0.0

1.8K 49 21
                                    

February 1, 2024...

CK'S POV

"Hindi na ba talaga kita mapipigilan mahal? Hindi ba talaga pwede na dito ka na lang sa Pilipinas magpagaling? Iiwan mo talaga ako?" Pagmamakaawa ko kay Jhairene habang nasa Airport kami.

Ngayong araw kase ang itinakdang Flight nila papuntang Malaysia. Kasama ang parents nya, para matutukan sya doon.

Binigyan kami ng ilan pang Minuto ng mga Magulang nya para makapag usap. Ako kase ang nag presinta na ihatid sila dito.

Mabigat ang loob ko na hindi ko sya makikita ng halos ilang buwan. Baka nga taon pa ang bibilangin ko bago ko sya makita ulit.

"Napag usapan na natin 'to diba? Pinahihirapan mo naman ako masyado ehh. Ayaw kong nakikita kang malungkot kaya smile for me please?"

"Hindi ko magawa Mahal, lalo na alam ko buwan o taon ang bibilangin bago kita makikita ulit, bago kita mayayakap ulit, bago kita mahahalikan ulit, at bago kita makakasama ulit. Wala pa ngang kasiguraduhan sa mga bagay na yun pagbalik mo ehh"

"Hushhh. Wag ka munang mag overthink okay? Nangako ka diba?"

"Alam ko naman yun. Pero hindi ko lang maiwasan na isipin ang bagay na yun."

May inilabas sya na kung ano mula sa kanyang bulsa.

"Iiwan ko to sayo. Importante yan sa akin dahil bigay yan sa akin ni Lolo bago sya namayapa. Regalo nya sa akin yan nung nag eighteen ako. Iiwan ko yan sayo para ipaalala sayo na importante ka din sa akin. Iiwan ko yan sayo at ibabalik mo yan sa akin kapag nakabalik na ko dito. Hanggat wala pa ko, pwede mo yan isuot para ma feel mo na lagi lang akong nasa tabi mo."

It's a necklace na naka ukit ang First Letter ng name nya, which is letter J.

Isinuot nya sa akin ang necklace.

"There you go, kaya wag ka ng malungkot dyan. Babalik ako promise"

"Promise?"

"Promise"

"Baka pangako lang yan na napako ahh?"

"Hindi, pa hug nga ko ng isang beses pa. Para baunin ko hanggang sa Malaysia"

"Wait may ibibigay din ako sayo"

"Huh?"

Hindi ako nakapag handa tulad ng ginawa nya. Pero lagi kong dala ang isang ballpen na naka guhit din ang full name ko. Gamit ko yun sa hospital at lahat ng doctor ay may ganoong uri ng Ballpen.

Yun lang ang naisip kong ipabaon sa kanya bukod sa pagmamahal ko. Makakapagpagawa naman ako ng ganun pa ehh.

"Here, my personal pen. Kaming mga Doctor lang ang may ganito. Lagi ko itong dala kahit saan man ako mapunta, para kapag may madaanan ako na kung anuman na kailangan ng Ballpen ay may makukuha agad ako. Naka indicate ang pangalan ko dyan. And everytime na makikita mo yan. Maaalala mo ako"

"The Pen!?" Nagliwanag naman ang mukha nya ng makita nya ito. Anong meron sa Ballpen?

"Huh? Why?"

"Alam mo bang antagal ko ng gustong harborin sayo nito? Simula bata ako nakikita ko na kay Tito Doc ang ganitong klase ng Ballpen. As in kinalakihan ko na sya na gamit gamit ni Doc. Then nung makita kong may ganito ka din. Gusto ko sanang manghingi for remembrance lang ganun. Ngayon ko lang nalaman na exclusive lang pala sya at Ngayon ko lang nalaman na may Name nyo pala sya"

"Really? So okay lang pala na yan ang ibigay ko sayo? Sorry wala akong naihanda ehh. Tanging yung pagmamahal ko lang sayo"

"Cheesy naman Doc. Nakakatanggal ng angas" biro pa nya.

I'll Be There (Let Me Book 2)Where stories live. Discover now