Chapter 13

109 11 2
                                    

FINALYN POV

" Ilang araw nalang birthday mo na, anong wish mo?" tanong sa akin ni Vio ng makasabay ko siyang lumabas. Halos katatapos lang kasi ng trabaho ko, mag lulunch lang ako sa labas after this babalikan rin ako.

Ayaw ko namang makaabala sa dalawa na alam ko nanamang nag haharutan sa office nanaman.

" Kahit ano,"

" Sigurado ka?"

Kumunot ang noo ko. " Kahit ano naman tatanggapin ko diba?"

Tumuloy kami sa restaurant na mamahalin. Sabi ko na nga ba malaki ang ambag ni Vio sa life ko. It's rible time, gusto kong mahiya dahil may utang pa ako sa kanya kaso... hindi naman niya ito pinapaalala.

" Kakain po kayo ma'am?" tanong ng waiter pagka pasok namin.

" Hindi sasayaw!" pilosopong ani ko. Kaya nga resto ang pinuntahan ko para kumain. Masakit boses ko ngayon kaya don't me! Masasapak ko talaga ito!

Napakamot siya ng ulo. " Ay, ma'am resto po ito hindi bar."

Tumaas ang Isang kilay ko." Manong alam ko, Hindi ako bulag."

" So kakain nga kayo?" tanong niyang muli.

Salubong ang kilay kong tinitigan siya. Nangaasar ba siya?!

" Oh yes, 2 order please," si Vio na ang sumagot. Napansin niya siguro na pumapanget ang beauty ko kaya yun ang ginawa niya.

Napahilot ako sa sentido ko. Ayaw ko na munang makipag talk pagod pa ako. Nag linis kaya ako ng mapanghing banyo. Bumara ata sa ilong ko yung mapanghing banyo ng mga kalalakihan. Kaya sino naman ang hindi maaasar roon? Sarap igudgod ng mga lalake sa banyo. Ang dudugyot kung umuhi! Sarap putulin ang mga putotoy.

" Do you want to come with me. Let's celebrate your birthday." Saad ni Vio sa kalagitnaan  ng pagkain.

Nabagok ba ulo niya? Birthday? Next month pa yun ah. Kunot noo ko siyang binalingan ng tingin bago nilamon ang Isang buong itlog. Napaiwas siya ng tingin ng namula ang pisngi niya.

" Hindi ko pa birthday,"

" Just for advance." ngumiti siya. " Don't worry my treat."

Natigil ako sa pag nguya. Ano bang klaseng karne ito, ang tigas. Karne ba talaga ito? O Buto...

Luhhh! Bastos! sigaw ng brain ko.

Agad kong sinapak ang ulo ko. Halos mapaigtad pa sa pag kagulat ng malingunan ko si Vio na nanlaki ang mga mata habang habol ang hininga.

" Anyare sa iyo?"

" Nakakagulat ka Finalyn." mabilis niyang sambit.

" Chusero, sa ganda kong to magugulat ka? My gosh Vio!" natawa ako. " Epekto yan ng kape!"

Napalunok siya at nag iwas ng tingin muli.

" Anyway hindi utang yun?" paninigurado ko ng maalala ang sinabi niya kanina. Muntik nang nawala sa brain ko yun ah!

" Ofcourse not!" sambit niya. " I already invite our friends from College at sasama sila."

" Talagang sasama sila. Inaya mo e!"

Napangiwi siya. " Kailan ba yan?" tanong ko sa kanya sabay lamon sa buong karne. Hindi ko makagat kaya nilunok ko nalang.

" At night,"

Bumara ang karne sa lalamunan ko. Agad naman akong dinaluhan ni Vio ng tubig. Grabe ang bilis naman. Parang gusto ko na umayaw.

" Bakit ang bilis naman!"

MY HUSBAND IS MY COLD MAFIA BEST FRIENDWhere stories live. Discover now