1

14 1 0
                                    

Leah's pov

"Huy mag pa awat ka naman, matulog din tayo minsan ha" sarcastic na sabi ni Ria, ka doormate ko. Kanina pa kasi ako nagrreview dito para sa midterms namin next week

pagtingin ko sa oras ay alas dos na pala ng madaling araw.

"Gusto mo ba ng kape or matutulog kana?" tanong niya pa at umiling naman ako. May 7 am class pa ako bukas at mas pipiliin ko ang matulog na lang muna. Tulog ang kailangan ng mga 4th year student.

Pagkagising ko ay agad-agad akong nag-ayos para pumasok, traffic pa naman sa España ngayon dahil maulan at bahain. Naglalakad lang din ako papasok dahil malapit lang naman ang uste sa dorm namin. mahal at sayang ang pamasahe kung magccommute pa ako.

"So as you can see this is where our heart lies, our right ventricles connects to the-" habang nagddisscuss ang prof namin ay pursigido akong nagnnotes pero hindi ko talaga maintindihan ang lesson dahil nagbubulungan 'yung dalawa kong blockmate sa likod

"and when does our heart release oxygen again Mr. Guevarra?" biglang parecitation ni sir

Napatayo naman 'yung kaninang nagbubulungan kong blockmate sa likod at nasagot niya ito, infairness gwapo na matalino pa.

Natapos na ang lahat ng klase ko ng 5 pm umuwi na muna ako sa dorm at nagpalit bago pumunta ng grocery dahil wala na akong stock ng pagkain sa dorm.

Sana ay magkasya ang budget kong 1k dahil ayun lang ang padala ni mama sa akin, gipit daw sila sa daming bayarin sa bahay at pag-papaaral sa kapatid ko.

"cup noodles, itlog, hotdog" inisa-isa ko 'yung checklist ko kung complete na ba ang lahat at dumiretso na sa cashier, laking gulat ko nang lumagpas 1k lahat. Jusko dati naman ay sobra pa ang pera ko pero bakit nagmahal na yata lahat ng paninda

"Ay miss pwede bang pa-void na lang netong pancit canton at cup noodles" sabi ko

"Sorry po ma'am wala po kasi 'yung manager namin ngayon, wala pong p'wedeng mag void nung mga binili niyo" sagot nung cashier kaya naman nagppanick na ako at kinuha 'yung wallet ko at baka may sobra pa akong pera

"I'll pay for it na lang, pasabay na lang din neto" biglang sabi ng matangkad na lalaki at inabot 'yung pinamili niyang dalawang jack daniels

"3,480 php po ang total sir" sabi nung cashier at inabot niya naman ang credit card niya

Teka eto 'yung maingay kong blockmate kanina ah

"Thank you nga pala" sabi ko habang bitbit 'yung mga pinamili ko

"Ano nga pala gcash number mo? or account mo para mabayaran kita. Sorry! Hindi ko rin kasi inexpect na lalagpas pala sa budget" nahihiyang sabi ko sa kaniya

"No, it's fine pambawi ko na rin 'yan sa'yo tutal naingayan ka sa amin kanina" sabi niya na ikinagulat ko

"It's okay" nahihiyang sabi ko

"It's not, hindi ka nga makapagfocus sa notes mo" sabi niya pa na ikinataka ko

"Napansin ko lang, I observe people kasi" explain niya at napatango na lang ako

"Dito na ako, what's your name again?" tanong niya

"I'm Leah, Alleah Cruz" I introduce and offered my hand

"Sage Guevarra" sabi niya at nag shake hands kami bago siya sumakay ng kotse niya.

Between Riches and RemediesWhere stories live. Discover now