CK'S POV
Ang saya ko. Sobrang saya ko sa mga oras na to. Hindi ko expect lahat ng nangyari. Lahat ng luhang nilabas ko worth it lahat.
Nandito pa rin kami ni Jhai sa loob ng mumunting Museo na ginawa nya para sa akin. Magkayakap pa rin kaming dalawa.
Kami nalang din namang dalawa dito, dahil ng pumasok na si Jhai dito ay umalis na rin pala ang tatlo.
Malapit ng maghating gabi, pero wala kaming pakialam ni Jhai. Isang taon naming hinintay to. And now we have each other na ulit.
"Ipapakilala na kita sa girls bukas"
"Ako nanliligaw diba? And sinong girls? Sina ate Thea?"
"Hindi, alam ko naman na kilala mo na sila. May gumagdag sa barkada. Si Jaden yung isa the si Dane naman yung isa. Girlfriend ni Brielle"
"Ahhh sila pala ang nakikita ko sa mga pictures nyo together "
"Yup. And sa mga susunod kasama ka na din"
"Nakakahiya naman. Baka isipin nila -"
"Wala silang iisipin na kahit ano okay? Alam mo naman na mababait yung mga yun. Minsan mo na silang nakasama, pwera lang dun sa dalawa pero mabait din naman sila. May mga toyo lang talaga minsan"
"Grabe ka naman sa mga kaibigan mo. Sabi ko kanina. Si Stevie girlfriend nung Jaden. Then si Brielle may girlfriend na rin. Si ate The at Ate Maureen wala pa?"
"Nauna silang dalawa"
"Ahhh. A guy? Kase hindi ko nakikitang kasa kasama mo ehh"
"Akala ko bang alam mo lahat sa akin?"
"Yung sayo lang. Sa mga pictures ko lang sila nakikita at hindi rin ako naka follow sa kanila kaya wala akong alam."
"So nakikita mo kung sino ang magkakatabi?"
"Oum. Kadalasan kayong tatlo ang magkakatabi"
"Kase nga po silang dalawa. And I'm the third wheel "
"Wehh?" Gulat ding tanong nya
"Yup. Matagal ng gusto ni Mauie si Thea. Kaso hindi sya umamin. Then yung isa clueless and naging focus sa pagiging fangirl nya kay Jaden. Kapag fan diba gagawin mo lahat para mapansin ka ng idol mo? Yun ang naging dahilan kung bakit laging inaasar ni Mauie si Thea noon. Dinadaan nya sa selos. Then remember nung nanghingi ka ng tulong sa girls para hanapin ako?. Pinuntahan ako ni Mauie sa condo at sinabi nya nga yung tungkol sa taong nagugustuhan nya, pero hindi nya sinabi yung name. Until isang araw nagulantang nalang kami na sila na. Nagkaaminan din sa wakas."
"Paano yun kapag magkakasama kayo? Diba sabi mo fan ni Jaden si Ate Thea? Hindi ba nagseselos si ate Mauie sa kanya?"
"Nung hindi pa namin alam ang tungkol kay Jaden at Stevie. Nagselos ang panda. Akala kase nya nagkakamabutihan na yung dalawa. Di nya alam nagpapatulong lang si Jaden about sa confession nya kay Stevie"
"Paano naman nagkakilala si Stevie at Jaden? Sorry ang daming tanong"
"Okay lang basta ikaw. Yakap naman kita ehh."
"Ayaw mo bang umupo?"
"Ayaw. Hindi kita mayayakap. Eh kung ganito, nayayakap kita"
"Sus. So ano ng sagot?"
"Childhood Bestfriend silang dalawa. Then ang alam ko nagrebelde si Jaden noon, na kailan lang namin nalaman ang totoong dahilan. Akala kase nya ay ampon siya"
"Weh!? Ampon sya?"
"Haha. Wait lang mahal patapusin ko muna ko"
"Sorry sorry"
"Cute mo. So yun na nga. Dahil bata pa si Jaden noon hindi nya pa ma process lahat kaya kinimkim nya at nagbago ang pananaw nya sa lahat. Pati si Stevie hindi alam ang gagawin. Pero hindi nya iniwan si Jaden kahit na hindi na sya nito kinikilala as friends noon. Nang malaman ni Jaden ang totoong nangyari sa parents nya doon sya natauhan. Yung pamilyang kumupkop sa kanilang dalawa ng kuya nya is kambal lang din ng real mom nya, kaya okay lang. Namatay sa isang car Accident ang parents nya at para hindi na nya maalala ang parents nya ay inampon nalang sila ng mag asawang Lim."
