tila ba nasira ang tubo at hindi na makadaloy ang mga salita.
tila ba nauuhaw na sa langis ang kadena kaya ito'y garalgal na.
hindi ko na maabot ang dulo ng aking dila.tila ba unti-unting naglalaho ang gana.
wala ng lumalabas kahit anong piga.
ipipikit ko na muna itong mga mata, magbabakasakaling babalik din ang mga salita, maaabot din ang dulo ng dila, uusbong muli ang gana, at may lalabas din sa pagpiga, kaya't ipipikit na muna ang mga mata.
- mister kk
YOU ARE READING
mga tula at istorya ni mister kk
Poesiatambakan ng piyesa ng isang taong hilig at mahal ang pagsusulat. eh bakit ba! kailan pa naging corny ang tula? - mula '20 hanggang ngayon