Chapter 20

109 7 8
                                    

FINALYN POV

" Fuck you all! Mga walang hiya kayo!" 

" KIRO!"

Nagulat ako ng kunin ako ng poging lalake mula sa liwanang at inilagay sa parte ng dilim kung saan niya ako itinago. Lumukob ang kaba sa akin ng tinakpan nito ang bunganga ko saka itinutok ang baril sa akin.

" Shshsh...Don't make a noise sweety."

Nanlaki ang mata ko ng malakas na bumukas ang pintuan, iniluwa roon ang isang lalaki na salubong ang kilay. Nakaigting ang panga at puno ng galit ang mga mata. Hindi ko inaasahan na pupunta siya rito. Pero ang mas hindi ko inaasahan ay ang makita siya na may hawak na baril sa kamay.

" Where the fuck is she!" nang gagalaiti nitong sigaw. Itinutok niya ang baril kay Mr. Servinaza na nakatayo lang habang nakapamulsa na tila walang pakealam sa buhay niya kung mamatay siya.

" Who?" 

" Don't act like you don't know everything! Alam kong kinuha niyo siya!"

Gusto kong sumigaw. Gustong kong humingi ng tulong kay Kiro. Alam kong dalawa kami ang nasa panganib ang buhay. Pero hindi ko alam kung bakit? Wala naman akong ginawang kasalanan. At bakit galit sila kay Kiro?!

" Who?"

" I will kill you!"

Itinutok ni Kiro ang baril sa ulo ni Mr. Servinaza na ikina amang ko. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya ito ngayon. 

Malakas na humalakhak ang lalaki bago napailing-iling. 

" You can't kill me young men. If you will kill me both of them will die." 

Marahang natahimik si Kiro kasabay ng pagbaba nito sa baril. Kita ko ang paglunok nito.

" Ano? Pagkatapos niyong pabagsakin ang Daddy at patayin ang Mommy ko sila naman?"

" We don't kill your parents!"

" LIAR!"

" Your parents is my friend. Hindi ko magagawa yang pinag bibintang mo sa akin Kir-"

" SHUT THE FUCK UP!" Nang gagalaiting sigaw nito. Sumikdol ang sakit sa mga mata niya. Muli nitong itinutok ang baril kay Mr. Servinaza.

" You did that because you scared to fall! Alam mong laging nasa tuktok ang Daddy ko. Kaya gumawa ka nang paraan para pabagsakin siya! At ano? Isinunod niyo naman ang mommy ko? At dahil sa ginawa mo ngayon parang pinatunayan mo na may kakayahan kang pumatay!"

" Yes, I kill people! But I can't kill my friend! Masyadong nilason ng Lolo mo ang utak mo kaya ka nag kakaganyan!"

" Wag mong idadamay ang Lolo ko rito!"

Habol hininga ito at tila gusto nang manakit. " Where the fuck is she?!"

" Aray!" 

Itinulak ako ng lalaki patungo sa liwanang. Nanlalabo ang mga mata ko ng makita ang pagdantay ng emosyon sa mga mata nito. Galit ako sa kanya! Galit na galit! Ang dami niyang sekreto sa akin at ano pa?

" Siya ba ang hinahanap mo?" 

Marahan siyang napalingon sa akin. Nag tama ang aming mga mata, natahimik ito at napalunok walang salita ang lumabas sa bibig nito. 

Bakit ang lamig niya sa akin?

" Ouch!"

Isang babae ang itinulak patungo sa posisyon ko. Anong ginagawa ni Gia rito? Hinuli din ba siya? Hawak siya ng makisig na lalake. Nagkatitigan pa kami.

" Sino ba sa kanila ang hinahanap mo. Tutal sinabihan mo ang daddy ko na mamatay tao. Why don't you do Dad, kung patayin mo sila para naman may kwenta yung pagbibintang niya sa iyo."

MY HUSBAND IS MY COLD MAFIA BEST FRIENDWhere stories live. Discover now