Vice ♡

Sige, magpapahinga nalang muna ako. Papadalhan na lang kita ng pagkain diyan kumain ka muna ha ano oras ba yung show magsisismula?

To: Vice ♡

10:30 A.M pero lalabas ako sa 2nd gap pa.

From: Vice ♡

Ah ganun ba okay, basta kainin mo yung ipapadala ko ah ayaw kong nagugutom ka. Galingan mo at papanoorin kita hahaha!! I love you..Antayin mo nalang yung pagkain saglit lang yun.

To: Vice ♡

Owkey love, pahinga ka ah. I love you too.

Pagkarating ko sa ABS 9:46 A.M na traffic kase kaya agad akong pumasok at tinap ang i.d ko. Binati naman ako ng guard at nginitian ko na lang siya kase sobrang nagmamadali na talaga ako.

Pakabukas ko ng pinto ng D.R nakita ko agad yung make up artist ko.Binati ko muna siya ng goodmorning at umupo na sa upuan sa tapat ng vanity mirror. Nang biglang may kumatok.

(Tok tok) (Tok tok)

"Pasok" sabi ng make up artist ko.Napalingon ako at nakita ko yung delivery boy.

"For Ms.Karylle po." Sabi niya sabay abot ng mga pagkain na agad namang kinuha ng make up artist ko.

Magbibigay na sana ako ng bayad pero sabi niya nabayaran na daw.

"Okay thank you." Sabi ko at umalis na yung delivery boy.

"Oh ang aga ah, Hahaha!!" Pangaasar sakin ng make up artist close kasi kami kaya ganto kami mag usap.

"Late na kasi ako natulog kagabi." Sabi ko at sumubo ng pagkain na pinadala ni Vice.

"Ba't ka ba kase late natulog.?" Tanong niya sakin.

LIKE TOTALLY (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon