4

1K 37 38
                                    

CK'S POV

Kinaumagahan ay sobrang sakit ng ulo ko. Nagising nalang ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha.

Nasa kwarto na rin ako. Hindi ko alam kung  paano ako napunta dito, siguro ay pinagtulungan nalang akong buhatin ng girls.

"Shuxx" daing ko  pa ng bahagyang kumirot ang ulo ko.

Baka wala na rin ang girls dahil may mga pasok pa ito sa hospital kaya pinilit ko ang sarili ko na tumayo at lumabas ng kwarto.

Maayos na ang paligid. Wala na ang mga kalat sa aking sala.

"Gising ka na pala" boses yun ni Jaden.

"Buti nandito ka pa?"

"Hindi ka naman namin maiwan ng ganyan ka no. Isa pa. Wala pa naman kaming trabaho ni Ali. May isang linggo a kaming break diba?"

"Nasaan nga pala sya?"

"Nasa baba. Nag presinta na na kuhanin yung pinadeliver nyang food."

"Yung iba?"

"Pumasok na. Ayaw pa nga sana nilang pumasok dahil nga sa may problema ka. Kaso nag presinta na rin kami na, kami na muna ang titingin sayo dito."

"Okay naman na ko. Perp salamat sa pagsama ah? Naka abala pa tuloy ako sa inyo ni Stev. Kauuwi nyo lang halos tapos heto kayo"

"Wala naman sa amin yun. Ikaw naman ang may kailangan sa amin. Syempre ibabalik lang namin sa iyo yung mga naitulong mo sa aming lahat"

"Hindi naman ako naghahangad ng kapalit sa mga nagawa ko. Kusa ko yun"

"Kahit na pa. Alam ko kailan nyo lang ako nakasama. Kumpara sa ibang girls na halos ilang taon mo ng kaibigan. Alam kong napakabuti mong tao kaya deserve mo ring sumaya. Kagabi lang kita nakitang nasa ganoong sitwasyon. To think na alam naming hinintay mo talaga sya. Natatandaan mo ba yung sinabi nina Thea at Dane kagabe?"

Actually wala akong matandaan. Hindi malinaw sa akin yung mga sinabi nila. May mga naririnig akong nagsalita. Pero inagaw na ko ng tuluyan ng antok sa sobrang kalasingan. Kaya wala akong matandaan.

"Wala akong matandaan"

"Tutal wala naman na ang tama ng alak sayo. Uulitin ko lang yung sinabi nila. Tama naman sila ehh. Instead na naglasing ka kagabe? Dapat ginawa mo sinundan mo siya. Nagpakilala ka sa kanya. Puso lang ang nakalimot bro. Hindi yung isip.  Walang damage yung alaala nya. Maalala nya lang yung mga araw na magkasama kayo paniguradong babalik yung dati. Bakit nung una mo ba syang nakita kilala mo na sya? Diba hindi? Kumbaga babalik ka lang sa starting point kung nakalimutan ka. Edi gumawa oa ng panibagong ala ala"

"Hindi ganun kadali yun ehh"

"Alam ko naman. So anong gagawin mo? Dito ka? Makukulong? Magpapakalasing? Mahal mo diba?"

"Oo"

"Bakit hindi mo ipaglaban?"

"Paano ko naman gagawin yun?"

"Akala ko ba matalino ka? Matalino ka naman. Andami mo ngang nagagawang kanta ehh. Hindi ka rin naging doktor agad kung hindi mo kayang makipagsabayan."

Napa isip ako sa sinabi nya. Bakit nga ba sa kanila ang dami kong advice? Andaming idea na nasasabi ko sa kanila? Pero bakit ngayong ako na ang nagdaranas ng ganito hindi ko kayang tanggapin? Hindi ko ma apply sa sarili ko.

"I'll try"

"Aasahan ko yan ahh?"

Tumango nalang ako para matapos na ang usapan

I'll Be There (Let Me Book 2)Where stories live. Discover now