Time skip...
CK'S POV
I'm so proud of my Girl. Ngayong araw ang debut day nila as one group. Pinakilala na rin sila sa buong pilipinas as "Ladies in Harmony"
Naka abang kaming lahat sa Mv dahil ngayong araw sya ilalabas kasabay ng showcase nila sa skydome.
Trainees palang marami na silang Fan. Lalo pang dumagdag ngayong debut na nila. Grabi support ng mga pilipino. Saksi din ako sa hirap nila halos sinasabay nila ang trabaho at training. Nakakabilib lang yung dedication nila.
"Sunod ka na?" Bulong ko pa kay Jhai habang pinapanood namin yung Music Video nung lima
"Ayy sorry wala akong talent pagdating sa ganyan"
"Hindi ako naniniwala mahal. Nakukuha naman sa training yan ehh"
"No way mahal. Okay na ko to support you all. I'm your number one Fan"
"Oo nga pero mas maganda kung susubukan mo din diba? Kung kaya ng girls kaya mo din"
"Talent nyo na yun ehhh kaya kaya nyo na? Eh ako akong ka talent talent ko. Hindi ako kumakanta at sumasayaw simula nung bata dahil bawal akong mapagod kinakapos ako ng uangin"
"Pero ngayon okay na yung puso mo diba?"
"Oo nga pero di pa rin ako bagay sa ganyan"
"Kabisado mo naman yung Museo diba? Naririnig kita na kinakanta mo yun"
"Mahal kung may binabalak ka huwag mo ng ituloy"
"Let's see kung anong sasabihin ng ibang tao"
"Mahal naman ehh, hindi kita kikibuin sige"
"Gagawin mo?"
"Hindi, pero kase naman" reklamo pa nya
"Try lang. After this night at ayaw mo talaga hindi kita pipilitin"
"Sige na nga. Ngayon lang ahh?"
"Yesss! I love you mahal ko"
"Kung hindi lang kita mahal baka ilayasan na kita dito."
May participation kase kami ni Jaden sa show nung apat. Tapos na si Jaden kanina bago ipanood yung music Video at ako na ang next after naman bago nila ilabas yung girls para mag perform ng song nila.
Sa album. Naisama yung nacompose kong kanta para sa Girls na, Na na nandito lang. Ay yun ang last song ko mamaya after ng museo.
Balak ko rin na gawing collaboration yung kantang yun kasama ang girls at si Jaden and hopefully kasama din si Jhai. Inspirational ang song na yun at bagay sa aming walo kung kaming lahat ang kakanta nun.
Nang tawagin ako ng host ay sumampa ako agad sa stage. Nag cheer din ang mga tao gaya ng ginawa nila kay Jade kanina. Knowing na sa lima ang event na ito.
"Hi good evening everyone. Kamusta ang showcase nung lima? Nag eenjoy ba nag eenjoy?" Pakikipag usap ko sa kanila. Sumasagot naman din sila.
"Good good. Mas mag eenjoy kayo mamaya. But for now. Hindi man kayo Ck Fans lahat pero may gusto akong ipakilala sa inyo. Laman na sya ng timeline ko. About sa haka haka na pinopost ng madla. Gusto ko sana sya i gatekeep pero mas gusto ko syang ipagmalaki. Short story lang about her. Last year ko lang sya nakilala" habang nag kkwento ako ay nakatingin lang ako kay Jhai na naka upo sa harap. Hindi nya expect na may pa ganito ako. Alam ng management ang gagawin ko pero hindi ko sinabi sa kanya. Nag try din ako na ipagpapaalam sya kay ate Jovs na kung pwede ko syang isama sa pagkanta ko ng Museo na sya naman ang inspiration ng kanta kong yun.
"I was a doctor and she is my patient. My dad's patient actually, ipinasa sya sa akin ni Papa dahil baka raw ako ang makatulong sa kanya about sa balak nya. Hopeless na kase that time at ayaw na nyang magpagamot. Since birth may sakit na sya sa puso. Ang hirap kalabanin non diba?" Ikinwento ko sa kanila kung paano ko sya tinulungan at kung paano ako nahulog sa kanya. To the point na kailangan ko syang bitawan para sya magpagaling sa ibang bansa. Nagiging emosyonal na ang lahat dahil sa kwento ko. Lalo na yung time na sinabi ko sa kanila na bumalik nga si Jhai pero hindi nya ko nakikilala.
