8

5 1 0
                                    

Leah's pov

"Huy! Kanina ka pa tulala diyan" tapik sa akin ni Ria, nandito ako ngayon nakatulala sa bintana niya, habang hawak-hawak 'yung notes galing sa lectures kanina na binigay sa akin nila Kurt. Umuwi na rin pala si Sage dahil may family dinner daw sila ngayon. Sana all.

"May problema ba?" tanong niya pa, hindi ko rin naman kayang itago 'to kay Ria dahil wala akong secrets na tinatago mula dito

"Hindi ako makakapagtake ng midterms nextweek" kalmadong sagot ko habang siya ay nagtataka

"Akala ko nagpadala na si tita?" tanong niya at umiling ako

"Kinulang kami ng pera" tipid na sagot ko dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera

"Saan ako kukuha ng 50,000 agad-agad" naiiyak na sabi ko. Para saan pa 'yung pagrreview ko kung gano'n lang din ang mangyayari. Agad kong tinawagan si Mama at buti naman sumagot na 'to.

"Ma" bati ko sa kaniya

"Kamusta kana anak? Sensya na ngayon lang ko lang nasagot tawag mo. Inabot kasi kami ng baha dito, alam mo naman dito kapag umulan lang nang malakas abot baywang na ang baha" paliwanag niya pa, at nakita ko naman sa background niya ang bahay naming puro putik dahil sa baha.

"Hi Ate!" bati ni Alex na naglilinis ng bahay

"Okay lang ako dito ma, as usual baha lagi dito sa España" tawa ko na lang kay mama

"Ma midterms na namin next week"

"Ah oo nga pala, hayaan mo gagawan ko ng paraan anak" sabi niya kahit hindi ko pa sinasabi sa kaniya, na gets na rin siguro ni mama na kailangan kong bayaran 'yung unpaid balance ko.

"Okay po, ingat kayo diyan ma. Huwag kayo masiyadong magpapagod at hayaan niyong tulungan kayo ni Alex diyan. Uuwi rin po ako after ng exams ko next week" sabi ko pa sa kaniya

"O sige anak, bakit ka nga pala nasa hospital? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin

"Hindi po ma, si Ria po kasi sobrang taas ng lagnat kaya sinugod ko rito" paliwanag ko kaya naman tumango siya

"Hi Tita! Hi Alex" masiglang bati ni Ria nang tinapat ko sa kaniya ang camera ko

"Magpagaling ka iha, jusko ang hirap magkasakit ngayon lalo na wala kayong kasamang magulang diyan. Huwag na kasi kayo pumasok kapag sobrang lakas ng ulan, hayaan niyo na ang CHED" sermon ni mama sa kaniya kay natawa kaming dalawa.

"Opo tita" sagot ni Ria at nagpledge hand pa ang gaga

"Ibaba ko na 'to anak dahil maglilinis pa kami ni Alex, balitaan na lang kita kapag may hawak na akong pera"

"Okay po, Thank you mama. Ingat kayo diyan" sabi ko at binaba na ni mama ang tawag

"Kakayanin natin 'to Leah" sabi ni Ria at hinawakan ang dalawang kamay ko to give me assurance na makakapag exam ako.

Please Lord.

Between Riches and RemediesWhere stories live. Discover now