leaves

0 0 0
                                    

"leaves will soon grow from the bareness of trees, at magiging maayos din ang lahat"

marahil isa na nga akong ibon
ibon na nakakulong sa isang hawla
na mga paa ay sinukbitan ng kadena
mabigat, malalim, pawang nakalubog sa tubig at 'di makaahon

kailan kaya maipapagaspas ang mga pakpak?
kailan kaya matitigil umagos ang mapait na luha?
pagod na rin siyang pekein ang mga halakhak
sawa na rin siyang magkunwaring natatawa

ano kaya ang pakiramdam?
sa hangin, sa himpapawid naglalakbay
kailan kaya mananamnam?
ang hangin, sa himpapawid habang naglalakbay

napupudpod na ang kadena
nagsusugat na ang mga paa
masakit, sumasakit, sasakit na namang muli
kasabwat yata ang oras at tila ito ay nagbabagal

ang haplos ng init sa balat ko'y mahapdi
tanaw ang mga ibong nagliliparan
masakit, sumasakit, sasakit na namang muli
ang kadena ay gumagapang na't nilalamon ang buong katawan

sa pagtubo ng mga dahon
nawa ay makaahon na rin ang sugatang ibon
sa pagsibol ng mga bulaklak
sana'y maipagaspas na niya ang mga pakpak.

- mister kk

mga tula at istorya ni mister kkWhere stories live. Discover now