17

1K 33 6
                                    

JHAIRENE'S POV

Paggising ko kinahapunan ay walang Ck sa tabi ko. Pag tingin ko ng oras ay mag aalasais na rin pala. Napahaba ang dapat ay idlip lang.

Maraming memories dito sa Batangas. And I'm happy na nakabalik kami dito ni Ck.

Wala akong idea noong una kung bakit kami aalis kanina. Nagyaya lang syang mag roadtrip at agad ko namang sinang ayunan.

Then sa byahe pa lang mahahalata mo na, na papalayo n kayo ng Manila. Mula sa mga signage at sa daan na dinaanan namin. It is the same ng finaanan namin noon.

Kaya muli akong nagtanong sa kanya but Hindi nya sinagot kaya naman baka surprised nya na dalhin ako sa  Beach.

Tumayo na ko at pumasok ng banyo para maghilamos. After that ay bumaba na ko. Baka kase nasa kusina lang sya at nagluluto. Pero walang Ck din akong inabutan.

Tumawag pa ko sa kanya ng ilang beses pero wala talagang sumasagot.

Baka nagpunta sa resort, mahintay na nga lang sya dito.

Kukuha muna sana ako ng tubig at doon ko nakita ang isang maliit na note na nakadikit sa ref.

"Hi beautiful. I know you are awake when you see this. Dress up and follow me here. Someone's gonna pick you up at 7pm.

See you My jo

Your Ck"

Yun ang nilalaman ng note. So may surprise nanaman sya? Ako ang nanliligaw ehh. Pero sya itong napakaraming surpresa.

I have a 45mins to prepare. I'm expecting na dinner date iyon kaya naghanap ako ng dress sa mga inimpake ni Ck na damit ko. May nakita akong dress pero hindi ko bet na isuot ngayong gabi kaya naman naghanap pa ako.

I found a white tube type na top and long skirt na white din. Kami lang naman siguro kaya ito na ang isusuot ko.

Naglagay din ako ng light make up sa aking mukha para hindi naman ako magmukhang namumutla.

Saktong 6:56pm ay natapos na ko kaya naman agad akong bumaba. Sakto din na may kumakatok sa pinto kaya binuksan ko na iyon.

Bumungad sa akin ang isang babaeng naka uniform na kagaya ng mga staff nila dito. Ito siguro yung sinasabi ni Ck sa note.

"Good evening Ma'am"

"Good evening din po"

"Let's go?"

Tumango naman ako at sinara na ang pinto.

Sinundan ko sya. May inabot din nga pala sya ng bouquet of flowers na dala dala ko habang naglalakad kami.

"This way ma'am" turan pa nya habang tinuturo sa akin ang daan papunta sa isang bahagi ng resort.

Hanggang sa umabot kami sa may tagong bahagi ng resort. Alam ko ang lugar na ito pero hindi namin sya masyadong napupuntahan.

Sapat na kase sa amin ang buong paligid ng beach ehh. Tatambay sa buhanginan at mag swimming sa dagat.

Ang ganda din pala ng lugar na ito lalo na kapag gabi. At lalong nagpaganda is yung set up ngayon. Sa gitnang bahagi ang may heart shape na gawa siguro sa bakal. 

May tumutugtog ng Violin at may dinner table sa bandang gitna. Nagkalat din ang petals sa paligid at napapalibutan din ng mga candle lights na tumutulong magbigay liwanag sa paligid.

Hindi ko namalayan na naka alis na pala ang nagguide sa akin at biglang sumulpot sa gilid si Ck. Wearing her simple attire

"Sabi na hindi mo isusuot yung dress na nadala ko ehh." Aniya pa

I'll Be There (Let Me Book 2)Where stories live. Discover now