Chapter 34

165 3 2
                                    

Samantha POV

Matagal naging tahimik sa loob ng elevator. Wala akong makapang salita na masasabi, thankfully, hindi na siya nag iingay. Pinakiramdaman ko siya, I still feel his presence na nakatitig siya sa akin. Minsan ay bahagya akong napapasulyap sa kanya. Seryoso na ito ngayon. Ang ipinagtataka ko lang talaga bakit ganoon siya ngayon?

Tumunog ang elevator at doon lang iyon bumukas. Bakit parang ang tagal namin sa loob kanina? Hayst, ewan ko ba.

Nauna itong naglakad patungo sa kanyang office. Sa pagyapak muli ay marahan din akong napahinto ng makita ko itong muli. This is the place before, this place ito noon ang nililinisan ko, dito niya ako noon pinapakain ng fudgee bar. This place was full of lies and pain na maging sa dulo ng kwento namin ay dito rin nagtapos.

Pansin ko rin ang maraming pagbabago sa office niya. Mula sa furnitures maging sa portrait. Iba narin ang kulay ng wall nito. Maging sa mga muwebles, it was pure white ang linis tignan it was look too formal. Panira lang ang playing area sa isang malawak na space. Siguro, nagpagawa siya para sa area na yun para sa anak niya? He really love his son huh?

Karamihan sa mga pictures na nandito ay ang anak niyang lalake na nakangiti. It was Damien wearing a fashionable suit at a event, may picture din silang magkasama sa ibang bansa. They was too happy, naka sakay pa sa balikat niya si Damien. They look cute both of them.

" I didn't expect that you will be a good father to him."

Nanatili ang mata ko sa picture frame nila. Hindi ko man lang nakita ang picture ni Gia na kasama sila.

" He deserves to treat him right,"

Marahan nitong hinawakan ang tinititigan ko. " His my angel...and my everything."

Marahan siyang napangiti habang tutok ang mata sa frame. Ganyan din kaya siya kasaya kapag nalaman niya noon na may anak kaming kambal? Ano kayang buhay ngayon ni Alex at Alexa sa piling niya? Magiging mabuti ba siyang ama sa kanila?

Tipid siyang ngumiti sa akin ng malingunan ako. Those smile he was using that before when we was a kid. Kakaibang ngiti. Parang kailan lang nung ako pa ang dahilan ng mga ngiti niya, noong bata pa kami...yun ang gamit niya para mapangiti ako. But now, hindi ko na kayang ngumiti na kasama siya.

Isinawalang bahala ko iyon at lumingon sa ibang parte. Agaw sa atensiyon ang portrait sa loob ng kwarto niya. Hindi kasi masyadong nakasarado ang pinto ng malingunan ko iyon. It was a girl, nakatalikod iyon habang nakatingin sa papalubog na araw. It was just a painting but look so real. Ang ganda ng pagkakagawa. Why it was look familiar to me? Parang nakita ko na ito noon? Gusto ko iyong matitigan ng maayos ang ganda kasing pagmasdan ng babae sa portrait.

" Is it beautiful?"

Malamlam ang mga mata nito ng malingon ko siya. Agad akong nag iwas ng tingin, at bahagyang dumistansiya sa kanya.

" Hindi ko akalain na magiging mahilig ka sa mga paintings?"

Ang alam ko, pinaka ayaw niya ang mga paintings? That was he said before to me. Kaya nga itinapon niya yung first paint ko. We will young back then, kaya nawalan ako ng interes sa pagpaint. Imbes na purihin kasi...binaba niya ako lalo para mawalan ng pag asa.

" I just realize that, paintings are beautiful kung buong puso na ginagawa."

Napaiwas ako ng tingin. Tama naman, magiging maganda ang isang art kung may inspirasyon ang gagawa.

" A-ang galing ng gumawa." Papuri ko.

" Hindi masyado," napakayabang niya talaga kahit kailan. Maganda naman ang gawa ng artist eh, siya lang ang nag sasabi na hindi. " It was not still perfect." malungkot nitong saad. Muli akong napatitig sa painting.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY HUSBAND IS MY COLD MAFIA BEST FRIENDWhere stories live. Discover now