Hanggang gabi sinamahan at inalagaan ni karylle si vice.Kaya kinabukasan ay sinat nalang at nung bandang hapon na ay wala ng lagnat si vice.Dun muna sila sa condo ni karylle dahil walang makakasama si vice kung doon siya sa bahay nila fahil pumunta sa america ang nanay at kapatid niya na si emma.
May nagtext naman kay karylle ang manager niya na may magaganap na ball parang star magic ball.Pwede mag dala ng kahit sinong partner na dalhin ay pwede.Halos karamihan ng artista ay invited sa party na magaganap.Ang date ni karylle ay siyempre si vice.Kaya lang di niya pa ito natatanong kung papayag ba itong maging date niya.Magaganap ang okasyon sa 2 araw na nakalipaas mula ngayon.
Habang kumakain sila vice at karylle sa dining ay nag uusap sila pero kadalasan si karylle ang madaldal dahil si vice ay di naman siya masyadong madaldal pag sila sila lang pero pag may ibang tao medyo madaldal naman siya kausap.Sadyang tahimik lang sa personal si vice.
"Vice,Kung yayayain kita mag date payag ka?" Tanong ni karylle kay vice
"Oo naman lagi naman tayong nasa VIP room pag kumakain tayo sa labas diba?" Sagot ni vice kay karylle
"Hinde,I mean is mag date tayo actually di siya totally date eh.Parang more on siya sa party parang prom lang ganun.Pero mga kasama natin mga artista kaylangan kasi may kasamang date eh.
"Ha?Sigurdo ka bang isasama mo ako?" Gulat na tanong ni vice
"Oo naman.Hello?ikaw boyfriend ko diba?" Sabi ni karylle
"Isasama mo talaga ako kahit ganto itsura ko?" Tanong uli ni vice
"Oo nga ulit ulit? Isasama nga kita. Eh ano naman kung ganyan ka?Pake ko sa sasabihin nila."
Napangiti naman si vice sa sinabi ni karylle.
"Pagiisipan ko."Sabi ni vice kay karylle
"Vice bilisan mo lang mag isip dahil 2 days mula ngayon na yun."
"Eh kung di kita sasamahan sino magiging date mo?"Tanong ni vice
"Si Neil."
"Yung police na gwapo?"
"Oo ."
Naalala ni vice na may crush nga pala si neil kay karylle dahil sinabi niya ito sa isang interview.
"Pag iisipan ko nga." Sabi ni vice
"Vice please lang bilisan mo mag isip ha?Tyaka please pumayag ka na."
"Bukas ko na sasabihin kung sasama ako sayo o hindi." Sabi ni pa ni vice.
"Ookay." Sagot ni karylle
Pumasok na si vice sa kanyang trabaho naging busy siya dahil madami siyang projects ngayon.Halos nag overtime na siya para dito.Ang dami niyang ginawa nag ta-type sa laptop,Nag photo copy dahil absent ang taga photo copy sa opisina ang daming papel ang nakakalat na sa lamesa niya.Pagkatapos niya gawin ay sumandal siya sa upuan niya at tinanggal muna ang salamin niya pansamantala at pumikit pagkatapos ng 10 minuto ay inayos na niya ang gamit niya at umuwi na.Halos mag 1:00 A.M na siya nakauwi dahil sa tambak na trabaho niya Dahil sa pagkakasakit niya at pag absent niya ng ilang araw.
Nakita niya din si jan kasama ang lagi niyang kasamang si eruption.
"Bat andito pa tong mga to?" Tanong ni vice sa sarili.
Nakita niya nanonood si jan at eric ng naging gusting ni karylle sa morning show nung nakaraan.
"Ang ganda talaga ni karylle." Sabi ni jan habang pinapanood pa din si karylle sa iwantv
"Pag nagkita kami liligawan ko to."Pahabol na sabi ni jan
"Di mo ba narinig?May boyfrirnd na nga e.Gungong!" Sabi ni eric kay jan
BINABASA MO ANG
LIKE TOTALLY (ViceRylle)
RomancePossible nga bang magka gusto ang isang magandang artista sa isang lalaki na di kagwapuhan at may lumang fashion statement? Well let's see. Btw Its a ViceRylle fanfic story lahat ng nababasa o mababasa niyo dito ay pawang mga kathang isip lang ng...