"Grabe naman nangyari sa buhay ng mga kaibigan mo."
"Ewan ko rin kung bakit natin sila pinag uusapan ehh."
"Nagugutom ka ba? Hindi na kase ako nag prepare ng dinner for us ehh. Kase late na rin"
"Busog pa naman ako. Bakit nga pala dis-oras ng gabi?"
"Alam ko kase may ganap ka. Nakita kong nagpost ang management nyo na magkakaroon ka nga ng gig tonight with that girl kaya hindi na kita inistorbo."
"Hayyy Jhairene ano bang gagawin ko sayo?" Turan ko tyaka ko sya niyakap ng napakahigpit.
"What?"
"Wala. Mahal na mahal kita ka'ko"
"Mahal na mahal din kita."
"Tara uwi na tayo. Oras na rin oh. Baka nag aalala na sina tito sayo"
"Kapag narinig ka ni Daddy baka hindi ka na nya payagan"
"Huh? Bakit naman?"
"Diba sabi nya sayo noon na tawagin mo syang Daddy?"
"Ayy oo nga pala. Sorry baka kase hindi na tulad noon ehh."
"Sus, mukhang anak ka pa nga nila ehh. Alam mo bang after ng operation banggit sila ng banggit sa pangalan mo?"
"So alam mo na rin?"
"Na?" Nagtatakang tanong naman nya
"Na, nagpunta ako sayo ng dalawang beses." Pag amin ko. Kumunot naman lalo ang noo nya
"Wala silang nasabi about dyan. Wait diba sabi k-"
Hindi ko na sya pinatapos. Baka magalit pa sya lalo kaya hinalikan ko muna sya to shot her mouth haha. Good thing at ginantihan naman nya yun.
"Let me explain okay?" Tumango naman sya habang nakapilit pa rin. "Dalawang beses lang po yun. Nung first hindi ko talaga matiis na hindi ka makita after mong sabihin sa amin na hindi ka na tatawag muna. Miss na miss na kita ehh kaya nakiusap ako kay Papa na kung pwede kitang silipin. Pumayag naman sya. Then yung second is nung before the day ng operation mo sana. Kaso napaaga. Buti nalang at napuntahan kita agad. Hindi mo siguro ako napapansin noon dahil abala ka sa pagbabasa. Pero ako yung naka hoodie na pabalik balik sa pinto ng kwarto mo. Nagkaroon lang ako ng chance na lapitan ka ng tumalab na sayo yung gamot na binigay ng doktor bago ka operahan. Doon kita nayakap at nahalikan"
"You did that!?"
Kamot muna sa batok ang nagawa ko bago nakasagot.
"Opo"
She pull my hoodie and she initiate the kiss this time. I can't explain what i feel pero kakaiba ang halikan naming iyon.
"Thankyou for loving me that much." Aniya pagkatapos
"You deserve the Love. Hindi ka galit?"
"Paano ako magagalit kung nag effort ka na puntahan ako kahit sabihin kong huwag. You did it but hindi ka nagpakita sa akin. Sinunod mo pa rin naman. Baka kase kapag nakita kita that time? Matatagalan pa yung pag take ko ng operation. Kase nandyan ka ehh. So thankyou for that"
"I'm glad na hindi ka galit dahil doon"
"Sira ulo nalang ang magagalit dahil sa ganoong effort. So totoo pala lahat ng akala ko panaginip ko lang?"
"What dream?"
"Nakikita ng sulok ng mata ko yung taong naka hoodie na pabalik balik nga. Akala ko talagang daan oang sya ng daan kase nasa kabilng room yung pakay nya kaya hindi ko pinapansin. Then kinagabihan ewan ko kung panaginip pero yung naka hoodie na yun is pumasok nga sa kwarto ko. Gising ako at malabo ang mukha nung taong naka hoodie na yon. Nay mga sinabi sya sa akin pero hindi ko maintindihan. At ang nakapagpabigla sa akin is hinalikan nga ako nung taong yun sa labi. Nakonsensya nga ko kase kahit anong iwas ko hindi ko magawa? Kase para akong nakadikit sa pader. Totoo palang nangyari yon?"
"Maybe it's a dream nga pero hanggang sa panaginip kasama mo ako haha"
___________________________________
Sorry late hehe