Chapter 10

116 13 3
                                    

Finalyn POV

Naiinis talaga ako sa kanya kapag tumatawa siya at hinaharot si Kiro ko. Kahapon hinarot na nga niya. Pati ba naman ngayon? Sarap niyang iuntog sa pader at kurutin sa singit para mag tanda!

" Yaya, makisabay ka na sa amin."

Umiling ako. " Wag na ma'am. Ang mga gold na tao ay hindi nakikisabay sa mga plastic."

Natawa siya. " You know what I like you, I want you to be my friend,"

Pwes ako ayaw ko.

" Finalyn, join us." seryosong saad ni Kiro ng mamataan ako.

Baliw ba siya? Hindi ba siya marunong makiramdam?

" Hindi na sir-"

" That's my order as your boss,"

Sumikdol ang sakit sa puso ko. Boss? Asawa kita.

" Sir, next time nalang po. Wala kasi akong gana." Walang gana kong sagot. Halatang hindi nito inaasahan ang sagot ko. Alam ko naman na kahit kailan never akong humindi sa mga utos niya.

" Ganoon ba? Sige next time nalang." Saad ni Gia.

Marahan akong tumango. Neknek mo! Bago umalis sa office. Sumabay ako sa paglunch kina Vio at Hance sa restaurant. Ewan ko ba sa dalawa napaka aggressive nila kapag kasama nila ako.

----------------------------------------------

" Here eat this Finalyn." Saad ni Hance ng ilagay nito ang meat sa Plato ko.

" That's bad for your health Finalyn. Try this one." Saad naman ni Vio ng matabig ang steak at salubong na kilay na nilingon si Hance. Mariin silang nag katitigan.

" Ano ba kayo? Tumigil na nga kayo, lalamunan ko lahat ng yan!"

----------------------------------------------

Napailing ako ng maalala yun. Walang matino na araw. Pero infairness sarap ng ulam ko kanina.

Napatalon ako sa tuwa dahil malapit na uwian. Sasabihin ko lang kay Kiro yung mga dapat kong sabihin bago ako uuwi. Alam ko naman kasing kasama nanaman niya si Gia.

Hindi na ako kumatok basta ko nalang yung binuksan ang pintuan. Natigilan ako nang makita kung ano ang ginagawa nilang dalawa sa office. Si Kiro at si Gia na nasa ibabaw ng lamesa na may ginagawa.

Marahas na hinahalikan ni Kiro si Gia na halos bumaon na ang kuko nito sa likuran ng Asawa ko.

Para akong sinasaksak sa dibdib sa sobrang sakit na eksena. Asawa ko siya hindi ba?

Asawa niya ako, nakalimutan niya bang isipin iyon MISMO?

Nanlamig ang mga kamay ko at nanlambot ang mga tuhod ko kasabay ng pagdantay sa sakit at pagsikdol ng masaganang kirot sa aking mga mata at sa aking puso. Nanlalabo ang mga mata kong pinapanood sila.

Alam kong hindi seryoso si Kiro sa akin. Alam kong hindi niya ginusto na maikasal kaming dalawa. Pero seryoso naman ako at mahal ko siya, nasasaktan ako kapag may kasama siya, may ibang nag papasaya sa kanya, at mas nasasaktan ako kapag may ibang babae ang gumagalaw sa kanya. Nasasaktan ako kapag may iba siyang kahalikan, katawanan, katalikan at kayakap...

Para akong kandilang nauupos sa bawat pag ungol nila na naririnig ko.

Marahang sumilay ang namumungay na mga mata ni Gia at nanlaki ang mga ito sa pagkagulat ng makita ako.

" Kiro, stop..."

Hindi huminto si Kiro sa pag suway nito. Naging mas maalab pa ang ginagawa niya kay Gia.

MY HUSBAND IS MY COLD MAFIA BEST FRIENDWhere stories live. Discover now