"si nakasalamin na may ADHD at math wizard na naman ang nasa isip"
dalawang taong nagkatagpo
hindi sinasadyang puso ay mahipo
ang mga tingin ay nagkaroon ng kislap
tuwing nakikita ka'y sabik na sabik makausapnahulog nang tuluyan sa bagsik ng bango mo
pinadugo nang tuluyan ang panulat at sumabay sa ritmo
sinulatan ng mga tulang bumubuo sa iyong pangalan
iniabot sa araw ng ating pagtatapos at bumakas sa iyong mukha ang pagtataka na sariwa pa sa aking isipanisang litrato ang iniwanan mo sa akin
para kang bulang tinangay ng hangin
ngayon marahil ay iba na ang ginagawa mo
ang mga alam kong nakasanayan mo ay natabunan na't naglahonagsimula tayo bilang mga estranghero at magtatapos din tayo bilang mga estranghero
hindi ko rin alam kung bakit ikaw pa rin ang nananatiling paksa gaya ng tulang ito
hindi ko talaga alam
maniwala ka, hindi ko talaga alam.- mister kk
YOU ARE READING
mga tula at istorya ni mister kk
Poetrytambakan ng piyesa ng isang taong hilig at mahal ang pagsusulat. eh bakit ba! kailan pa naging corny ang tula? - mula '20 hanggang ngayon