"Kaya ngayon na bumalik sya? Wala na kaming sinayang na oras kahit. Niligawan nya ko ng almost 2 months at kamakailan lang naging official ang relasyon namin. Kaya yes yung mga nakikita nyo po sa social media na kasa kasama ko? She's my girlfriend now. Mahal? Can you introduce yourself to them? Show your beautiful face"
Pagkatayo nya ay tinapat sa kanya ng camera at lumitaw iyon sa Led background wall. Marami akong naririnig na positive comments ng tumayo si Jhai at lumapit sakin dito sa taas.
"Ano to? Akala ko kakanta lang ako?"
"Gusto kong ipagsigawan ka sa buong mundo mahal. Wait lang di pa ko tapos"
"Guys, you know my debut single? Museo, it was dedicated to her. Yung yung girl na naiisip ko nung kantang yun. Hindi pa sya bumabalik that time. And kaya rin hanggang ngayon wala pa ring music video yung kantang yun. Now I'm asking you again willing ba kayong gawan ko yung ng MV then itong babaeng nasa tabi ko ang gagawin kong leading lady?"
Napuno ulit ng sigawan ang skydome dahil sa sinabi ko. Habang si Jhai ay gulat na gulat ulit. Wala kase talaga syang alam tungkol dito.
"At payag ba kayo na kakantahin namin ang Museo ng duet?"
Lalo akong napangiti ng marinig ko ang hiyawan ng mga tao sa paligid kasabay ng pagsagot ng Oo.
Doon na nag start ang team na patugtugin ang intro ng Museo.
Kinanta ko ang first verse hanggang first chorus ng kanta na hawak hawak ang kanyang kamay.
Hindi ko rin inaalis sa kanya ang aking mga tingin. Ngayon naging ganito ang pakiramdam ko habang kinakanta ang awiting una kong nilabas.
Kung noon hanggang sa alaala ko lang sya kasama sa tuwing aawitin ko ang Museo. Ngayon kasama ko na sya dito sa stage. Hawak ang kanyang kamay.
Sinenyasan ko sya na sya naman. At nabigla ako ng hiyawan ng mga tao ng boses na nya ang aming narinig. Alam kong ibubuga rin to. Hirap lang syang ilabas dahil natatakot sya.
Ang smooth ng pagkakakanta nya sa second verse ng kanta Hanggang sa susunod na chorus. At sinabayan ko sya pagdating sa bridge ng kanya. Pero ang buong bridge. Parang biniblend ko lang ang boses ko sa kinakanta nya.
Sinabayan ko lang sya nung sa solemn part na ng chorus hanggang sa matapos ang kanta.
Sigawan at palakpakan naman ang natanggap namin after ng performance.
After naming magpasalamat ay bumalik na si Jhai sa pwesto nya dahil hindi pa tapos ang part ko. Sunod kong kinanta ang Na na nandito lang. Hudyat na rin yon para lumabas ang girls kasama si Jaden sa likod.
Habang kumakanta ay lumilitaw naman sa screen yung mga nakuhang pictures ng girls habang nag ttraining. Mga photos together na nakalap nila sa social media. Lahat pinaghandaan.
Nang nasa last part na ay gumilid ako ng bahagya para bigyang daan ang pagpasok nila. Nauna si Jaden na sinabayan pa ko sa pagkanta. Sinenyasan ko rin ulit si Jhai na umakyat ulit. Inalalayan pa sya ng isang marshall at tumabi sa amin ni Jaden.
They are looking good, wearing their costumes. At mangiyak ngiyak silang lima. They deserved it. Pinaghirapan, pinagpuyatan, at pinagpaguran nila ito.
Nang makumpleto sila sa stage at muli kaming gumitna at magkakayakap na kinanta ang huling part ng kanta.
"You look good in one group" wika pa ng host after naming mag perform. "Agree diba?" Tanong pa nya sa mga nanonood.
"But for Now. may I present to you our newest girl group who concour the world. Ladies in Harmony"
Palakpakan at hiyawan ulit ang narinig ng mga tao sa paligid. Oati kami ay nakipalakpak.
Aware naman kase sila na magkakaibigan kami. At kung hindi dahil kay Jaden hindi kami makikilala ng ibang tao.
__________________________________
Hayuuu. Ot8