15

1 1 0
                                    

Leah's pov

"Wow! Welcome back lods" bati sa akin ni Ria pagkapasok ko ng pinto

"Alam mo ikaw inabala mo pa si Sage. Kaya ko naman mag-isa" sabi ko at kinaltukan siya

"I'm being supportive friend here Leah, crush mo 'no?" asar niya sa akin kaya naman sinipa ko siya

"Not funny"

"Sus, kung ako 'yan maiinlove na agad ako, ako ba naman bilhan ng bearbricks" sabi niya habang nakatingin sa paper bag na binigay ni Sage kanina.

Nag-ayos ako ng gamit at nag-pahinga saglit. Nilagay ko 'yung beadbricks sa study table ko. Ang  cute cute tignan.

'Magkano kaya 'to?' bulong ko sa sarili ko kaya naman agad kong sinearch ito.

"50k!" biglang sabi ko nang makita ang lumabas sa google. Agad-agad kong tinanggal sa study table 'yon at binalik sa box.

"Tangina ang mahal pala"

"Oo te, sabi sa'yo crush ka non eh" komento ni Ria mula sa kusina

"Manahimik ka diyan" sabi ko at binato siya ng unan

Nakakahiya, bakit niya ako ginastusan ng ganon kalaking halaga

"Ba't mo binalik sa box? I-display mo. Ang cute kaya" sabi niya

"Sahod na 'yon ni papa at mama ng ilang buwan ah" biglang sabi ko. Kung tutuusin pwede ko ng ipambayad ng tuition ko 'to.

"Basta ako Leah, hindi ko maglalabas ng ganiyan kalaking halaga kung hindi ko mahal ang isang tao" sabi niya at humiga sa kama.

"Alam mo, kanina ka pa. Mag-kaibigan lang kami ni Sage tsaka hindi niya ako type" sabi ko na lang

"Pero type mo?" "Hindi rin!" agad kong sagot

"Pero pogi?" "Oo, pogi naman talaga si Sage" sagot ko at agad naman siyang tumili at nagpagulong-gulong sa kama niya.

'Baliw'

Between Riches and RemediesWhere stories live. Discover now