tahimik lang akong nakatambay sa duyan habang kumakain nang makakita ako ng ibon... napaisip tuloy ako, kung ako ay magiging ibon...
&.&
gaya ng ibon, hangad ko rin ang lumipad nang mataas
maabot ang kumpol na alapaap habang niyayakap ng hangin
aking bibitawan ang mga bagaheng matagal ng pinapasan
at magpapa-ikot-ikot sa ere nang ‘di alintana ang mga mangyayarigaya ng ibon, nais ko rin ang makawala sa hawla at maging malaya
malibot ang bawat panig ng napakalaking mundong kinatatayuan
posible kaya iyon? eh hindi ko naman kailangan ng pamasahe
pagmamasdan ko ang mga taong may kani-kaniyang kuwento sa buhaygaya ng ibon, gusto ko ring tumakbo na lamang at ang lahat ay takasan
kahit saan man mapadpad basta patuloy lang ang pagpagaspas ng pakpak
pangarap kong makarating sa isang paraisong puno ng paru-paro
ang komplikado ng mga gusto ko ‘no? ‘di bale, libre naman daw ang mangarap.- mister kk
YOU ARE READING
mga tula at istorya ni mister kk
Poetrytambakan ng piyesa ng isang taong hilig at mahal ang pagsusulat. eh bakit ba! kailan pa naging corny ang tula? - mula '20 hanggang ngayon